CHAPTER 14 - Not Easy to Forget

629K 14.7K 2.5K
                                    

CHAPTER 14 - Not Easy to Forget

DAHIL pumayag si Gemini na bumalik sa kompanya ni Aidan, ibinalik na ng binata ang Yacht sa pier at hinatid siya sa kaniyang bahay. Panay ang pigil sa kaniya ng kaniyang ama pero hindi siya nagpapigil. Marami pa siyang babayaran dahil sa mga utang nila kay Reigo nuong nagkasakit ang ina niya. Hindi naman siya sinisingil ni Reigo pero nahihiya siya. Wala na ngang porsyento, matagal pa niyang mabayaran.

Ang café naman niya ay iniwan niya sa pinsan niyang si Jessica. Alam niyang aasikasuhin nito ng mabuti ang Café niya.

Gemini blew a breath when she entered her old apartment. Nakakatawa. Hindi pa napapaupahan sa iba ng may-ari ang apartment niya. Para talagang hinihintay siyang bumalik.

Naglalakad siya patungo sa maliit na teresa nang apartment ng tumunog ang cell phone niya. Nang tingnan niya kung sino iyon, napakunot ang nuo niya ng makitang si Reigo ang tumatawag.

Reigo often called. Kapag tumatawag ito, para iyon ipaalam ang mga pagbabago sa isinangla nilang Rancho. Kaya nga nagpapasalamat siya rito e. He is a good guy for doing that.

Sinagot niya ang tawag. "Hey, Reigo."

"Hey. Bumalik ka na raw sa Manila?" Tanong nito.

She nodded. "Oo. Babalik na ako sa trabaho ko. Sorry pala, hindi tayo nakapag-usap. Impromptu kasi yung pag-alis ko e."

"That's okay. Hindi rin naman ako nakapunta kagabi sa bahay niyo dahil na-busy ako, e." Ani Reigo. "Anyway, i have time. Nasa Manila ako ngayon. Wanna talk?"

That made her smile. "Yeah. Nasaan ka?"

"Bachelor's Village." Sagot nito. "Alam mo kung nasaan 'yon?"

Hmm. Village ng mga mayayaman. Hindi na siya nagulat.

"Oo." Naglakad siya palabas ng apartment niya. "Papunta na ako riyan."

"Okay. Hihintayin kita."

Namatay ang tawag at dali-dali siyang labas ng apartment at pumara ng taxi saka nagpahatid sa Bachelor's Village.

Nang makarating doon, hiningan siya ng I.D. ng Security Guard at tinawagan pa si Reigo para i-confirm kung kilala siya nito at kung pinapapunta siya ng lalaki rito. At ang nakakaloka, kailangan pa siyang sunduin ni Reigo para makapasok sa loob ng Village.

What the hell?

"Grabe naman ang higpit ng security dito sa Village niyo." Sabi niya habang nakasakay sa kotse ni Reigo.

Reigo smiled. "Pasensiya na. Ganoon talaga 'yon."

"Ang yayaman niyo kasi e."

"No comment."

She rolled her eyes at Reigo. "Ewan ko sa'yo."

Reigo just chuckled and stop his car in front of a very cozy Park. May fountain sa gitna ng Park at maraming pamilya na naroon at nagpi-picnic.

"Dito nalang tayo mag-usap." Anito saka lumabas ng sasakyan.

Gemini steps out from the car and then went after Reigo who sat on the vacant bench.

Humarap sa kaniya ang binata. "So, what happened?"

Nagbaba siya ng tingin saka binuksan ang bibig para mag-kuwento. Wala siyang inilihim sa kababata. Lahat nang nangyari mula ng magpanggap siyang si Lady Masquerade hanggang sa nagkasakit siya dahil nagkaroon siya ng multiple laceration. Pati ang nararamdaman niya kay Aidan ay ikinuwento niya kay Reigo. She didn't stop talking until there's nothing to tell.

Gemini took a very deep breath. "'Yon ang nangyari. So, any advice?"

Napakurap-kurap si Reigo na parang hindi makapaniwala sa mga ikinuwento niya. Itinikom nito ang bibig na nakabuka sa sobrang gulat at humugot ito ng isang malalim na buntong hininga.

LADY MASQUERADE Where stories live. Discover now