Ika-Pito

428 4 0
                                    

"DATING SAYA"

Paano ko ba sisimulan to?
Sige heto ang kwento
Nais kong ipabatid anking punto
Pasensya kung nakaka insulto

Sa panahon ngayon ikaw ang tama at ako ang mali
Ang galing nga eh,Bakit?Ako ba ang pumili?
Di ko nama kasalanan ang maiwan sa huli
At ito ang iyong nagung sukli

Oo!Masaya,masaya tayo ng una
Noong una!,kaso lahat nalang iyong napuna
Para akong isang sanggol na nakakulong sa kuna
Nahihirapan din ako alam mo sana

Tanda mo pa ba yung mga pangako mo?
Mga pangako mo na napako
Sabi mo pa nga walang sukuan
Pero ako yung sinukuan mo na minsan mong pinangakuan

Alam mo yung saya?
Hindi yan yung damit!Yan yung kapag kasama ka
Lahat ng yan napalitan ng lungkot
Nasakin ay sumakop at bumalot

Dating saya na kasama ka
Dating saya na akala ko ikaw na
Dating saya na kasama kang bumuo ng ala ala
Lahat nang yan nawala ng ako'y iniwan mong bigla

Mapapasabi nalang akong sana hindi na kita nakilala
Dahil nag pakapagod lang ako wala naman palang mapapala
Sa kwento mo nga ako pa ang may sala
Sabihin mo nalang na nawalan ka na ng gana dahil nakahanap ka na ng iba

Sasaya ulit ako!
Pero!hindi na dahil sayo!
Dahil pagod na ako!
Wala naman bago maliban sa nakahanap ka na ng bago

SPOKEN WORD POETRYWhere stories live. Discover now