C - 35

189 7 1
                                    

Ashtrielle Velasco


After we arrived at the hotel earlier, I couldn't help but think about who's with zavier at hanggang ngayon ay parang wala siyang balak tumawag para sabihin sa akin ang tungkol doon.

Na patawag nga rin kanina si Keshia kung nasaan daw ako ngayon at bakit hindi ko manlang daw siya sinabihan. Kilala ko ang babaeng iyon hindi siya nawawalan nang ibubukam bibig lalo na't magkasama sila ni Raven at baka malaman din niya kaya hindi ko sinabi kung nasaan ako ngayon.

"Hindi ka dumeretso kanina dito?" nabalik ako sa ulirat nang marinig ang boses ni kuya.

"May aksidente kasing naganap kaya doon kami sa hospital napaderetso"

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito bago nagtungo sa kusina sumunod nalang ako sa kanya at napakunot ang aking noo nang makitang may roong mga pagkain ang nakalapag sa lamesa at mukhang masasarap ito.

Siya ba ang bumili nito?

Kaagad na akong kumuha nang plato dahil kanina pa ako walang kain baka kung ano pa ang mangyari sa akin kapag napabayaan ko ang aking kalusugan lalo na't may dinadala ako.

Tungkol nga pala sa pagbubuntis ko ay hindi ko pa ito pinapaalam kay kuya, pakiramdam ko may gusto pa muna akong malaman bago ko sabihin sa kanila ang tungkol dito tsaka hindi pa ako handa.

"My butler told me you saw zavier earlier?" napatango ako kaagad sa sinabi ni kuya bago ko siya tinignan.

"Pero hindi niya ako nakita" deretsong sagot ko habang nakatingin sa mga pagkain.

"I thought you came here to see him?, Ashtrielle kilala kita, now tell me! " may pagbabantang tanong nito habang seryosong nakatingin sa akin.

Gusto kong sabihin kay kuya kung bakit ako nandito, pero sigurado kapag malaman niya ay papauwiin niya ako kaagad sa pilipinas. Tsaka hindi ko rin naman inaasahan na doon ko siya makikita at may kasamang babae na hindi ko naman matukoy kung sino siya!

"Kuya sigurado ka bang bussiness trip ang pinunta ni zavier dito?"

Dahil sa tanong ko ay napakunot ang noo nitong tumingin sa akin. Maski ako rin ay napakunot dahil sa aking sinabi.

"What do you mean, of course he's here for a business trip" bakas sa boses niya ang seryoso na wari mo ay yun din ang alam niyang pinunta ni zavier dito.

"Now answer my question" Muli kong inalala ang tanong niya kanina, bago ako huminga ng malim.

"Okay fine, I came with you because I want to see zavier not personally but to see his actions, dahil noong nakaraang araw pa bumabagabag sa isip ko ang sinabi niya, i feel like he's hiding something" mahabang paliwanag ko kay kuya at parang hindi siya makapaniwala sa narinig, he's also bother of what I said.

"Kung nanghihinala ka sa kanya bakit hindi mo nalang siya kausapin, since the two of you can talk anytime".

I also want to talk to him but maybe he thinks that I don't trust him, at isa pa ayoko ring magaway kami dahil lang sa panghihinala ko.

"Siguro nga kuya, pero pwede bang huwag mo nalang sabihin sa kanya na nandito ako, kapag nakauwi na tayo ay doon ko nalang siya kakausapin" nakangiting pakiusap ko na kaagad naman niyang ikinatango. My brother really understand me anytime.

Tahimik kaming nagsalo ni kuya sa mga pagkain na nasa hapag. I also haven't seen the man I was with earlier since we got home, I think he has feel bad towards me because of what I said, pero may kasalanan din naman siya.

Pagkatapos kong kumain ay dumeretso kaagad ako sa kwarto para magbihis. Tumunog ang aking cellphone kaya dali dali ko itong kinuha sa aking bag, pero napakunot ang aking noo nang makitang si Tito ang tumawag.

I'm His Personal Doctor Where stories live. Discover now