Kabanata 10: Panyo

10 2 1
                                    


Tatlong araw matapos ang gabing 'yon ay nagkasakit si Virginia, ilang araw ng hindi bumababa ang lagnat niya, matamlay ito at madalas ay walang gana sa pagkain. Nag-aalala na ang lahat sa mansiyon ng mga Del Fuego sa kalagayan niya.

"Anak, ano ba talaga ang tunay na nangyari?" tanong ng kaniyang ina na nakaupo sa tabi niya.

"Ina, wala ito, marahil ay dala lang ito ng pagkabasa ko ng ambon noong isang araw." aniya. Nagsasabi siya ng totoo, ngunit bukod pa roon ay labis niyang dinibdib ang hindi pagsipot ni Florendo, ang natagpuan niyang liham sa basurahan nito, naging sanhi ito upang hindi siya kumain at matulog ng tatlong araw, hindi ito mawala sa kaniyang isipan.

"Bibisita raw mamaya rito so Florendo, ang iyong ama na ang nag-abot ng balita na may sakit ka sa kaniya."

Hindi sumagot si Virginia.

"Ito na pala siya." ani ng kaniyang ina.

Pumasok si Florendo sa loob ng silid, may hawak itong bulaklak at mga prutas, lumapit ito sa ina ni Virginia at saka nagmano.

"Kaawaan ka ng Diyos anak, maupo ka." Iginaya ng Ginang ang upuan sa harap ni Virginia.

"Mas maigi kung maiwan ko muna kayo rito at nang makapag-usap kayo ng malaya at masinsinan." dagdag pa ng Ginang.

Tumango lang pareho si Virginia at Florendo.

Inilapag ni Florendo sa lamesa ni Virginia ang dala niya nang matunugang wala na ang presensya ng Ginang sa loob ng silid ng kaniyang anak.

"Kamusta ka?" tanong ni Virginia sa kasintahan.

"Mabuti naman, ano'ng nangyari? Bakit ka dinapuan ng sakit?" sagot ni Florendo.

"Kasalanan ko rin." matipid na untad ng dalaga. “Kasalanan ko kasi naghintay ako sa wala at nilapastangan ko ang aking sarili dahil sa'yo.” nasabi na lamang nito sa isipan.

"Pasensya na't ngayon lamang ulit tayo nagkita, masyado akong naging abala sa kampo, kaya 'di ako nakadalo sa kaarawan mo, at sa anibersaryo natin kahapon." paliwanag nito.

Naging abala sa kampo, ngunit wala ito roon noong isang gabi, wala rin ito sa kanilang kampo noong mismong kaarawan ng kasintahan, ayon sa mga kasamahan niyang napagtanungan din ni Virginia. May kutob na ang dalaga na nagsisinungaling nga ito.

"Ganoon ba, ayos lamang 'yon. Maiba na lamang tayo, ikaw ba ang pumitas sa mga prutas at bulaklak na dala mo ngayon?"

"Hindi, ang aking Ina, siya ang namitas ng mga ito, at sinabing dalhin ko raw para sa'yo."

Nalungkot si Virginia sa narinig, akala niya'y kusa itong ginawa ng kasintahan. Gayunpaman, nakuha niya pa ring ngumiti.

"Iabot mo ang aking pasasalamat."

Tumango lang si Florendo. Sinuri ni Virginia ang kabuuan ng mukha ni Florendo, nananabik na kasi ito, ilang linggo rin niyang hindi nakasama o nakita man lang ang sinisinta, hanggang sa mapako ang mga mata niya sa leeg nito. Kung saan may nakita siyang pulang marka, nangangahulugang may humalik sa parteng 'yon ng kasintahan.

Nanlaki ang mga mata niya at napalunok. Kaagad namang tinakpan 'yon ni Florendo nang mapansing nandoon ang tingin ni Virginia.

"Maraming lamok sa kampo, araw-araw kinakagat ako." wika ni Florendo.

Hindi naniniwala si Virginia, alam niya ang pagkakaiba ng kagat ng lamok sa marka ng halik.

"Ganoon ba? Balutin mo ng kumot ang 'yong sarili." ani na lamang ito, ayaw niyang mapansin ni Florendo na nagdududa siya rito.

My Sinisinta (TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE)Where stories live. Discover now