C - 38

126 4 0
                                    

Ashtrielle Velasco

Nagising ako dahil sa isang masamang panaginip, pero bakit nagmumukhang totoo a tragedy will happen, someone will be lost but someone will also come back, hindi ko masyadong mamukahan ang taong iyon pero pakiramdam ko ay nasa paligid lang siya.

I just ignored that thing because it was just a dream, I hope it doesn't happen.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at napakunot ang aking noo ng makita ang aking silid, bakit ako narito?

Biglang pumasok sa isip ko ang mga nangyari kanina at mas lalong bumalik ang sakit nang maalala ang mga naganap. Napahawak ako sa aking tiyan dahil pakiramdam ko siya nalang ang natitirang lakas ko.

Napabunting hininga nalang ako sa kawalan bago tumayo at nagtungo sa banyo para maligo. Hanggang ngayon ay nagtataka parin ako kung paano ako nakarating dito sa bahay at sino ba ang nagdala sa akin?

Hindi ko na mamukahan ang taong iyon dahil malabo ang nakikita ko kanina,siya ba ang nagdala sa akin dito?

Kalahating oras bago ako natapos at isinuot ko lang ang aking bathrobe bago lumabas pero gulat akong napatingin sa pinto ng may biglang pumasok.

"Aaahhh manyakis!! a- anong ginagawa mo dito? at paano ka nakapasok?" malakas na sigaw ko sa kanya habang may hawak itong tray.

"Sh*t I'm sorry I didn't know your already awake , fvck what i have done" rinig kong wika nito at bigla itong tumalikod sa akin habang pinagmumura nito ang kanyang sarili.

"Zamier?" bulong ko sa aking sarili nang makilala ko ang taong ito.

Teka bakit siya nandito? Anong ibig sabihin nito, gulat kong tanong sa aking isipan dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

"I'll be back when you're done" nagmamadali siyang umalis mula sa pinto kaya huminga muna ako ng malalim at napahawak ako sa aking dibdib dahil sa kaba.

Sino ba naman ang hindi magugulat kung ang taong sa una mo lang nakita o nakilala ay muling susulpot sa iyong harapan ng hindi mo alam ang dahilan.

Dali dali akong nagbihis at kaagad akong nagtungo sa baba para kausapin siya, gulong g gulo na ang aking isipan sa mga nangyayari, bakit ito nangyayari?

Nang makarating ako sa sala ay narinig ko ang ingay galing sa kusina kaya doon na ako dumeretso, hindi naman ako nabigo at nakita ko itong bumubulong sa kanyang sarili habang nakahawak sa kanyang sentindo.

"What are you doing here in my house?" pagaagaw pansin ko kaya lumingon ito kaagad sa akin bago niya ako hinarap.

Walang emosyon ang kanyang pinapakita mula sa akin nagtungo lang ito sa hapag bago umupo.

"You need to eat first, you haven't eaten your lunch yet" pag-iiba nito ng usapan kaya napakunot ang aking noo dahil sa kanyang inasta.

"Bakit ka nandito, anong kailangan mo sa akin?" napaseryoso ang mukha nito ng tanungin ko muli siya.

"I'll explain everything but you need to eat first" masama ko itong tinignan at nilapitan ko na siya kaagad bago hinila at pinaharap ko ito.

"Hindi ko alam kung ano ang pakay mo sa akin, sa pagkakaalam ko wala akong atraso sa iyo dahil hindi kita kilala" seryosong paliwanag ko at inalis naman nito ang aking kamay sa kanyang damit na nalukot ko.

Mas lalong sumeryoso ang kanyang mukha kagaya ng dati ay wala paring pinag bago. Pero kapag tinignan ko ito ng malapitan ay parang may kamukha siya.

"Stop staring at me, just do what I said " pagkasabi niya iyon ay kaagad nalang siyang umalis sa aking harapan at nagtungo sa sala na parang siya ang may ari ng bahay .

I'm His Personal Doctor Där berättelser lever. Upptäck nu