C - 24

137 6 0
                                    

Ashtrielle Velasco

Akmang hahawakan na niya sana ako pero kaagad na akong tumakbo pa akyat sa hagdan, narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin.

Ni lock ko ang pinto nang makapasok na ako sa loob bago sumandal sa pinto.

"You have a lot of secrets zavier!!" bulong ko sa sarili at nakarinig pa ako ng yapak papalapit sa pinto.

Kaagad akong umalis ng tayo tsaka kumuha nang damit sa closet bago pumasok sa banyo.

Kung hindi ako makakakuha ng sagot mula sa iyo zavier, ako mismo ang gagawa.

Pagkatapos kong maligo ay napatigil ako saglit ng makita ko na siyang nakatayo sa harapan ng pinto habang nababakas parin sa kanyang mga mata nag lungkot.

Hindi ko siya pinansin at tinalikuran ko lang siya tsaka kumuha ng unan at kumot sa kama. Akmang aalis na sana ako pero isang kamay na niya ang pumigil sa akin, kaya napadikit ako sa kanya.

"Where are you going?" nagtataka niyang tanong habang kalmado ang kanyang boses.

"Matutulog" tipid kong sagot habang pilit na umaalis sa kanyang braso na naka pulupot sa akin.

"Youre not going any-"

"Ayokong makipagtalo sa iyo zavier kaya bitawan mo na ako" seryosong wika ko at kaagad naman siyang napabitaw dahil masama ko siyang tinignan.

Ayokong kausapin muna siya dahil hahantong nanaman kami sa pag aaway, at mas mabuting sa kabilang kwarto nalang ako matutulog.

"I also don't want to argue with you wife" mahinahon niyang sagot tsaka malungkot na tumingin sa aking mga mata.

"Matutulog na lang ako sa guest room zavier, kahit ngayon lang" mahinang wika ko pero nakakunot lang ang kanyang noo na nakatingin sa akin.

May lakad pa pala kami bukas, dahil sa susunod na araw na ang kaarawan ni tita kaya kailangan naming magpunta bukas nang maaga para kausapin sila.

"Stay here Ashtrielle!!" pagbabanta nito sa akin at mismong pangalan ko na ang kanyang binigkas nang tinalikuran ko siya.

Gusto ko munang makapagpahinga ayokong makipagsumbatan nanaman sa kanya dahil mas lalong lalala lang ang sitwasyon namin.

Pag ka pasok ko sa guest room ay ni lock ko lang ang pinto para hindi na siya pumasok. Bago ako nagtungo sa kama.

°°

I just woke up when I felt something moving on my neck so I immediately became aware but suddenly I was surprised because Zavier and I were next to each other. Wait, how did he get in?.

Nakayakap din ang kanyang kamay sa aking bewang at pilit niyang isinisiksik ang kanyang ulo sa aking leeg.

Dahan dahan kong inalis ang kanyang kamay sa aking bewang at lumayo kaunti sa kanya. Kaya ngayon malaya ko nang nakikita ang kabuuan ng kanyang mukha.

Napansin ko ang pamamaga nito, huwag niyang sabihing umiyak siya kagabi?. Napatingin ako sa kanyang kamao at may pasa pa ang kanyang mga daliri.

Ano bang ginawa niya kagabi?.

"Come here wife, sleep with me" malambing niyang wika kahit naka pikit ang kanyang mga mata at pilit na kinakapa ang kanayang katabi.

Napatingin ako sa Wall clock at alas kwatro palang nang madaling araw. Akmang aalis na sana ako pero kaagad niyang hinawakan ang aking kamay.

" Zavier alam kung gising ka, doon ka nga sa kabila" nainis kong wika at pilit na inaalis ang kanyang kamay.

Nagbuntong hininga muna siya tska dumilat at umupo para harapin ako.

I'm His Personal Doctor Where stories live. Discover now