Ika Labing Isa

290 3 0
                                    

Bakit Siya pa?

Mahal?Kamusta ka?
Balita ko masaya ka na
Wala ako sa posisyon para tanungin ka
Pero,Bakit?Dahil ba sa wakas ay kasama mo na siya?
Dahil ba ako'y tuluyang nalimot mo na?

Naalala mo pa ba yung panahong ako pa ang kasama mo?
Ang kasa-kasama mong bumuo nang mundo
Ngunit bakit siya na ang kasama mo?
Siya na ang kasama mo sa binubuo mong mundo?

At wala na ako
Siya na ang mundo mo
Na dating ako
Ako na nag silbing panyo mo
Sa oras nang pag luha mo

Na nag sisilbing sandalan mo 
Sa oras nang pag guho ng mundo mo
Ako na parating nasa tabi mo!
Sa tuwing kailangan mo

Sabihin mo naman
Para hindi ako nasasaktan
Pilit kong inaalis sa aking isipan
Na ikaw ang dahilan
Nang aking kasawian

Mahal parin kita
Alam mo sana
Ngunit papaano mong malalaman kung iba na ang iyong kasama
Mahal mo ako diba?
Pero bakit biglang may iba na?

Sa dinami rami nang tao sa mundo
Bakit Siya pa?Bakit ang BESTFRIEND ko pa?
Winasak mo ako nang iniwan mo ako
Pero mas ikiniwasak ko nang ipag palit mo ako
Ipag palit mo ako sa BESTFRIEND ko

Bakit Siya pa?
Hindi kita masisisi kung makaka hanap ka nang iba
Ngunit bakit siya pa?
Bakit ang Bestfriend ko pa?

Hindi ko makuha kung bakit
Kaya sobrang sakit
Ang dami kong hinanakit
Dala dala ka maging sa aking pag pikit

Iniisip ko kung saan ba ako nag kamali
Kung bakit siya ang iyong pinili
Saan ba ako nang kulang?
Sa puso mo ba'y wala na talaga akong puwang?

Siguro nararapat na itigil ko na
Dahil hindi na ako ang mahal mo diba?
Tatanggapin nalang kahit napaka hirap pa
Dahil wakas na ang ikaw at ako hindi ba?

Pero,Mahal..bakit Siya pa?




SPOKEN WORD POETRYWhere stories live. Discover now