EPILOGUE

36 12 4
                                    

Shawn Achlys Romero's Point of View

"Kung hindi ako, sino? Sino ang maghahanap ng hustisya sa pagkawala ni kuya?"

Hindi ko pa ring lubusang matanggap ang pagkawala nang kapatid ko. Hindi ko gustong ganun-ganun na lang ang nangyari sa kanya. Matapos naming malaman ang katotohanan, parang gumuho yung mundo namin.

Sa mundong puro gulo, na mahihirapan ka talagang mahagilap ang kasiyahan.

Siya lang ang inaasahan namin ngunit sa isang iglap lang, naglaho lahat ng pinaghirapan niya. Nasira lahat ng mga pangarap niya para sa sarili at sa pamilya niya. Tapos, hindi man lang nabigyan ng hustisya ang kaniyang pagkawala.

Kaya napagpasyahan kong puntahan ang lugar kung saan nanatili si kuya at doon ko na rin ipagpatuloy ang pag aaral ko sa kolehiyo. Walang mangyayari kung mananatili ako rito sa probinsya at maghintay lamang sa himala— kahit wala naman talagang himala.

"Nag iisip ka ba?! Paano kung mangyari rin sayo ang nangyari sa kuya mo? Paano Uno?!" bulyaw ni mama.

"K-kuya... 'Wag ka na lang umalis," umiiyak na tugon ng bunso namin.

"Kailangan kong umalis. Walang mangyayaring masama sa akin kasi kaya ko naman," tumigil ako sa pag impake at niyakap si bunso, "magpapakabait ka ha? Alagaan mo si mama at si Ate Sheila mo. Babalik ako."

"Ganyan din ang sinabi ng kuya mo pero tignan mo... kahit anino niya, w-wala."

Napaupo si mama sa silya at hindi mapigilan ang pag iyak.

Naaawa ako sa pamilya ko lalo na kay mama. Alam kong siya ang higit na nasaktan sa pagkawala nang kapatid ko. Masaya namin kami dati e. Masaya kami dati pero bakit kailangan pa tong mangyari sa amin?

"Babalik ako, ma. Pangako."

Hustisya lang ang kailangan ko. Alam ko namang hindi madaling makuha ang hustisya lalo na sa ganitong sistema sa bansa. Madadaanan na sa pera pera ang lahat. Yung katotohanan, mawawala at mababaon lamang sa hukay. Kailangan mo pang magdusa at magpapakahirap para maabot lahat ng ninanais mo, lalo na kapag nasa dulo ka ng laylayan.

Naglanding na ang eroplanong sinasakyan ko. Lumabas kaagad ako sa airport at sumakay ng taxi. Nagpahatid ako sa address ng magiging apartment ko, for a meantime.

Ngunit ng nakarating na ako sa harap ng gate ng apartment, napansin ko ang dalawang babaeng naglalakad. Hindi ko sinadyang narinig ko ang kanilang pinag usapan. Yung anak raw ng mayor, nasa labas ng kanilang mansyon. May masama silang plinano kaya naalarma ako at palihim silang sinundan.

"Kung ano pa ang kinaganda, yun naman ang ikinapangit ng ugali!" biglang sabi ng babae.

At yung babae namang may pinangalanang, Diana ay parang hindi komportable sa kaniyang kinatatayuan. Parang naiiyak na siya. Kaya walang pagdadalawang isip at itinakbo ko siya papalayo sa mga tao— sinabayan din naman niya ako sa pagtakbo.

Habang nakaupo kami sa harap ng dalampasigan, pasimple kong tinignan ang babaeng katabi ko. Kahit hindi siya nakaharap sa akin, kitang kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. Ang dalawang kamay niya ay nanginginig habang niyayakap nito ang kaniyang tuhod.

Sa kabila ng mga lungkot na nakakubli sa kaniyang sarili, hindi ko lubos maiwasan tingnan ang kaniyang kagandahan. Ang buhok niya na sumasabay sa ihip ng hangin na nakakadagdag sa kagandahan niya. Ang bango niya rin. Parang kung may magtatangkang tumingin sa kanya, mahihiniptismo.

"Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ko sa kanya, naninigurado kung Diana ba talaga.

"You don't know me?" tanong niya rin na ipinagtataka ko.

Run Away From The Crowd (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon