CHAPTER 19 - You're mine now

623K 15.7K 1.3K
                                    

CHAPTER 19 – You're mine now

Two months later...

GEMINI was busy making a monthly report on her laptop when someone dropped a bouquet of flower in her table. Nag salubong ang kilay niya saka siya nagtaas ng tingin. It was Mack and he looks unhappy.

"Ano 'yan?" Nangingiting tanong niya. "Nanliligaw ka sa'kin?" Biro niya sa binata.

"Ayoko pa magilitan ng leeg." Sabi ni Mack na ngayon ay may munting ngiti na sa mga labi. "Sayang, type pa naman kita. Kaya lang, taken ka na."

Inirapan niya ito. "Sige, iparinig mo 'yan sa kapatid mo at nang gilitan ka talaga."

Mahinang tumawa si Mack. "That guy is so jealous all the time. Heto na nga at dini-deliver ko ang bulaklak na gusto niyang ibigay sayo."

Gemini picks up the flower and smells the natural scent of it. "Si Aidan talaga." She felt giddy. "So sweet."

Mack snorted. "Gross."

Mabilis na nag-angat siya ng tingin ng bumukas ang pinto ng opisina ni Aidan at lumabas doon ang kasintahan.

"Hey, baby." Nilapitan siya ni Aidan at hinalikan sa mga labi. "Do you like the flowers?"

Nginitian niya ang binata. "Yes. Very beautiful."

"Syempre. Maganda ka e."

"Asus. Nambola na naman si Mr. Aidan Navarro." Pinaikot niya ang mga mata.

Aidan chuckled and kissed her again. "Hindi ako nambobola. Maganda ka naman talaga e." He kissed her again and again and again.

Mack made a disgusted sound. Pinukol ito ng masamang tingin ni Aidan.

"Inggit ka lang." Ani Aidan sa kapatid.

Mack just rolled his eyes. "What the hell ever."

Umalis si Mack at naiwan sila ni Aidan na may ngiti sa mga labi. Tinitigan siya ni Aidan saka dumukwang para gawaran na naman siya ng halik sa mga labi.

"I love you, Gemini." Pabulong na sabi nito nang maghiwalay ang mga labi nila.

"I love you more."

"I love you from here, to the moon and back, and from here again to the Pluto and back."

Napailing-iling nalang siya Gemini. Kapag 'I love you' talaga ang pinaguusapan, hindi nagpapatalo si Aidan.

Masuyo siyang hinila patayo ni Aidan at niyakap siya ng buong higpit. "So, payag ka na?"

Umiling siya. "Nope. Hindi ako lilipat sa Penthouse mo."

Magdadalawang linggo na rin simula nuong ayahin siya ni Aidan na doon na tumira sa Penthouse nito at palagi 'no' ang sagot niya.

Napasimangot ito. "Bakit naman? Mahal kita, mahal mo ako. Tapos ayaw mo? I'm hurt."

Pabiro niya itong inirapan. "Kasi naman hindi 'yon tama. Kahit mahal natin ang isa't-isa at kahit pa may nangyari na sa atin, hindi pa rin magandang tingnan na sa bahay mo na ako titira."

Umingos ito. "Ewan ko sayo. Pakakasalan naman kita e. Ikaw itong ayaw akong pakasalan. Siguro, naghahanap ka pa ng iba kaya ganoon."

Nagseselos na naman. "Aidan, puwede ba, kung maghahanap ako ng iba, e di sana noon pa."

Nagsalubong ang kilay nito. "Ewan. Baka naman gusto mo si Reigo at sa kanya mo gustong magpakasal." Pain shadowed his voice.

As if on cue, a delivery boy came out from the elevator, he was holding a bouquet of flower.

LADY MASQUERADE Where stories live. Discover now