Kabanata 8: Kaarawan

15 2 1
                                    


Paikot-ikot sa loob ng kaniyang silid si Alejandro habang hawak-hawak ang imbitasyon na natanggap niya galing kay Virginia. Nakapaloob sa imbitasyon ang mga pangalan ng bisitang dadalo, at ang karamihan sa kanila'y mga bigatin, mga maharlika, bilang lamang sa kaniyang mga daliri ang mga katulad niyang nasa baba ng tatsulok ang dadalo sa nasabing okasyon. Kagat-labi siyang umupo sa katabi niyang bangko. Nakarinig siya ng katok ilang sandali lamang ang nakalilipas, tumayo siya upang buksan ang pintuan, si Magdalena, ang kaniyang ina ang kumakatok.

"Narinig ko ang balita anak, naparito raw kanina ang kartero ng mga Del Fuego at inilahad sa'yo ang imbitasyon para sa kaarawan ni Virginia, mamayang gabi."

"Opo, at hindi ko alam kung dadalo ba ako o hindi, ano po sa tingin ninyo?" paghingi niya ng opinyon sa ina.

"Dumalo ka anak, hindi dapat tinatanggihan ang mga Del Fuego, malaki ang utang na loob natin sa kanila." ani Magdalena.

"P—pero, wala po akong maibibigay na regalo." Napakamot si Alejandro sa kaniyang ulo.

"Halika anak, tuturuan kitang manahi, ano bang handog ang nais mong ibigay sa may kaarawang Binibini?"

Sandaling nag-isip si Alejandro ng ideya, pumasok sa isip niyang palaging umiiyak ang dalaga, kaya ang bagay na “panyo” ang tumatak sa isip niya.

"Panyo, 'yon po ang nais kong ibigay sa kaniya."

"Kung gayon anak, halika na't mananahi tayo."

Nilisan ng mag-ina ang silid at tumungo sa maliit nilang sala, kung saan naroon ang kagamitan ng kaniyang ina sa pananahi, mano-mano kung manahi ito, kaya tiyak ay matatagalan sila.

"Ito ang kulay ng telang natitira sa akin, alin rito ang gusto mong gawin nating panyo?"

Kulay asul, dilaw at rosas ang kulay ng mga tela, naalala niyang ang kadalasang kulay na ginagamit ng Binibini ay dilaw, marahil ito'y nangangahulugan na paborito niya ang kulay na 'yon.

"Dilaw po."

Umupo sila at nagsimulang ituro ni Magdalena ang mga hakbang, sa una'y napakamot si Alejandro sa ulo dahil nga sa wala siyang alam sa bagay na 'to, hindi siya kailanman humawak ng sinulid o 'di kaya'y karayom sa kasalukuyang panahon kung saan siya galing.

Unti-unti ay nasusundan niya na rin ang galaw ng kamay ng kaniyang ina, at nang makuha ang tiyempo'y inako niya na ang gawain sa kaniyang ina. Hinayaan lang ni Magdalena si Alejandro, pinagmamasdan niya ang anak at natutuwa siyang madali lang niyang natutunan ang pananahi.

"Ina, ganito po ba?" tanong ni Alejandro, nakangiti itong nananahi.

"Tama nga anak, mahusay." komplimento nito. "Ipagpatuloy mo lang 'yan, maghuhugas pa ako ng pinggan, tawagin mo na lamang ako kapag tapos ka na, at nang madalhan kita ng makakain mo."

Tumango lang si Alejandro.

Dalawang oras, 'yan ang oras na ginugol niya bago matapos ang tinatahi niyang panyo. Napatitig siya sa kabuuan ng panyo, naisip niyang parang may kulang, nakangiti niyang pinulot muli sa lamesa ang karayom at sinulid.

Sa may kanang bahagi, may ibinurda siyang mga salita, ang mga salitang 'yon ang matagal niya nang nais sambitin una pa lang niyang makita si Virginia, ninanais niyang masambit habang nakatitig sa kabuuan ng maamo niyang mukha. “My Sinisinta” ayan lang naman ang ibinurda niya sa panyo na ibibigay nito mamaya sa kaniya.

******

"Aba, ayos! Mukha ka ng tao." pang-aasar ni Luisito sa kaibigan, habang pinapasadahan nito ng tingin si Alejandro na kasalukuyang inaayos ang manggas ng suot niyang barong na hiniram ng kaniyang ina sa kapitbahay nila.

My Sinisinta (TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE)Where stories live. Discover now