Chapter 4

1.3K 47 0
                                    

Present....

Nasa patio si Clara na nakaharap sa malapad nilang hardin kung saan inaayos ngayon ang mga mesa at upuan para sa graduation party niya mamayang gabi. Hindi siya nagwagi laban sa mga magulang kung kaya't pagkatapos nga graduation niya kahapon ay mabilis silang lumipad ng mga magulang niya pauwi muli ng probinsya.

She sighed while looking at their maids scurrying around to get everything fixed before 6PM.

She wasn't excited at all dahil alam niyang wala naman ang mga kaibigan niya doon.

She knew almost no one in the area except... well, Alejandro.

But she made sure she'd look absolutely gorgeous anyway. She brought some of her finest dresses and shoes para meron siyang mapagpipilian. In the end, she chose her floral Mark Bumgarner dress and Amina Muaddi bejeweled shoes for the night. 

She still has to look stunning kahit na hindi niya gustong magcelebrate.

"Hija, malapit ng matapos ang mga pagkain. Come on. Gusto mo bang tikman? Manang's in the kitchen. Come," anyaya sa kanya ng Mama niya but she just didn't budge.

"Clara, may bisita ka," singit naman ng ama niya at napatingin siya rito at sa bagong dating na bisita.

"Ang aga mo naman, hijo. Hello," bati ng Mama niya kay Alejandro na nandoon ngayon. 

"Hi, Tita Isabel. Magandang hapon po," magaling na bati nito pabalik. "Congratulations, Clara," baling naman nito sa kanya.

"Salamat," tipid na sagot niya.

Narinig niyang tumikhim ang ama niya at biglang nagsabi, "Isabel, samahan mo nga akong tikman ang mga luto ni Manang. Parang kulang yata sa alat." At hinila na nito paalis ang asawa para iwan silang dalawa.

"Party's at 6PM. Alas-kuwatro pa lamang. Bakit ang aga mo?"

"What's wrong with being early? I wasn't in your graduation so I just wanna be the first to congratulate you and... give you this." At inilabas nito ang isang velvet box at iniabot sa kanya. It was rectangular and red - Cartier.

Binuksan niya iyon at nakita ang isang mamahaling kwintas. She gasped at the diamond in the pendant.

"I knew a city girl like you would love it."

"T-thank you," she said. "But this is too much."

"No, I know you won't accept anything less. So please accept it. Anyway, I'm also just leaving. Pinakiusapan kasi ako ng Papa mo na sunduin ang pinsan mo sa airport."

"P-pinsan ko?" gulat na gulat na tanong niya. "Who?"

He just shrugged. "You don't even know you have a cousin?"

"Lahat ng mga malalayong kamag-anak namin ay nasa Amerika so I never knew any of them. So who are you talking about?"

"A certain Winnie."

"Winnie? But bakit ngayon pa? I have a party. Bakit ngayon ka pa inutusan ni Papa?"

"Precisely because you have a party and he can't leave the house," sagot nito. "It's not as if you like me here, anyway. At ayaw niyang utusan ang mga trabahador niya dahil excited na sila sa mga pagkain at papremyo mamaya. So it's fine."

Hindi niya alam pero bakit parang naiinis siya sa isipin na aalis ito sa party niya para sa ibang babae?

Ugh, it annoys her to death. Bakit ito pa ang inutusan ng ama niya?

"T-thanks for this," she said pointing to the necklace at tinalikuran na ito. Ayaw niyang mabasa nito ang nasa isipan niya ngayon.

"Congratulations again. I hope you find a good corporate job in the city so you can continue living your best life there," he sincerely said and walked away.

Love in the Hacienda [Completed]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz