CHAPTER 17 - Genie in the Bottle

638K 14.8K 672
                                    

CHAPTER 17 – Genie in the Bottle

HUMINGA ng malalim si Gemini bago pumasok sa Yacht na magdadala sa kaniya sa isang pribadong isla na pag-aari ng mga Navarro. Doon gaganapin ang kaarawan ng ina ni Aidan at isa siya sa mga imbitado.

Ayaw sana niyang dumalo kasi nakakahiya. Isa lamang siyang hamak na sekretarya pero nakatanggap siya ng imbitasyon at tinawagan pa siya ng ginang para siguraduhing dadalo siya. At sinigurado rin nito na wala siya dapat kasamang iba na hindi naman imbitado.

Nang makapasok siya sa Yacht, kaagad siyang nagtungo sa top deck at doon umupo. Wala pa ang ibang dadalo sa party, iisa lang naman ang Yacht na sasakyan nila. Mukhang maghihintay siya ng matagal-tagal.

Nangalumbaba siya at tumingin sa malawak na karagatan. The sea looks calm and beautiful. Tumatama ang sikat ng araw sa dagat dahilan para kuminang ang karagatan at napakaganda talaga niyon pagmasdan kahit na nakakasilaw sa mata.

Natigilan siya pagkatapos ay napasinghap at mabilis na kumapit sa kinauupuan ng maramdamang gumalaw ang Yacht na sinasakyan. Mabilis niyang ipinalibot ang mga mata para maghanap ng tao na makakausap niya para sabihing may hinihintay pa silang bisita pero wala siyang makita.

She's alone.

Oh no...

Malakas ang tibok ng puso niya habang nasa biyahe. Panay ang lunok niya dahil sa hindi niya malamang kadahilanan, kinakabahan siya.

Hanggang sa makarating ang Yacht sa pribadong isla ng mga Navarro, kinakabahan pa rin siya. Bitbit ang maliit na traveling bag na dala niya na may lamang damit na susuotin niya sa party, nagmamadali siyang bumaba sa Yacht.

She looked back at the Yacht before walking towards the stone pathway.

"Nasaan kaya ang mga tao rito?" Tanong niya sa sarili ng wala siyang makita ni anino.

Mabilis siyang napalingon sa kinaruruonan nang Yacht ng marinig niyang umandar iyon. Napasinghap siya ng makitang gumagalaw ang Yacht ... gumagalaw iyon palayo sa isla!

"Crap!" Mura niya saka mabilis na tumakbo sa dalampasigan. "Hey! Huwag mo akong iwan! Hey!" Sigaw niya sa Yacht na malayo na na. "Hoy! Don't leave me here! Hoy..."

Napasalampak siya ng upo sa dalampasigan at naiinis na pinagsisipa ang buhangin.

"Argh!" She shouted in so much frustration.

Sabi na nga ba e. Bakit ba hindi siya nakinig sa isip niya? May binabalak talaga ang ina ni Aidan at nararamdaman niyang nag-uumpisa na ang plano nito. Hinilamos niya ang kamay sa lukot niyang mukha at sumigaw na naman sa sobrang inis na nararamdaman. Nauto siya ng ginang! Nakakainis!

Padaskol siyang tumayo at naglakad pabalik sa bitbit niyang travelling bag saka hinila iyon patungo sa pathway na hindi niya alam kung saan siya niyon ihahatid.

Gemini followed the pathway and after five minutes or so, nakarating siya sa isang malaking vacation house. The walls of the house are glass and flowers are everywhere. Napapalibutan ang bahay ng magagandang halaman. It feels cozy and relaxing.

Iniwan niya ang travelling bag sa may labas ng pinto at lumapit siya sa duyan na nasa foyer ng bahay at sumakay doon.

Bumuga siya ng hangin. This feels good and relaxing. May tao kaya rito maliban sa kanya? Oh god ... sana naman may makasama siya rito.

Hindi na siya magtataka kung dumating din si Aidan sa isla. His mother is a very manipulative woman. Gustong-gusto talaga nitong pagtagpuin sila palagi ng binata.

Ipipikit sana niya ang kaniyang mata ng makarinig ng kaluskos. Mabilis siyang umalis sa duyan at pinakinggan ang paligid. Nanggagaling ang kaluskos sa medyo masukal na kagubatan na nasa kanang bahagi ng bahay.

LADY MASQUERADE Where stories live. Discover now