CHAPTER 13 - A Loveless Offer

588K 15.4K 2.6K
                                    

CHAPTER 13 - A Loveless Offer

HALOS isang buwan na rin ang nakakaraan mula nang umuwi si Gemini sa Cebu. Ngayon, nakangiti siya habang nakatingin sa kabuonan ng Lady Masquerade's Cafe na naipatayo niya gamit ang perang naipon niya habang nagta-trabaho sa Kompanya ni Aidan.

Speaking of which... nasasaktan pa rin siya sa tuwing naaalala niya ang binata. Hindi naman yata mawawala ang sakit kasi palagi itong laman ng puso at isip niya. Ayaw niyang umasa na makikita niyang muli si Aidan, pero ang hangal niyang puso patuloy na umaasa na kahit man lang silip ay makita niya ito.

"Hello there, my gem." Anang boses ng lalaki na kilalang-kilala niya.

Bumuntong-hininga siya at tumingin kay Reigo Vasquez, ang kaniyang kababata na ubod ng landi. Pati siya na kababata nito at kaibigan ay nilalandi.

Well, Reigo is one of the most sought after Bachelor in the country, even in Asia. Talaga naman kasing napakaguwapo nito. Reigo has these deep liquid brown lazy eyes that beacons women. He has this kind of smile that can melt a stone hearted woman. And not to mention his hot body and those ripped abs... madali itong magustuhan ng mga kababaehan.

Unfortunately, hindi siya kasali sa mga babaeng nahuhumaling dito.

"Hi." Aniya.

Napasimangot ito. "Bakit ka malungkot?"

She shrugged. "Wala. May iniisip lang ako."

"Asus." Hinawakan nito ang kamay niya. "Gusto mo mamasyal tayo?"

Mula nang dumating siya sa Cebu at nakita nito ang malungkot na bukas ng mga mata niya ay palagi itong nag-aaya na mamasyal na palagi naman niyang tinatanggihan.

Umiling siya. "Busy ako."

"Come on." Pamimilit nito sa kaniya. "I could take you to Paris if you want."

Inirapan niya ito. "Reigo, alam kung ikaw ang nagmamay-ari ng Vasquez International Construction Company. At alam ko rin kung gaano ka kayaman kasi sayo ko isinangla halos lahat ng ari-arian namin. Alam kong kaya mo akong dalhin sa kahit saang lugar pero ayoko. Okay?"

Nawala ang masayang kislap ng mga mata nito at mataman siyang tinitigan. "I'm just trying to cheer you up, Gemini. Masayahin ka ng umalis ka nang Cebu pero ngayon, bumalik ka nga, pero malungkot ka naman. Hindi ikaw ang Gemini na kababata ko na palaging nakangiti."

Malungkot siyang ngumiti. "That was me before my mom's death."

Umiling si Reigo. "No. That was you before you left."

Nag-iwas siya ng tingin baka makita nito ang tinatago niyang kislap ng kalungkutan sa mga mata. "Please, Reigo, huwag mo akong guluhin."

"Why?"

"Because I'm broken hearted and i want to mend it on my own." Aniya sa malungkot na boses.

Reigo sighed and went inside the counter. Niyakap siya nito mula sa likuran at hinalikan siya sa ulo. His kiss feels soothing.

"Ano bang nangyari sa'yo sa Maynila?" May pag-aalala ang boses nito.

"Basta. Masakit."

Reigo sighed again. "You can tell me."

Bumuntong-hininga siya at nilingon si Reigo na nasa likuran niya.

Nginitian niya ito, "it's a long story."

"I have time."

"Maybe some other time." Aniya ng makitang may papalapit na costumer.

"Okay." Ani Reigo at umalis sa counter. "Pupunta ako mamaya sa bahay niyo."

LADY MASQUERADE Where stories live. Discover now