Chapter 18: Yes

1.7K 48 27
                                    




Tatlong linggo ko ng nakakasama palagi si Ryder. At tatlong linggo ko nading hindi nakikita si Chase. Sabi ni Ryder pumapasok naman siya sa school pero hindi talaga kami pinagtagpo ng tadhana kahit na minsan lang. Ganun na talaga siguro ang ikot ng mundo, pag andiyan si Ryder wala si Chase. Pag andiyan si Chase wala si Ryder.



“So ano na iyong standing ni Ryder?”



Tanong ni Brianna sa’kin habang hinihintay namin iyong next teacher namin.



“Standing? Anong ibig sabihin non?”



Tanong ko sa kanya habang inilabas ko iyong notebook ko para sa next subject.



“Standing niya sa puso mo. Ibig kong sabihin, kung sasagutin mo na ba si Ryder. Iyon lang naman iyon.”



Pagpapaliwanag ni Brianna sa’kin.



Napaisip ako sa sinabi ni Brianna. May punto din naman siya. Pitong araw nalang ang natitira at matatapos na iyong isang buwan na deal namin ng Papa ni Ryder.



Maayos naman iyong trato ni Ryder sa’kin. Hindi ko na nakikita sa kanya ang pagka gangster side niya tulad ng dati. Napaka gentle na niya ngayon. Ibang iba na talaga siya. Parang hindi na siya iyong dating Ryder na nakilala ko nong una ko siyang nakita. Pwera nalang kung napapaaway siya dahil bumabalik talaga ang pagka gangster niya.



“Ano ano ano?”



Pangungulit sa’kin ni Brianna.



“Brianna. Sa tingin ko nakapagdesisyun na ako.”



Sabi ko sa kanya.



“Anong desisyun mo?”



Tanong ulit ni Brianna sa’kin saka niya nilapit iyong mukha niya sa mukha ko.



Huminga ako ng malalim saka ko sya sinagot.



“Sasagutin ko na si Ryder.”



Mahinang sagot ko.



“AGHHHH!!!!!!”



Bigla nalang tumayo si Brianna sa pag kakaupo niya saka siya tumalon talon pagkatapos niyang marinig iyong sinabi ko.



“HOY!! Brianna maupo ka nga nakakahiya ka!”



Saway ko sa kanya saka ko siya pinaupo at pinilit na pakalmahin.



“SORRY!! Masaya lang talaga ako.”



Bulalas ni Brianna saka niya pinahiran iyong mga mata niya.



R.E.D & Dagger (UPDATED!!)Where stories live. Discover now