Chapter Two

13 2 0
                                    

PAGUWI ko ng bahay ng parents ko ay pilit kong binago ang mood ko. Ngayon na nga lang ulit nila ako makikita kaya dapat ay light ang aura ko.

Kahit na sa hindi ko malaman na dahilan ay tila hindi ako mapakali. Deep inside, alam kong may nagbukas na damdamin na hindi ko mapangalanan.

Subalit ano ang magagawa ko? Wala na siya sa buhay ko. Hindi na siya babalik. I completely shut him off. So bakit ako nakakaramdam ng pagsisisi? Para lang akong kumuha ng batok pamukpok sa ulo ko.

"'Buti nauwi ka ngayon anak. Buksan mo 'yong nakatakip na kawali, pinagluto kita ng pakbet." salubong sa akin ng nanay ko pagpasok ko ng pinto.

Natuwa ako. Paborito kong ulam iyon lalo na version ng luto ng nanay ko.

"Salamat 'nay!"

Madami namang kwento ang tatay ko na mostly mga update sa kung anuano, gano'n din naman ako.

"Si kuya hindi ba nauwi dito minsan?" tanong ko.

"Work from home na siya kaya lagi na siya nandito. Wala lang siya ngayon dahil niyaya ni Nick sa birthday-han." paliwanag ng nanay ko.

Natuwa naman ako sa kaalaman na nakakasama na ng magulang ko ang kuya ko. Marahil ay binitawan na nito ang apartment na tinitirahan noon sa Maynila.

"Mabuti naman at work from home na siya at least hindi niya na kailangan na magbiyahe at mamasahe." sabi ko naman.

Pagkatapos ng kwentuhan ay pumasok na ako sa kwarto at nag isip isip saglit.

Tutal ay hinayaan ko ng sumagi siya sa isip ko kanina sa byahe kaya naman pinagbigyan ko na ang sarili ko na alalahanin siya.

Habang nagbabrowse sa cellphone ay todo ang pigil ko sa sarili ko na 'wag magtungo sa Facebook at puntahan ang profile niya sa blocked list ko.

Kamusta na kaya siya?

Matik may bago ng girlfriend ang lalaking iyon.

Kung ganunman ay she's.. lucky if ever. So... lucky.

To be loved by someone like him.

Bigla kong naalala ang mga magagandang bagay tungkol sa kaniya. Kasama na ang mga magagandang alaala namin noon.

Tama sila. Minsan ay madali nating nababalewala ang mga magagandang bagay sa tao kapag may nakita tayong mali.

He didn't cheat when we were in a relationship. Wala nga siyang Tiktok na app sa cellphone niya. He's not violent. He's actually a softtalker even when we were having fights.

I know how softhearted he was to me, yet I pretend I didn't notice it.

Sa totoo lang, I don't know what went wrong. Marahil ay sa sobrang attach ko sa kaniya ay pati mga minor inconvenience sa relationship namin ay ginagawa kong big deal. And I don't blame him. Naubos ang pasensiya niya sa akin. Nagbago siya ng paunti-unti. I could still remember how bad that day was.

The day my heart shattered into pieces.

"Anong tumatakbo sa isip mo?" tanong niya habang pinagmamasdan ako.

That day was the celebration of our second anniversary. Nasa isang classy restaurant kaming dalawa at hindi ako mapakali.

"Wala." ang sabi ko. Ang lakas ng ulan sa labas at panay ang lingon ko sa glass door kung saan natatanaw ang labas. Malakas ang hangin. Disappointed ako sa totoo lang dahil supposed to be dalawang araw kami magkasama pero mukhang ngayong umaga palang ay gusto niya ng umuwi kami.

Nagmamadali ba siya? Gusto ko sanang itanong pero dahil as always, tama naman siya sa lahat ay kinimkim ko nalang ang sama ng loob na nararamdaman ko.

Tama naman na may bagyo ngayon at dapat ay matapos na ang celebration namin na ito. Subalit, nagtatampo ako dahil hindi ko man lang nasulit ang pangalawang araw na magkasama kami.

Sabagay, mukha namang uwing uwi na siya 'no. Edi pagbigyan!

"Wala eh hindi ka nga mapakali diyan."
anito habang tuloy pa rin ang pag iiscan ng expression sa mukha ko. Para bang binabasa kung ano ang takbo ng isip ko. Kainis.

"Tara na alis na tayo." binitbit ko na ang bag ko at nagtungo na sa pintuan palabas. Sumunod naman siya sa akin.

Pumara siya ng tricycle papunta sa malapit na mall. Ewan ko kung bakit. Siya na nga nagsabi na paglabas namin ay diretso na kami sa sakayan pauwi.

"O ba't ayaw mo pang sumakay?" aniya. Nagtataka kung bakit hindi ako sumunod sa loob ng tricycle.

Nag iwas ako ng tingin. "Doon na ako sa Mrt station."

"Akala ko ba gagala pa tayo?"

Nainis ako bigla. "Akala ko ba uuwi na tayo sabi mo 'di ba kasi malakas ang bagyo?!"

Kinausap niya 'yong driver at binigyan ng pera. Lumabas siya do'n.

"Uuwi na ba talaga tayo?" Kitang kita ko ang kaguluhan sa mata niya.

Magkaiba kami ng daan na tatahakin kung uuwi na kami. Taga Laguna kasi siya at ako naman ay sa Marikina. Long distance relationship kami at nagkikita lang once or two in a month. Minsan lang kami magsama at nakakainis dahil supposed to be two days kaming magkasama gaya ng pinlano namin. I even told him na mag extend kami sa resort pero ayaw naman niya. Hindi na daw financially wise 'yon.

Hindi na lang ako sumagot at kumaway nalang.

"Ba-bye." walang lingon ako na naglakad palayo habang mahigpit na nakahawak sa payong.

I was hoping na sinundan niya ako. Malayo layo na rin ang nalakad ko subalit wala pa rin akong naririnig na pagtawag niya sa akin.

Napagpasiyahan ko ng lumingon sa likuran ko and to my disappointment, hindi niya ako sinundan.

Mas lalo akong nakaramdam ng inis.
Gano'n ba talaga siya? Wala talagang pakialam sa nararamdaman ko?

Ni hindi ko man lang alam kung nasaang lugar na ako at paano ako makakauwi. Malakas pa rin ang buhos ng ulan at naaanggihan na ako no'n.

I was furious mad to the point that I had cried in the middle of nowhere.

Sa inis na nararamdaman ko ay kinuha ko ang cellphone sa bag ko at chinat siya. Nag chat pa siya na mag ingat ako sa pag uwi. Hah. Without even asking if I'm okay?

'Ito na ang huli nating pagkikita. See you never!' ang agad kong chat.

Mabilis niya namang naseen ang message ko na para bang inaabangan niya talaga ako magchat sakaniya.

'Ano bang masamang nagawa ko?'

Tinatawagan niya ako subalit hindi ko sinasagot. Kahinaan ko ang boses niya, kapag nagsalita na siya ay marerealize ko nanamang mali ako. Maiinvalidate ang naramdaman ko. Kaya hindi ko sasagutin tawag niya.

Sinagot ko siya sa chat at sinabi ang lahat ng frustrations ko sa kaniya. Sa mga nangyari. Sa mga sinabi niya sa akin noon.

'Maghiwalay na tayo, hindi ko na kaya.' Was all he had to say.

Natigilan ako sa pagtatype. Agad kong binura ang mga kinocompose kong salita.

'Wag!' Ang sabi ko.

'O bakit? Hindi siguro tayo match. Gaya ng sinasabi mo palagi.'

Something hurts inside my chest. That feeling na wala kang ibang magagawa kundi sapuin ang dibdib mo dahil tila doon ang parte na sumasakit.

Hindi match? Oo minsan ay nasabi ko iyon sa isa sa mga pinag-awayan namin but I don't really meant it. Kapag siya ang nagsabi gaya ngayon ay mas masakit ang epekto sa akin.

Paulit-ulit kong sinabi na hindi ako papayag na hiwalayan niya ako. Subalit mas lalo niyang pinag diinan na hindi niya na daw kayang dalhin ako. Ubos na raw ang pasensya niya.

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Walang humpay ang pag-iyak ko hanggang sa umuwi ako sa amin. Just like that? He gave up on me. He gave up on our relationship. And it was one of the most painful thing that was ever happened to me.

The One Where stories live. Discover now