Ika-labing Apat

21 0 0
                                    

Stuck in the Ghost of You

Taon na ang nakalipas mag mula nang ako'y iwanan mo
Alam ko sa sarili ko na nag kamali ako
Nag kamali akong hayaan kang lumisan
At ako'y tuluyan mong Iniwan

Ngunit mahal,ginawa ko naman ang lahat
Ngunit,bakit tila hindi parin sapat?
Sabihin mo naman kung saan ako nag kulang
Upang sa puso mo'y mawalan ako ng puwang

Iniwan mo nalang ako ng basta
Mga luha'y hindi mapigil ng aking mata
Palalayain na ba kita?
Kung puso ko'y nananatiling nakakulong pa

Nakakulong pa sa pag asang muli kang makita't makasama
O nararapat na tanggapin ko nalamang na hindi na tama
Ang ibigin ka,kahit ika'y wala na sa aking piling
Tanging kasiyahan lamang ang akig hiling

Hanggang kailan ako mag tatago?
Mag tatago sa iyong anino
Sa walang kasiguraduhang mundo
Bungungot ko'y ibigin ang anino nang iyong multo

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 15, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SPOKEN WORD POETRYWhere stories live. Discover now