Chapter 08: Strangers

2.4K 53 20
                                    




“Bakit ganyan ka nalang makangiti?”



Tanong ko kay Brianna pagkatapos kong dumating sa minimart.



“Wala lang. hehehe. Iniisip ko pa lang kasi kung anong nangyari sa inyo kinikilig na ako.”



Sambit nito habang nakangiti parin siya.



“Anong ibig mong sabihin na nangyari? Hindi kita maintindihan.”



Pagmamaang-maangan ko.



“Sa inyo ni Ryder. Ano? Ano? Magkwento ka na bilis. Anong nangyari? San kayo nagdate?”



Inirolyo ko iyong mga mata ko saka ako umupo sa pwesto ko. Walang masyadong customer kaya naman kinukulit ako ni Brianna.



“Walang date Brianna. Tigilan mo nga ako.”



Naiiritang sambit ko sa kanya. Nakuha naman siguro niya na hindi ko nagustuhan iyong pangungulit niya kaya tumahimik siya at tinigilan nadin niya.



“Oo nga pala. Nagalit ba sa’kin si Ma’am?”



Tanong ko sa kanya.



“Hindi naman. Sinabi ko kasi sa kanya na may lagnat ka. Alam mo Alexis pwede naman sana na huwag ka ng pumasok. Sana eh pinagpatuloy niyo ni Ryder ang date ninyo..”



“Tss! Isa pa talaga at makakatikim ka sa’kin!”



Bulalas ko saka ko siya tinitigan ng masama.



“Sige na nga. Hindi na kita kukulitin. Promise!!!”



Sambit nito saka niya itinaas ang kanang palad niya para sumumpa kahit hindi naman talaga kailangan.



Dahil may customer na magbabayad ng pinamili nila, eh tumayo na ako para magserbisyo. Nakakahiya naman kung ipapasa ko pa kay Brianna dahil late na akong dumating at pinagtakpan pa niya ako mula sa boss namin.



Kung tutuusin nga dapat akong magpasalamat sa kanya. Gusto ko sana, pero hindi ko kaya dahil nahihiya akong magpasalamat sa kanya. Kahit na palagi akong umaasta na maarte sa harap niya at umasta na hindi ko siya gusto, ang totoo eh magaan na ang loob ko sa kanya.



“Oo nga pala Alexis..”



Wala na sana akong balak na pakinggan si Brianna dahil inakala ko na ibabalik niya ulit iyong topic tungkol sa’min ni Ryder.



“May isusuot ka na ba para sa party this Friday?”



R.E.D & Dagger (UPDATED!!)Where stories live. Discover now