CHAPTER 10 - Unknown Emotion

632K 14.8K 657
                                    

CHAPTER 10 - Unknown Emotion

NANG makabalik si Aidan sa kaniyang silid, nangingiti siya na naiiling ng makita si Gemini na mahimbing na natutulog. Inilapag niya ang tray sa bed side table at umupo sa gilid ng kama.

Aidan softly shakes her shoulder. "Wake up, Gem."

Umungol ito at nagmulat ng mga mata. "Aidan..."

He smiled. "Hey..." hinawi niya ang buhok na nakatabing sa mukha nito. "Kain ka na. Sorry natagalan."

Gemini gives him a tight smile. "Salamat."

"Don't mention it."

Tinulungan niya itong maka-upo habang ang likod nito ay nakasandal sa headboard ng kama. Pagkatapos ay sinubuan niya ang dalaga.

"K-Kaya ko naman kumakin m-mag-isa." Anito na nangingiti.

"Gem, let me. This is the least i could do for doing that to you."

He silently thanked god when Gemini open her mouth to accept the spoon.

Nang lunukin nito ang sopas, kinunotan siya nito ng nuo. "Gem? Is that my nickname now?"

Napansin pala nito. "Yeah. Gem. Short for Gemini."

May gumuhit na ngiti sa mga labi nito na nagbigya ng kakaibang kaba sa dibdib niya. "Gem. I like that."

"Yeah. Me too."

Patuloy niyang sinubuan ang dalaga hanggang sa maubos nito ang sopas. Pagkatapos ay pinainom niya ito ng gamot na inireseta ni Czarina kanina.

Hinugasan muna niya ang bowl ng sopas at bumalik sa silid. Nakahiga na si Gemini at ngumiti ng makita siya.

"Hey."

"Hey." Lumapit siya rito at hinawakan ang bimpo na nasa nuo. Hindi na iyon malamig.

Binasa niya ulit ang bimpo sa pamamagitan ng malamig na tubig sa plangganita at inilagay ulit iyon sa nuo ng dalaga. Pagkatapos ay ginawa niyang dim light ang ilaw ng kuwarto saka nahiga sa tabi nito.

Nakatagilid siya ng higa at nakatingin kay Gemini. Strange emotions are swirling inside him. Mga emosyon hindi niya kayang pangalanan. O baka hindi lang siya handa para kilalanin ang mga emosyong 'yon. Whatever it is ... naramdaman niya lang ito kay Gemini ... at kay Lady Masquerade.

That couldn't be. He can't like a person at the same time with the same ferocity. Hindi iyon puwede ... imposible 'yon e! Kaya naman naniniwala siyang ang nararamdaman niyang ito kay Gemini ay maglalaho rin. Si Lady Masquerade ang una niyang nakilala at ito ang unang nagparamdam sa kaniya ng kakaibang emosyon.

What he feels for Gemini will fade away ... nasisiguro niya iyon. At iyon ang dapat niyang paghandaan. Ayaw niyang saktan si Gemini. Wala siyang karapatang saktan ito. Alam niyang gago siya. Matagal na. Pero hindi niya idadamay si Gemini sa kagagohan niya.

She doesn't deserve it.

Aidan frowned when he saw Gemini shivering. Mukhang nilalamig ito.

He went inside the covers and wound his arm around Gemini's waist. Hinapit niya ito palapit sa kanya at mas hinigpitan ang yakap.

Gemini gripped his arm. Sumiksik ito sa katawan niya habang nanginginig ang katawan.

"You okay?" Nag-aalalang tanong niya.

"No." Gemini said, trembling. "I feel cold."

He sighed. "Naka-inom ka na nang gamot. Magiging okay ka na mamaya."

LADY MASQUERADE Where stories live. Discover now