Kabanata 11: Pagdakip

8 1 0
                                    

"Nais daw mamitas ng Binibini sa hardin nila sa Norte, ang utos ng Gobernador-Heneral ay samahan natin siya.” ani Tilda sa asawa niyang si Hino na abala sa pagpapaligo sa kabayo na madalas gamitin ni Binibining Virginia.

"Kung gayon, magbihis ka na at gagayak na tayo sa oras na lumabas na ng mansiyon ang Binibini."

"Opo, mahal ko." sagot ni Tilda, bago pumanhik sa loob.

"At bakit naisipan mong sa Norte pa mamitas ng bulaklak, kung ganoon ay marami naman kayong tanim na bulaklak sa hardin ninyo sa hilaga?" tanong ni Tilda Kay Virginia, palabas na sila ng mansiyon.

"Mas mabango po kasi para sa akin ang rosas na tanim namin sa Norte, kaysa sa Hilaga."

"Rosas? Hindi ba't hindi ka naman mahilig sa rosas?" nagtatakang saad ni Tilda.

"Sabi ni Florendo, may sakit ang kaniyang ina, kaya hindi niya ako sinipot sa pagkikita namin sana kahapon, paborito niya ang pulang rosas, kaya sasadyain ko ito sa Norte para ikuha siya, bukas na bukas din ay dadalawin ko siya dala pa ang sariwang mga prutas na inani nila kanina." paliwanag ni Virginia.

Tumaas ng bahagya ang sulok ng kilay ni Tilda. "May sakit si Rosa? Ang ina ni Florendo? Ngunit, nakita ko lamang siya kahapon sa kaarawan ng kaniyang kaibigang si Vina sa bayan, sumasayaw pa nga siya habang hawak ang lalagyan ng tuba."

Hindi lubos akalain ni Virginia ang isinalabi ni Tilda, napalunok na lamang ito ng wala sa oras. "Totoo po ba 'yan?"

"Binibini, hindi ako magsisinungaling sa'yo." itinaas pa ni Tilda ang kaliwang palad niya, bilang tanda ng pagsumpa.

"Kanina ko pa kayo hinihintay, tayo na at nang maaga ang uwi natin." pag-singit ni Hino sa pag-uusap nila.

"Tutuloy pa ba tayo, Binibini?" wika ni Tilda.

Tanging tango lang ang naisagot ni Virginia.

******

"Florendo, kailangan mong ipakita na mahal mo talaga si Virginia, kailangan nating makumbinsi ang pamilya niya, kailangan natin silang mapaniwala na mahal mo talaga ang nag-iisang anak nila." si Floresco, ang ama ni Florendo.

"Anak, kailangan natin ang kayamanan nila, ang kapangyarihan ang lahat ng mayroon sila." dagdag naman ni Rosa, ang ina ni Florendo na tirik pa ang araw ay lasing na.

"Ginagawa ko ang lahat ng nais ninyo, ngunit—

"Ngunit?" nag-uusok na sa galit ang ama nito, tila sasabog na ito ng wala sa oras.

"Nabuntis ko si Sintana, ang totoong kasintahan ko."

Dahil sa ipinagtapat ni Florendo ay nasampal siya ng kaniyang ama sa mukha.

"Lapastangan! Hindi puwedeng malaman ito ng Gobernador-Heneral, kailangan mong linisin ang duming nilikha mo, paslangin mo si Sintana kung maaari, kung 'yon na lamang ang tanging paraan upang hindi mahadlangan ang pangarap namin ng iyong ina." 

"Ama, hindi ko maaaring gawin 'yon, sapagkat mahal ko si Sintana, magtatanan kami—

Isang malakas na suntok ang iginawad ni Floresco sa anak, dahilan upang bumagsak ito sa sahig at umagos ang dugo na nagmumula sa kaniyang bibig.

"'yan ang napapala ng mga hindi nakikinig." untad ni Rosa, humalakhak pa ito bago tumayo at iniwan ang mag-ama sa sala.

"Hindi mo puwedeng gawin 'yan, ako ang papatay kay Sintana! Si Virginia ang dapat mong pakasalan, naintindihan mo?" Kwinelyuhan ni Floresco si Florendo.

"Ama—

"Huwag mo akong tawaging ama kung hindi mo lang din susundin ang nais ko."

"Ngunit, ama— nagmamakaawa ako, pagod na akong ikulong ang puso ko sa babaeng hindi ko naman iniibig." Lumuhod ang kalunos-lunos na si Florendo sa harapan ng kaniyang walang-awang ama.

"Hindi mo puwedeng sabihin 'yan! Mamili ka, papatayin ko si Sintana pati ang dinadala niya, o papakasalan mo si Virginia?" walang habas na sinampal ulit ni Florendo ang anak.

"Ama— gagawin ko ang nais mo, basta huwag mo lamang saktan ang minamahal ko at ang anak namin."

"Lumisan ka na't ayaw kong makita ang pagmumukha ng duwag at lapastangang kagaya mo." pagpapalayas ni Floresco rito.

******

"Saan ko kaya naiwan ang panyo kong 'yon noong isang araw, binalikan ko naman ang mga dinaaanan natin nang araw ding 'yon, pero wala naman akong nakita." 'di maipinta ang mukha ni Alejandro habang kaharap ang lasing na kaibigang si Luisito. Naglasing ang binata dahil nakita niya ang iniibig niyang si Blanca kahapon, yakap nito ang kasintahan.

"Mabuti ka pa, binalikan mo, ako hindi na binalikan." patutsada ni Luisito.

Humalakhak si Alejandro. "Inuulit ko, hindi naging kayo."

"Matakot ka na, baka naiwan mo sa mansiyon ng Del Fuego ang panyo mong 'yon, malalaman na ni Virginia na ikaw ang nagbigay sa regalong 'yon."

Napatigil sa pagtawa si Alejandro sa sinabi ng kaibigan. Bigla siyang napaisip, paano nga kung totoo?

"Paano nga kung totoo? Ano'ng gagawin ko?" naghuhurumentadong tanong ni Alejandro.

"Magtago ka na, baka barilin ka ni Florendo." pang-aasar ni Luisito.

"Hindi naman ako takot doon, kahit one on one pa kami." matapang na sagot nito.

"Matutulog na nga ako, baka bukas mapansin na ako ni Blanca." bumagsak na nga sa sa lapag ni Luisito.

Napailing na lang si Alejandro.

******

"Binibini, wala na akong tubig, maaari ba akong makahingi sa'yo?" isang matandang lalaki na madungis ang biglang lumapit kay Virginia, nasa kalagitnaaan ng hardin ang dalaga at namimitas ng bulaklak.

"Sige po, ito ang tubig ko." walang pagdadalawang-isip na iniabot ni Virginia ang tubig na dinala niya sa matanda. "Sa inyo na po 'yan."

"Salamat, hindi ba't ikaw ang nag-iisang anak ng Gobernador-Heneral?" kuwestiyon ng matandang lalaki.

"Opo, ako nga po? Bakit ninyo natanong?" walang ideya kung bakit 'yon tinanong ng lalaki, at higit sa lahat nagtataka siya kung paanong may taong napadpad dito, gayon ay pribado ang lupang ito, liban na lamang kung tauhan siya na itinalaga ng kaniyang ama mismo rito.

"Kailangan ka namin." Hinila ng matandang lalaki si Virginia nang biglaan. Napadaing ang Binibini sa sakit, parang napuruhan ang isa sa mga buto niya dahil sa pagkakahila.

"Saan ninyo ako dadalhin?" panlalaban niya, sinusubukan niyang manlaban, pero masyadong malakas ang nanghihila sa kaniya.

Nanlamig ang buong katawan ni Virginia nang makitang naglabas ang lalaki ng baril galing sa kaniyang bulsa.

Kinaladkad siya hanggang sa marating nila ang kinaroroonan ni Tilda at Hino.

Maging ang mag-asawa ay nagulat nang makita si Virginia na hinihila ng hindi kilalang lalaki. Sinubukan ni Hino na lumapit sa lalaki, pero umatras din siya kaagad nang tutukan siya ng baril.

"Iparating ninyo sa Gobernador-Heneral na hawak ko ang anak niya, ako si Gavino, ang lider ng mga rebelde rito sa Norte, makipagkita siya kung nais niya pang makitang humihinga pa ang kaniyang anak. maghihintay kami sa loob ng dalawampu't-apat na oras, kapag lalagpas sa napagkasunduan, ulo na lamang ng nag-iisang tagapagmana ang ipapadala ko sa mansiyon ng mga Del Fuego."

Kinaladkad ng lalaki palayo si Virginia.

******

"Dinakip ang anak ng Gobernador-Heneral." mabilis na kumalat ang ulat na 'yon sa buong bayan. Nakarating nga 'yon sa kaalaman ni Alejandro, na ngayon ay may plano na kung paano ililigtas si Virginia.

My Sinisinta (TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE)Where stories live. Discover now