CHAPTER 9 - Stoic Secretary

643K 15.4K 3.2K
                                    

CHAPTER 9 - Stoic Secretary

NANG magising si Aidan kinabukasan, wala na sa tabi niya si Gemini. Ginalugad niya ang buong penthouse niya pero hindi talaga niya ito mahanap. Baka umuwi na. Anang isang bahagi ng isip niya.

Without informing me? Pagalit niyang tanong sa sarili.

Ang babaeng 'yon! Pagkatapos niyang mag sakrepisyo kagabi para hindi ito masaktan, iiwan lang siya? Anong kalokohan na naman ito?

Mabilis siyang naligo at nagbihis pagkatapos ay pumasok siya sa opisina.

Pagkalabas niya ng elevator na naghatid sa kanya patungong top floor ng Navarro's Building kung nasaan ang opisina niya, kaagad niyang nakita si Gemini na nasa mesa nito at abala na sa pagta-trabaho.

Tumigil siya sa harapan nito para hintaying mag good morning ito sa kanya pero umasa lang siya sa wala kasi walang namutawi na salita sa mga labi nito.

Bumuga siya ng hangin. "Gemini. In my office." Sabi niya at nauna na siyang pumasok sa sariling opisina.

Seconds later, Gemini enters his office while he was already comfortably leaning in to the side of his table.

Nakatungo ang dalaga at abala sa steno pad na hawak nito. Naiinis na inagaw niya ang steno pad at inilapag iyon sa mesa niya.

"We need to talk." Aniya.

Nag-angat ng tingin ni Gemini sa kanya. "About what?"

Nagsalubong ang kilay niya. "About what happened to us last night?"

"Oh. That?"

"Yeah." Matigas na sabi niya. "That."

Gemini sighed and stared at him. Her eyes were emotionless. Shit! His stoic secretary is back. What the heck happened?

"Boss, kung ano man ang nangyari kagabi, kalimutan niyo na lang. Hindi maganda kong gagawin nating big deal 'yon. It happened. We're both adults and i think you will not have a difficulty forgetting it because that's what you do best. And by the way." She said in a cold voice. "I just help you get rid of me. You're welcome."

Tinalikuran siya nito at lumabas ng opisina niya. Naiwan siyang nakatanga sa nilabasan nitong pinto. What the heck just happened?

Naguunahan ang paa niya na naglakad palabas ng opisina at nilapitan si Gemini na nakaharap sa monitor ng computer.

"Listen, Gemini—"

"No." Humarap ito sa kanya. Wala pa ring emosyon ang mga mata nito. "You listen to me, boss. Kalimutan mo na ang nangyari kagabe. Please lang. Wala naman patutunguhan iyon kong gagawin mong big deal. Okay, so let's say nagpakatanga ako sayo. What will happen next? Boss, hindi ako ang tipo mong babae. I'm not a hump and dump kind of woman, Aidan. So spare me. What happened last night was a mistake. A mistake that i don't want to repeat."

He chuckled bitterly. "So what? Kalilimutan ko nalang na nakita ko ang hubad mong katawan? Kakalimutan ko ang pinakamasarap na katas na natikman ko kagabi? Is that it?"

Gemini nodded.

"Fine. I'll forget it." Humugot siya ng isang malalim na hininga. "Back to work, secretary."

Naglakad siya pabalik sa opisina at malakas na isinara niya ang pinto.

NAPAIGTAD si Gemini da lakas ng pagkakasara ng pinto ni Aidan. Sinapo niya ang ulo at sinabunutan ang sariling buhok. Ang gaga-gaga niya! Gaga siya!

Napatitig siya sa kaniyang cell phone ng tumunog iyon. Its Aidan's mother.

"Hello?" Aniya ng sagutin ang tawag.

LADY MASQUERADE Where stories live. Discover now