Chapter 04: Motorbike Rider

3.4K 91 30
                                    





“Alexis..Pano na iyan?”


Tanong ulit ni Brianna na nakabuntot ulit sa’kin.


“Anong pano na iyan?”


Tanong ko sa kanya habang naglalakad ako sa hallwayy.


“Ano kasi.. Iyong nangyari kanina.. Ano..”


Pautal utal na sabi niya.


“Anong ano?”


Naiinis na tanong ko sa kanya.


“Iyong nangyari kasi kanina. Eh diba naka bangga mo iyong BND? Baka kasi maging impyerno iyong buhay natin dito dahil inaway natin iyong leader nilang si Ryder..”


Sambit nito.


“Hindi magiging impyerno ang buhay mo kung lalayo ka sa’kin kaya kung ako sa’yo tigilan mo na iyang kakabuntot mo sa’kin. May lahi ka bang aso?”


Tanong ko sa kanya.


“Ehh!!! Alexis talaga oh nagbibiro ka pa. Syempre wala akong lahing aso noh. Eh ayoko nga ng aso. Pero ayokong lumayo sa’yo kahit na maging impyerno ang buhay ko. Dadamayan kita..”


Sagot nito.


“Well hindi mo na ako kailangang damayan. Kaya ko naman ang sarili ko.”


Sambit ko saka ko binilisan ang paglalakad ko para makauwi na agad ako. Kailangan ko nang umuwi sa bahay para makapunta na agad ako sa trabaho ko.


Dahil sa nangyari kahapon eh hindi ako nakapasok sa trabaho. First day ko pa naman sana. Sana nga lang eh hindi ako sisantihin agad sa ginawa ko.


“Alexis hintayin mo ako..”


Sigaw ni Brianna pero tumakbo ako saka ako nagtago sa isang bakanteng room para naman hindi na niya ako masundan.


“ALEXIS???”


“NASAN NA KAYA IYON?”


Narinig ko siyang nagsalita habang nasa bakanteng room ako para taguan siya.


Pagkatapos kong makasigurado na wala na talaga si Brianna eh lumabas na ako ng room. Naglakad na ako palabas ng building ng makasalubong ko nalang bigla iyong tinatawag nilang baduy na Boys Next Door Gang. Nakasandal iyong leader nilang si Ryder sa pader habang iyong dalawa namin eh nakaharap sa’kin.


“Oh ayan na pala si Alexis! Hi Alexis!”


Bati nong may brown na buhok. Sa pagkaka-alala ko eh iyon si Gray.


“Tss. Feeling close ka din noh?”


Pag-iinsulto ko sa kanya saka ako nagsmirk.


Dadaanan ko na sana sila ng bigla nalang hinarang nong Ryder ang kanang paa niya.


“That’s too old. Ginawa niyo nadin iyan kanina at nakita mo namang hindi gumana sa’kin. Gusto mo bang sipain ko din iyang tuhod mo?”


Tanong ko sa kanya.


“Tss. Alam kong hindi gumana sa’yo kaya hindi ko na iyon uulitin. Anong tingin mo sa’kin tanga?”


Tanong niya sa’kin saka siya nag smirk.


“Sa itsura mo palang obvious na ang sagot sa tanong mo. Pero kung gusto mo talagang marinig.. OO!”

R.E.D & Dagger (UPDATED!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon