Chapter 21: Mission

1.7K 49 12
                                    

AN: Alam ko sobrang litong lito na kayo. Finally may isa sa mga tanong niyo na masasagot sa chapter na’to. I guess madaming naghihintay dito. POV ni Ryder.

----

Gaya ng dati, hinihintay ko si Alexis sa labas ng main entrance para sabay na kaming umuwi. Kung papayag siya, yayayain ko siyang lumabas para sabay na din kaming mag dinner.

Tinignan ko iyong relo ko at ten minutes late na si Alexis kaya naisipan kong pumasok ulit sa building para sunduin siya.

Pero nagulat ako ng makita ko si Chase. Sobrang anlapit nila sa isa’t isa. Nakahawak pa si Chase sa magkabilang balikat ni Alexis.

Anong ginagawa niya dito?

Tanong ko sa sarili ko.

Naalala ko iyong sinabi ni Boss sa’min ni Chase.

Mas mapapadali ang lahat para sa inyong dalawa ni Chase kung isa isa lang ang magpapakita kay Garcia. Pag magkasama si Ryder at si Garcia, mawawala si Chase. Pag magkasama si Chase at Garcia, mawawala si Ryder. Ganun lang. Sa ganyang paraan mas malilito siya. Mas mapapadali ang plano.

Hindi ko marinig kung ano iyong sinabi ni Chase kay Alexis pero alam kong tungkol iyon sa isang seryosong bagay.

Naaawa ba siya kay Alexis? Gusto na bang niyang mag backout sa plano?

Hindi naman siguro niya tatraydurin si Boss.

“ALEXIS!! Kanina pa kita hinihintay sa labas.”

Sumigaw na ako para putulin ang usapan nila ni Chase. Mas mabuti ng maagapan ko kung ano man iyong pinag-uusapan nila.

“Alexis!!”

“Ahh!! Oo. Andiyan ka pala.”

Natatarantang sambit ni Alexis. Dahan dahan siyang lumapit sa’kin nang hindi man lang lumilingon kay Chase.

“Anong pinag-usapan niyo ni Chase?”

Tanong ko sa kanya.

“Ahh wala. Halika na.”

Sabi niya saka siya naunang naglakad sa’kin. Lumingon ako para tignan si Chase.

Mag usap tayo mamaya.

Sabi ko sa kanya gamit lang ang mga mata ko para hindi kami mahalata ni Alexis. Tumango naman siya para sabihin sa’kin na nakuha niya iyong ibig kong sabihin.

-R&D-

“Sigurado ka ba talaga na hindi na tayo magdedate?”

Tanong ko sa kanya pagkatapos niyang bumaba sa motorbike ko. Dadalhin ko pa sana siya sa isang restaurant para mag dinner kami pero sabi niya gusto na daw niyang umuwi.

“Oo. Baka kasi pagagalitan na ako ng may-ari ng shop. Baka mawalan pa ako ng trabaho. Saturday naman bukas kaya pwede tayong lumabas.”

Sabi niya sa’kin. Tumango naman ako bilang tugon ko sa kanya. Tinitigan ko si Alexis. Parang hindi na siya komportable na kasama ako pagkatapos nilang mag-usap ni Chase. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa sinabi ni Chase sa kanya na hindi ko narinig o baka naman gumana na iyong plano ni Boss.

“Alexis okay ka lang ba?”

Tanong ko sa kanya.

“Oo naman. Bakit mo naman naitanong?”

Tinanggal ko iyong suot kong helmet saka ko ito hinawakan. Tinitigan ko siya ulit.

“Wala lang. Para kasing nag-iba iyong mood mo. Hindi ko maintindihan. Dahil ba iyan kay Chase?”

R.E.D & Dagger (UPDATED!!)Where stories live. Discover now