Huling Kabanata

16 0 0
                                    

May 17 2016

"Vera, lumaban ka para sa atin, para sa akin." pagmamakaawa ni Andrew, habang nasa loob sila ng ICU.

"Andrew, dalawang taon ko nang nilalabanan ang karamdamang ito, h—hindi na kaya ng katawan ko." nanghihinang tugon ni Vera.

Mas lalong hinigpitan ni Andrew ang pagkakahawak niya sa kamay ni Vera, hinalikan pa niya 'yon.

"Vera, hindi ba sabi mo, magpapakasal pa tayo? Bubuo ng masayang pamilya, hindi ba gustong-gusto mo ng mga bata?"

"Andrew, gustuhin ko man ay unti-unti nang bumibigay ang katawan ko, hindi ko na kaya pang makita kang nahihirapan sa pag-aalaga sa akin." Huminga ng malalim si Vera sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap. “Allow me to rest eternally, Andrew. It's deeply hurting me to see you suffer because of me, you spent two years by my side, you already forgot that you have dreams to chase. Engineer ka na sana ngayon, apat na sana ang published books mo, kung hindi mo lang ako pinagtuonan ng pansin mula nang maratay ako sa higaang ito hanggang sa oras na ito. Andrew, sapat na sa akin 'yon, wala ka ng dapat pang patunayan, you gave your all, you gave up everything for me, higit pa 'yon sa mga ipinalangin ko noon sa kaniya." Tumingala sa kisame si Vera, habang umaagos ang kaniyang mga luha.

"V—Vera, hindi ko kaya ng wala ka. Vera, you're my source of strength, paano ako magpapatuloy kung tuluyan kang mawawala sa akin? Vera, lalaban tayo, nangako ka sa akin. Ipapanalo natin ang laban na ito, kahit walang kasiguraduhan, kakapit ako sa pag-asa na balang araw ay gagaling ka at babalik sa normal ang lahat."

"Andrew, hanggang kailan mo kayang isugal ang iyong sarili sa pagkapit, kung nalalapit na ang aking pagbitaw? Andrew, ilang beses mo na akong pinili, ito na ang
panahon upang sarili mo naman ang piliin mo."

Napasinghap si Andrew. "V—Vera, 10th anniversary na pala natin bukas, anong gusto mong hilingin mula sa akin? Human size na teddy bear? Isang box ng chocolates? May bago ka bang natitipuhang book set ngayon? Kahit ano, magsabi ka lang."

Napailing si Vera. "Andrew, ito na lamang ang huling ko, ang palayain mo ako, at ang piliin mo ang 'yong sarili."

******

Kinabukasan ay sinorpresa ni Andrew si Vera sa kanilang isang dekada bilang isang magkasintahan. Hayskul student lamang sila nang sumibol ang kanilang pag-ibig, hindi naka-graduate ng college si Vera sa ilalim ng kursong Tourism dahil nagkasakit siya, hindi naman nakapag-take ng Civil Engineering board exam si Andrew dahil mas pinili niyang manatili na lamang sa tabi ni Vera.

Kagaya ng nakagawian ni Andrew ay namitas siya ng limang daang piraso ng pulang rosas sa kanilang hardin na siyang inilahad niya sa bedridden ng si Vera. Puno ng kulang rosas na mga lobo ang Intensive Care Unit ng ospital, ang mga confetti na kanina pa pinasabog ay naglaglagan na sa sahig. Nasa loob ng naturang kuwarto ang lahat ng mahal sa buhay ni Vera.

"Happy 10th anniversary, My Sinisinta." pagbati ni Andrew. Sinubukan niyang ngumiti, kahit pa bumibigay na ang kaniyang mga mata, gusto na nilang lumuha.

"Happy 10th anniversary, Sinta ko. Masaya ka ba ngayon?" ani Vera.

Hinalikan ni Andrew sa noo si Vera. "Masayang-masaya ako, ikaw ba masaya ka?"

"Masaya ako, dahil sa wakas ay makakasama ko na rin si mama at papa sa langit, hinintay din nila ako ng matagal eh." pabirong wika ni Vera.

"Paano naman ako?" Nagsimula nang umagos ang luha ni Andrew.

"Mula sa taas ay pagmamasdan kita mula araw hanggang gabi, yayakapin kita sa tuwing nilalamig ka, at ako ang magbibigay liwanag kapag pakiramdam mo'y binabalot ka ng dilim. Tutuparin ko ang aking ipinangako, iiwan man kita rito sa mundo, ngunit parati kitang pagmamasdan mula roon." Itinuro ni Vera ang bintana. Tirik ang araw at namumulaklak ang mga ulap.

"Vera, hihintayin mo ba ako?" tanong ni Andrew.

"Maghihintay ako, kagaya nga ng sabi ko sa tuwing nahuhuli ka sa date natin noon dahil mabagal kang kumilos, palagi kitang hihintayin."

"Vera, mahal na mahal kita, higit pa sa buhay ko." Inilapat ni Andrew ang palad ni Vera sa kaniyang dibdib.

"Andrew, mahal kita mula noong una kitang namasdan, hanggang sa pagpikit ng aking mga mata ilang sandali na lamang. Andrew, ikaw at ikaw palagi."

"Vera, ikaw at ikaw pa rin, hanggang sa susunod na pagtatagpo natin."

"Ang pahina nating ito ay magwawakas na, ngunit ang mga naging kabanata ay mananatili sa ating mga puso at isip. Hihintayin kita sa kabilang buhay, handa akong isulat muli ang bagong kabanata na kasama ka, at hindi na natin kailangang mamaalam sa isa't-isa." Unti-unting isinara ni Vera ang kaniyang mga mata. Nawala ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ni Andrew, tuluyan na nga siyang bumitaw.

"Mahal na mahal kita, Vera." Andrew bid her goodbye to the love of her life.

"Time of death, 8:35 PM."

Vera Ignacio died at the age of 27 because of Stage 4 Ovarian Cancer.

Andrew grieved for her when she's still alive, but now that she's gone, he knew to himself that he will be grieving for the rest of his life. Losing your loved ones is just something hard to accept, you will never get over it, because it will change your life forever. There is an unending suffering after the actual tragedy.

Andrew loved her so much, that he gave up his dream profession and passion for her. He stayed by her side for two years, with the hope that she will heal, but sometimes, we need to accept that life doesn't go around the way we wanted it to be. Andrew learned to be selfish towards himself, but generous and kind towards her.  Indeed, he loved her so much.

Vera on the other way around, loved Andrew as much as he loved her. Vera fought for her life for two years, she stayed alive for him, until the day that she couldn't endure the pain anymore.

Their love is something that everyone will admire and at the same time envy. They both stayed at each other's side during the worst and best times of their love. They chose and chose each other without hesitation nor doubt. They remained faithful with their promises, they both remained passionate and understanding.

Sometimes, that's all we need, someone who will choose us endlessly, someone who is faithful, someone who will be gentle with our hearts, someone that will stay no matter what.

And sometimes... that someone will give us something magical... it's love.

My Sinisinta (TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt