C - 01

671 13 1
                                    

Ashtrielle Velasco

Dalawang oras ang nakalipas at natapos na namin ang pag opera sa lalaki, naka kamangha lang dahil nakayanan pa nito ang mga bala na tumama sa kanyang katawan.

Maraming dugo ang nawalan sa kanya pero mabuti at natanggal namin ito kaagad. Nakahinga ako ng maluwag ng matapos na kami.

"Kayo na ang bahala sa kanya, I need to talk to his companion" nagsitanguan ang mga nurse pati narin si Lara na kasama ko.

Inalis ko lang ang gloves at mask ko bago nagtungo sa labas ng operating room.

Pagbukas ko palang ng pinto ay biglang tumayo ang mga lalaking kasama nito at lumapit sa akin.

"How is he doc.?" bakas sa boses nito ang pagaalala.

Parang kanina lang ang tapang nito ah, siguro sinapian lang ito ng anghel.

"Don't worry about him mister, successful ang operasyon, ililipat palang siya sa isang room" kalmadong wika ko, napangiti naman ang mga lalaking kasama nito. Nagulat nalamang ako dahil sa kanilang ginawa. Bakit sila yumuko?

"Thank you doc."sabay sabay nilang wika at ngumiti lang ako ng tipid sa kanila bago hinarap ang lalaki.

"Im sorry sa nasabi ko sa iyo kanina Doc." paghingi nito ng paumanhin pero inirapan ko lang siya.

Alam kong dala lang ito ng kanyang pag-aalala kaya niya iyon nagawa, pero sana nirespeto niya parin ang mga pasyenteng nasa paligid namin kanina.

"Its okay, mauna na ako dahil marami pa akong pasyente" tumango lang ito sa akin bago ako umalis.

Medyo dumidilim nadin kaya naisipan kong kumain muna para may lakas akong harapin ang mga pasyente ko mamaya.

Pagpasok ko palang sa loob ay nakita ko ang isang kaibigan ko, katulad ko rin siya isang doctor pero sa ibang Department lang ito naka assign.

Nakangiti akong lumapit sa kanya at kinuha ko ang isang bread na inorder nito.

"Ash naman ang mahal niyan bumili ka ng sa iyo pinaghirapan ko kayang pumila" nakasimangot nitong wika kaya napatawa ako ng mahina.

Marami kasi ang nandito baka magawa nanaman kaming topic nila.

"Wala akong dalang pera" pagsisinungaling ko at inagaw ang coffe niya.

"Mayamang kuripot" rinig kong bulong nito at tumayo naman ako para bumili ng akin.

Nag order lang ako ng puddings and tea coffee, mahilig akong mag kape dahil gabi ang shift namin para hindi ako makatulog.

"Balita ko may dinala daw kanina dito at armado pa?" napatingin ako sa kanya ng seryoso bago tumango.

"VIP siguro iyon dahil may mga tauhan" deretsong wika ko bago sinimulang kumain.

"Gwapo ba?" napaubo ako ng magsalita itong muli kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Keshia anong klaseng tanong yan" may bahid na Inis kong wika at napahalakhak lang ito.

Hindi na ito muling umimik at pinagpatuloy lang namin ang kumain.

"Kamusta naman ang pasyente mo?"

"ayon mahimbing naman silang nakakatulog" sinamaan ko siya ng tingin dahil sa kanyang sinabi, Doctor ba talaga ito?

"Biro lang, maayos naman ang kalagayan nila"

Tinapos ko lang ang kinakain ko bago tumayo at ang kasama ko.

"I have to go may gagawin pa ako" pagpapaalam ko at may sinabi naman siya.

"May meeting pala mamaya, tama para makita ko naman yung VIP na sinasabi mo" Napailing nalang ako dahil sa kanyang sinabi bago ko ito iwan.

I'm His Personal Doctor Where stories live. Discover now