Chapter 25: We run

1.8K 57 40
                                    

“Cha-se... Si.. Ry-der..” Pautal utal na sambit ko kay Chase habang magkayakap parin kami.

Dahan dahan kaming naghiwalay na para bang nag slow-mo ang lahat. Sabi nila, pag nag so-slow-mo ang paligid mo habang nakatitig ka sa isang tao, ibig sabihin nahanap mo na iyong one true love mo. I used to believe that thing pero ngayon hindi na. Dahil nag slow-mo lang ang lahat dahil sa sobrang kaba, sobrang takot at sobrang pangamba.

Biglang bumalik sa normal ang lahat pagkatapos tumayo ni Chase habang kaharap namin si Ryder. Hindi ko maipaliwanag kung ang ekspresyon ng mukha ni Ryder habang nakatitig din siya sa’min. Pero ang alam ko lang, may hindi magandang mangyayari.

*thump* *thump*

Sobrang tahimik naming tatlo. Pati nga iyong alon ng dagat hindi ko na marinig. Tanging ang naririnig lang ng tenga ko eh ang tibok ng sarili kong puso.

“Blade pare...” Pagsisimula ni Chase.

Nanlisik ang mga mata ni Chase pagkatapos magsalita ni Chase. Siguradong hindi niya nagustuhan iyon.

“Wala sa usapan natin ‘to Chase. Bakit mo ginawa ‘to?” Tanong ni Ryder sa kanya.

Hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin ni Ryder. Tahimik lang akong nakinig sa kanila at nagdasal na sana hindi aabot sa pagsasakitan ang mangyari.

“Blade.. Hindi ko sinasadya..” Sabi ni Chase.

“Hindi mo sinasadyang ma in love sa kanya? P*tcha ka!!!” Bulalas ni Ryder.

Agad siyang tumakbo papalapit kay Chase saka niya sinuntok ito sa pisngi.

“CHASE!!!!”

Dahil sa sobrang lakas ng impact ng suntok na ginawa ni Ryder, napatumba si Chase. Agad naman akong lumapit sa kanya para tulungan siyang tumayo.

“P*TA!!! Lumayo ka sa lalaking iyan Alexis!” Sigaw ni Ryder sa’kin.

“Alexis.. Tumakbo ka na.” Mahinang sambit ni Chase saka niya pinahiran iyong dugo sa gilid ng labi niya.

“Ayoko. Hindi kita iiwan. Ayoko Chase.” Sabi ko saka tumulo iyong luha ko.

“Ahas ka talaga Chase! Hindi ko sinabi sa’yong agawin mo si Alexis sa’kin! Ahas ka! Inakala kong kaibigan kita! Tinuring kitang kapatid pero ginago mo ako! P*TA!!!!!!! Tumayo ka diyan!!” Sigaw ni Ryder.

Nakahawak parin ako sa mga braso ni Chase saka ko tinitigan si Ryder. Iyong mga mata niya. Para nang nag-aapoy dahil sa sobrang galit niya. Sobrang pula na ng mukha niya. Ngayon ko lang talaga siyang nakitang galit na galit.

Pero ang hindi mawala sa isipan ko ay ang sinabi niya..

Hindi ko sinabi sa’yong agawin mo si Alexis sa’kin!

“Alexis umalis ka na nakikiusap ako sa’yo. Iligtas mo na ang sarili mo.” Sambit ulit ni Chase saka siya tumayo.

R.E.D & Dagger (UPDATED!!)Where stories live. Discover now