Chapter 27: Dagger

1.8K 65 32
                                    

"Alexis delikado kung sasama ka pa sa'kin. Hindi natin alam, baka andyan si Ryder at baka hindi na ako makabalik ng buhay." 

"Kaya nga sasama ako Chase. Hindi mo ako mapipigilan. Kahit na igapos mo pa ako dito, gagawa pa rin ako ng paraan para sumunod sa'yo."

Dahil umiral ang pagka-stubborn ko, napagdesisyunan ni Chase na isama na lang ako. Alam ko delikado at nakakatakot, pero mas natatakot ako na maiwan mag-isa. Wala man lang akong kasiguraduhan kung babalik pa si Chase o hindi na. Mas mabuti nang dalawa kami, para kahit na mahuli kami, pareho kaming damay.

Hawak hawak ni Chase ang kamay ko habang dahan dahan naming sinugod ang safe house na tinutukoy ni Chase. Patago-tago lang kami sa mga puno at naghahanap ng tiyempo na walang makakakita sa'min.

Hindi nagtagal, nasilayan na namin ang main entrance ng safe house. Tama nga si Chase, may nagbabantay na 'dun at hinihintay lang kaming dalawa para hulihin. Pero hindi ko makita si Ryder.

"Mas mabuti siguro kung sa likod tayo dadaan. Masyado silang marami. To think na hindi ka pala gangster, hindi ka marunong makipag-away kaya sigurado akong hindi mo kayang protektahan ang sarili mo." Sambit ni Chase habang nasa likod kami ng malaking puno at nagtatago.

"Hindi kaya mas maraming nagbabantay don?" Tanong ko kay Chase.

"May alam akong daanan na ako lang ang nakaka-alam."

Palipat-lipat kami ni Chase ng punong matataguan hanggang sa nakarating kami sa may likod ng warehouse. Siguro nasa tatlong metro lang ang layo nito.

"Diyan tayo dadaan?" Tanong ko kay Chase. "Eh tatlo sila. Alam ko kaya mo sila kahit ikaw lang mag-isa pero pag pumasok tayo diyan, sigurado akong maraming naghihintay sa loob."

May tatlong armadong lalaking nakabantay sa metal door sa likod ng warehouse. Pero sigurado akong marami pang armadong lalaking nakabantay sa loob.

"May tiwala ka sa'kin diba?" Tanong ni Chase sa'kin at tumango naman ako. "Kung ganun, halika na."

Tumakbo kami ni Chase papunta don sa tatlong armadong lalaki. Hindi ko alam kung anong mangyayari pero may tiwala ako sa kanya at iyon ang importante.

Ilang segundo lang ang lumipas at napansin agad kami ng tatlong nakabantay pero bago paman nila kami paputukan ng dala dala nilang armas, nabugbog na sila ni Chase at napatumba. Parang sa isang kisapmata ko lang, agad nang nakatulog ang tatlong lalaki.

"Dito tayo bilis!"

Tumakbo pa kami ni Chase ng limang metro mula don sa metal door kung san nakahandusay na ang mga lalaki saka binuksan ni Chase ang isang manhole cover na hindi maysyadong pansin.

"Baba na Alexis."

Agad naman akong bumaba gamit ang hagdan, konting liwanag lang ang meron mula sa manhole. Sumunod naman si Chase sa'kin saka niya isinara iyong cover ng manhole. Sobrang dilim ng paligid, iyong tipong wala ka talaga makita kahit na konting liwanag man lang o kahit na ang damit ni Chase.

"Chase? Andiyan ka pa ba?" Tanong ko sa kanya.

*click*

"Itong liwanag lang ang meron tayo ngayon. Bilisan na natin don bago pa mapansin ng iba na andito tayo." Sambit ni Chase saka niya hinawakan ang kamay ko at hinila papunta sa sinasabi niyang daan papasok sa warehouse.

Tanging ang apoy lang ng lighter ang nagsisilbing liwanag sa ilalim habang tumatakbo kami ni Chase. Iyon ang lighter na lagi kong nakikita na ginagamit niya sa tuwing kailangan ni Ryder ng pansindi sa yosi niya.

"Kinakabahan ako!" Pag-aamin ko kay Chase.

"Huwag kang mag-alala, pag nakuha na natin iyong mga gamit at pera, makakalabas na tayo ng buhay kahit na matunugan pa tayo ng mga gwardya dito. Ipagdasal nalang natin na hindi siya dumating."

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Apr 21, 2014 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

R.E.D & Dagger (UPDATED!!)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang