C - 02

380 12 0
                                    

                        Ashtrielle Velasco

Hapon narin nang matapos na ang oras ko sa  trabaho kaya yung shift ko naman ang a asikasuhin ko. Naisipan kong kumain muna dahil kanina pa ako nagugutom.

Pagkarating ko sa cafeteria ay bumili lang ako ng pagkain at lemon juice inilagay ko lang ito sa paper bag at nagtungo sa aking opisina dahil doon ko naisipang kumain.

Habang kumakain ako ay napapikit ako ng may kumatok, ano ba naman wala pa akong pahinga eh..

"Come in" tipid kong wika at pumasok naman si Keshia.

"Salamat at nagpakita ka pa sa akin bruha akala ko nakalimutan muna ang usapan" naiiritang wika ko pero nag peace sign lang siya.

"Sorry naman, okay umuwi ka na at ako na ang bahala sa trabaho mo" nakangiting wika niya kaya inubos ko nalang ang aking kinakain at nakisabay pa ito para tulungan akong ubusin.

"Ingat ka" tumango lang ako at tinanggal ang aking lab gown bago kinuha ang bag ko.

Napapadaan lang ako sa hallway at medyo dumidilim nadin kaya maraming mga pasyente ang nagpapahinga.

Habang naglalakad ako ay may narinig akong sigaw galing sa isang room kaya patakbo akong nagtungo doon. Napakunot ang aking noo ng mapagtanto kung kanino ang room na ito.

Hinawakan ko ang door knob at pinihit ito para silipin kung anong meron sa loob.

"Dracey are you there?" napatayo ako ng marinig ang boses nito kaya pumasok na ako.

Walang ibang tao kundi kami lang? Nasaan ba ang kanyang mga bantay?

"What do you need doc.?" nagulat ako dahil sa nasa harapan ko na siya at seryosong nakatingin.

"Bakit ka sumisigaw may problema ba?" nagtataka kong tanong at napapikit naman ito bago umupo sa kama.

"Im calling my man para gamutin ang sugat ko" seryosong wika nito at napaiwas naman ako ng tingin dahil sa pag titig nito. Ang sexy nang boses pag tagalog version.

"Ako na, siguro baka umuwi muna sila" inilagay ko sa sofa ang bag ko at kinuha ang first aid na nasa kabinet.

VIP ang room nito at kompleto ang narito may mini Kitchen rin at may sofa. Nagtungo ako sa gawi niya bago inilapag sa baba ang gamot.

Hahawakan ko na sana ang damit niya pero kaagad niyang hinawakan ang aking kamay para naman akong na koryente dahil sa paraan ng kanyang paghawak.

"Your out of duty doctor why are you still doing this?" mahinahon na nitong wika kaya umangat ang aking paningin bago nito binitawan.

"Isa akong doctor sa loob man o labas trabaho ko paring alagaan ang mga pasyente" paliwanag ko bago inumpisahan nang tanggalin ang bandage.

Narinig ko pa ang pagdaing nito pero hindi kona pinansin, nang matapos na ako ay binalutan ko muli ito ng bandage.

"Nasaan ba ang ibang kasama mo?" tanong ko habang binabalik ang first aid sa lalagyan.

"I don't know" tipid nitong wika pero nangingibabaw parin ang kanyang seryosong boses.

"Did you already eat?" muling tanong ko pero napangiti naman ito kaya nakakunot noo ko siyang tinignan.

"Why are -" hindi ko na siya pinatapos dahil alam ko kung ano ang sasabihin nito.

"Inuulit ko mr. Pasyente parin kita kaya inaalala ko ang kalagayan mo" inirapan ko ito bago nag punta sa mini kitchen niya.

Naghanap lang ako sa ref nang maaaring lutuin at nakita ko naman ang bacon then chicken kaya ayos na ito at least makakain siya.

I'm His Personal Doctor Where stories live. Discover now