Chapter 03: BND Gang

3.8K 112 14
                                    

Naglakad ako mula sa bahay hanggang sa nakarating ako ng North Academy. Pagdating na pagdating ko ng school, nakatingin na naman ng masama sa’kin at nagbubulong bulungan ang lahat ng mga estudyante.

Hindi ako tanga para hindi ko maisip na ako iyong pinagbubuluong bulungan nila pero wala akong pakialam.

“ALEXIS!!!!”

Narinig ko na naman ang sigaw nong babaeng buntot ng buntot sa’kin. Tumayo agad siya pagkatapos niya akong makita.

“Kanina pa kita hinintay dito sa entrance ng building. Gusto ko kasi eh sabay tayong pumasok ng classroom.”

Sambit nito pero hindi ko na siya pinakinggan. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa naka abot ako ng hallway.

Pero gaya nong una ko siyang makita, buntot parin siya ng buntot sa’kin. Hindi ko talaga alam kung may lahing aso ba ang babaeng ito kaya ganun nalang siya kung makasunod sa’kin.

“Alexis kamusta ka na pala?” Tanong ulit niya pagkatapos niyang makahabol sa’kin sa paglalakad sa hallway. 

“Sa tingin ko alam mo na ang sagot sa tanong mong iyan kaya kung ako sa’yo huwag mo na akong tanungin. Alam mo naman na hindi ako okay diba? Why bother asking?” Pagtataray ko sa kanya.

“Ehh.. Pasensya ka na..”

Binilisan ko na iyong paglalakad ko para hindi na niya ako maabutan. Pero may lahing aso talaga siya kaya naabutan parin niya ako hanggang second floor.

Alam mo ba kung sinong binabangga mo?

Opo opo! Hindi ko naman po kasi sinasadya. Pasensya na po talaga.

Hindi mo sinasadya na maging tanga? Ganun ba?

Bigla nalang akong napatigil ng may mga estudyanteng nagkumpulan sa hallway ng second floor. 

Natural na talaga sa mga tao ang pagiging chismosa, kahit maliit na bagay pinag-uusapan, pinagtitinginan.

“Pasensya na po talaga.”

Sambit nong lalaking nakaglasses habang hawak hawak ng isang lalaki ang kwelyo ng uniform niya.

By the looks of the situation, binubully nong lalaki ang nerd na classmate namin. Kahit na wala akong pakialam sa mga tao sa paligid ko, naalala ko iyong lalaking nakasuot ng glasses dahil sa lahat ng nagpakilala ng sarili nila nong first day namin, siya lang iyong matinong nagsalita.

Tinitigan ko iyong lalaki, matangkad siya. Siguro six footer siya, maputi din siya pero hindi ko gusto iyong blonde niyang buhok. Masyadong matingkad ang kulay, masyadong noticeable. Inaamin kong bagay sa kanya ang kulay ng buhok niya pero talagang hindi ko lang gusto. Sa itsura palang niya alam mo ng basagulero siya. Hindi nakabutones iyong white polo niya at sa halip na plain white tshirt ang dapat na suot niya eh white shirt ito na may print na skull.

May dalawa din siyang kasama na nakatayo sa likod niya. Iyong isa matangkad din pero mas matangkad iyong may blonde na buhok kesa sa kanya. Medyo may pagkamoreno siya pero bagay sa kanya iyong kulay ng balat niya.

Iyong isa naman, kalmado lang iyong mukha niya. Napaka neat niyang tignan kung ikukumpara sa dalawa niyang kasama. Nakaayos ang polo niya at walang kulay ang buhok niya. Magkasingtangkad din sila nong lalaking may blonde na buhok. 

Aaminin ko may maipagmamayabang din sila kung itsura ang pag-uusapan. Pero hanggang don nalang iyon, para san iyong magadang mukha kung wala naman silang nalalaman na mabuting asal?

“Kung nadadaan sa pasensya ang lahat, para san pa ang parak?” Tanong nong lalaking may blonde na buhok.

Natawa nalang ako sa loob loob ko. Talaga bang idol niya si Dao Ming Si ng Meteor Garden kaya ginagaya niya ang linya nito?

R.E.D & Dagger (UPDATED!!)Where stories live. Discover now