CHAPTER 15 - Confession and Kiss

644K 14.9K 1.9K
                                    

CHAPTER 15 - Confession and Kiss


MAAGANG pumasok si Gemini sa opisina. Wala pa roon ang lasing niyang boss kaya naman inayos niya ang mesa nito bago siya nag umpisang magtrabaho! Buti nalang at wala siyang masyadong ka close sa opisina kaya walang nagtatanong kung bakit siya nawala ng isang buwan pero nasisiguro niyang siya ang headline ng mga tsismosa.

It was past nine and Gemini was busy accepting calls and such when the elevator popped open and Aidan steps out.

Their eyes met and she quickly looked away when her heart started to beat erratically. Iba talaga ang epekto ni Aidan sa puso niya.

"Good morning." Bati ni Aidan sa kaniya at tumigil ito sa harapan ng mesa niya.

She looked up and forced a smile. "G-Good morning."

"Salamat pala kagabi." Ani Aidan na nakatayo pa rin sa harapan niya. "I was so drunk and—"

"It's okay. You are my boss and it's my job."

Aidan's expression grimed and quickly walks to his private office. Gemini knew that she blew him off pero wala siyang pakialam. Ayaw na niyang dagdagan ang sakit sa puso niya. Kung hindi siya nito gusto. Okay. Hindi. But she wouldn't put a salt on her wounded heart just to make her boss happy.

Dapat sarili muna niya ang unahin bago ang iba. Pero hahayaan kaya siya ng hibang niyang puso na tumitibok para kay Aidan? Sana naman... dahil ayaw na niyang masaktan. Nakakapagod ang masakta... nakakapagod ang umiyak at maawa sa sarili niya.

Habang nagta-trabaho siya, biglang may dumating na delivery boy at may dala itong bulaklak.

"Dito po ba ang opisina ni Gemini Tejares?" Tanong ng delivery boy.

Gemini frowned as she pointed herself. "Ako 'yon. Bakit?"

Lumapit sa kaniya ang lalaki at inilagay sa ibabaw ng mesa niya ang bulaklak. "May nagpapabigay po sa inyo." Pagkasabi no'n ay umalis ito kaagad.

Dinampot niya ang bulaklak at inamoy-amoy iyon. Then her eyes settled on the lollipop lying in between the flowers with a note.

She smiled. Parang alam na niya kung kanino ito galing. Kinuha niya ang lollipop at binasa ang note na naroon.

My gem,

Smile as you read this note. Sigaruduhin mong nakikita ng boss mo ang bulaklak na binigay ko para magselos siya. Anyway, here's a lollipop to sweeten your day. At susunduin kita mamaya. Tingnan natin kung hindi pa magselos ang boss mo.

Your good friend, Reigo.

Napailing-iling siya sa laman ng note nito. Talagang si-seryusohin nito ang planong pagselosin si Aidan? Para namang magseselos ang binata. He only needs her because she's a good secretary. And it hurts. Pero wala siyang karapatang masaktan kasi siya ang unang nanakit at nanloko.

Maybe this is her karma.

"Kanino nanggaling ang bulaklak na iyan?" Anang boses ni Aidan na nagpaigtad sa kaniya.

Mabilis siyang tumingin sa pinanggalingan ng boses ng binata. And there he is, standing and leaning on his office door frame while he looked at the flower with dark expression on his face.

"Who sent the flower?" Aidan asked again.

Tumungo ang tingin niya sa bulaklak at saka bumalik ang tingin niya kay Aidan.

"From Reigo." She chuckled. "Flowers with lollipop."

Naglakad palapit sa kaniya si Aidan at dinampot ang bulaklak na bigay ni Reigo saka sinuri iyon na para bang isa itong Doctor at may dalang virus ang bulaklak.

LADY MASQUERADE Where stories live. Discover now