C - 15

213 10 1
                                    

Ashtrielle Velasco

"Ash gumising ka na diyan"

Nakarinig ako ng ingay galing dito sa kwarto kaya idinilat ko ang aking mata bago siya tinignan.

Si Keshia at kasama niya si lia na ngayon ay pinapanood ako kaya agarang akong bumangon bago iniayos ang higaan.

Wala na pala si Zavier siguro maaga siyang nagising. Nagpunta muna ako sa banyo para naghilamos.

"Mukhang napasarap ang tulog mo ah" nangiinsulto niya akong tinignan nang makalabas ako sa banyo.

"Keshia ikaw na ba ang magtatayong magulang ni lia" inirapan niya ako dahil sa aking sinabi.

"Titira lang siya sa bahay pero bilang kapatid ang turing ko" paliwanag nito at hinawakan si lia sa kanyang kamay.

Masaya na ako para sa kanya dahil kahit papaano ay tanggap niya ang nangyari sa kanyang tatay. Siguro magkakaroon din siya ng panibagong buhay kasama kami.

"Si Lara nga pala tumawag sa akin kanina ayon nagaalala"

Mabuti at hindi siya nandito dahil baka pati siya nadamay. Kakausapin ko nalang siya mamaya dahil alam kung kakailanganin nito ng explanation.

Sabay na kaming bumaba pero nang makarating kami sa kusina ay wala pa sila.

Nasaan nanaman sila nagpunta?

"Ma'am magandang umaga po nasa basement pa po sila sir pinapasabing mauna nalang po kayong mag agahan" nakangiting nagsalita ang isang katulong at tipid lang akong ngumiti.

Basement? Anong gagawin nila doon?

"Keshia titignan ko lang sila mauna nalang kayo" nakasimangot siyang bumaling sa akin at hinawakan pa niya ang aking kamay.

"Ash naman sabay nalang tayo ang boring kapag kami lang" napatawa ako dahil sa kanyang dahilan tatawagan nalang namin sila.

Nagpunta kami kung saan ang tinutukoy nilang basement at nasa ibang pasilyo pa ng bahay. Nang makarating kami ay bumaba muna kami sa hagdan pero underground na ito kung titignan.

Nang makarating kami sa isang pinto ay hindi na kami kumatok dahil nakabukas naman at nakita ko ang isang tauhan na nakatalikod sa amin.

Magsasalita sana si Keshia pero pinigilan ko ito dahil nakita ko si zavier na may hawak na baril.

Anong ginagawa niya?

"Tell me who the hell is he?" galit nitong tanong sa kanayang kaharap kaya doon kona tinignan.

Laking gulat ko nang makita ang nasa limang kalalakihan at nakagapos sila puro pasa at sugat ang kanilang natamo, bakat na bakat ito sa kanilang katawan.

Bakit nila ito ginagawa sa pagkakaalam ko tauhan nila ang mga ito.

"kung ako sa inyo magsasalita na ako dahil gusto ko pang masilayan ang araw " pangiinsulto ni Raven habang nilalaro nito ang kanyang baril.

Bakit mas lalo na silang nakakatakot. Ang dali lang sa kanila na gawin ito. Hindi ba sila nako konsensya.

"If you can't tell me who is your leader, then I will kill all of you now" malamig nitong wika at binaril ang isang nakagapos.

Narinig ko ang mga sigaw at tawa sa loob pero mas nangunguna ang kaba ko dahil hindi ko na alam kong si zavier pa ba ito.

Bakit napakadali sa kaniya ang pumatay, tauhan niya iyon pati ba naman sila idadamay niya?

"Magpaalam na kayo sa isa't isa"

Napansin ko ang pagkagulat ni Keshia at nanginginig ang kanyang mga kamay na naka hawak sa akin. Siguro ay natatakot ito dahil sa ginawa nilang pagbaril sa mga lalaki.

I'm His Personal Doctor Where stories live. Discover now