Chapter Thirteen

6 1 0
                                    

SA DAMI ng nangyari sa akin sa mga nagdaang araw ay nakakapagtakang wala man lang ako maikwento sa mga kaibigan ko sa office.

Sa sobrang overwhelmed na nararamdaman ko ay tila gusto ko nalang manahimik sa isang tabi. Gusto ko nalang solohin ang mga iniisip ko.

Sa tuwina ay hindi ko maiwasang tingnan ang mga kaibigan ko. Ang dami kong gusto na ichika sa kanila simula pa noong araw na nakita ko uli si Migs at 'yong hiking.

Subalit heto ako, kahit lunch time ay tinatrabaho ang project na mamayang hapon na ang deadline.

Dahil sa nangyari din kahapon ay tila wala akong mukha na maiharap kay Niccolo.

Kahit pa sabihin na manliligaw ko palang siya, para na rin akong committed na maging tapat sa kaniya. Kahit hindi ko pa siya partner. He has this expectation that I also like him. Totoo naman. He makes my heart flutter.

Gayunman ay hindi pa naman ganoon kalalim ang damdamin ko para sa kaniya. If he only confessed his feelings for me when we were in college, maybe I'd be the happiest girl alive. But things have changed now.

Hindi mawala sa isip ko ang mga nangyari sa amin ni Migs.

Migs and I just kissed. Not once, but twice.

I never thought that would happen.

Noong araw na naghiwalay kami at sa mga nakalipas na buwan ay sinubukan ko siyang tanggalin sa sistema ko. Hindi rin sumagi sa isip ko na magtatagpo kaming muli.

Ang bilis ng mga pangyayari.

Namalayan ko nalang na natapos ang buong shift ko sa araw na iyon. Madilim na sa labas nang bumaba ako sa building. Nagdahilan nalang ako kay Niccolo na masakit ang ulo ko at gusto ko na agad makauwi. Hindi ko pa talaga siya kayang harapin. Naunawaan naman nito iyon at pinag-ingat nalang ako sa aking pag-uwi.

Nag-take out ako saglit ng makakakain sa malapit na fast food restaurant na nadaanan ko. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa apartment.

Hindi na ako makapag hintay na mahiga at magkaroon ng alone time.

Ilang distansya palang mula sa gate ng apartment ay natanaw ko na ang pamilyar na pulang sasakyan na nakaparada.

Sa gilid ng gate ay mayroong matangkad na lalaking tila may hinihintay.

Kumabog ang puso ko.

Anong ginagawa dito ni Migs?

Palaisipan pa rin sa akin kung paano nito nalaman ang lokasyon ng apartment na tinitirahan ko habang naglalakad ako palapit. Gustuhin ko mang magtago o tumakas ay wala na rim akong magagawa. At saka, gusto ko na talagang magpahinga. Siguro ay papaalisin ko nalang siya.

Desidido na akong tarayan siya nang maya maya ay sabik niya akong sinalubong at niyakap.

Ni hindi ko mahagilap ang lakas na itulak siya palayo. Tila gumugusto rin ang katawan ko sa gaan na dala ng yakap niya. Kaya hinayaan ko nalang na yakapin niya ako. Humigpit pa ang yakap na iyon. Parang nananabik.

"How's your day, my love?" malambing nitong tanong.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa narinig ko. Whaaaat?

Bakit nito ginagamit ang tono na iyon?

Bakit ganito siya umakto ngayon?

Bakit siya umaakto na parang noong boyfriend ko pa siya?

Just.. why?

How am I going to react?

Ilang segundo rin akong natigilan bago ko nabawi ang huwisyo ko.

Kumalas ako sa yakap ni Migs. Hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi nito. He's acting weird.

"Anong ibig sabihin nito Migs? Nakalimutan mo na ba bigla na hindi mo ako puwedeng tawaging 'my love' dahil hindi kita pinapayagan?" kunwari ay masungit na tonong sabi ko.

Nagpanggap ako na hindi apektado sa kaniya at agad na binuksan ang gate ng apartment. Nang pumasok ako ay nakasunod na din si Migs bago ko pa siya pagbawalan na pumasok.

"Kahit hindi mo ako payagan e kung gusto kong tawagin kang gano'n ay wala kang magagawa." He said while still smiling.

Pag-akyat ko sa apartment ko ay nakabuntot pa rin ito sa likod ko.

Hinarap ko siya. "Anong ginagawa mo dito Migs? At paano mo nalaman kung saan ako umuuwi?" seryoso kong tanong. Nakakapagtaka pa rin sa akin kung paano nakarating dito ang taong gusto ko na ngang iwasan.

Ginugulo niya ang sistema ko. I'm trying to move on here. Iba na ang sitwasyon ngayon lalo na pinayagan ko si Niccolo na ligawan ako.

Noong nagkita kami uli ay ang lamig ng trato niya sa akin. Tila ba hindi niya ako kilala, na tila ba estranghero ako. Inakala ko pang nobya nito ang babaeng kasama sa hiking. He caused me pain and heart break. Hindi ko na dapat pa nararamdaman ang mga iyon. Ngunit hindi ko maitanggi sa sarili ko na malaki pa rin ang epekto sa akin ni Migs Sinagot ko si Niccolo. I want to experience being in love again. Why not? I'm single and so does Niccolo. We're getting along.

Akala ko sa hiking ang huling beses na makikita ko si Migs but the kiss happened. Ilang araw hindi ko ulit naramdaman ang presensya ni Migs. Then suddenly, he's here in my apartment and asking how my day was. Not to mention he's calling me.. that.

"I asked your kuya. I reached out to him last night. Curious ako kung saan ka nakatira dahil sinabi niya na hindi ka umuuwi sa bahay ninyo doon. I didn't know you're staying in an apartment alone. Akala ko ba magbubukod kayo ng pinsan mo? Akala ko kasama mo dito ang pinsan mo? Bakit ka mag-isa dito? Are you.. okay here?" Nahimigan ko ang concern sa boses ni Migs habang nagsasalita at tila lumambot ang matigas kong damdamin na kaninang nararamdaman ko.

Napayuko nalang ako dahil hindi ko kayang salubungin ang mga tingin nito. Pakiramdam ko nag-iinit nanaman ang sulok ng mata ko.

Kinaya ko naman na tumira dito na ako lang mag-isa, pagod sa trabaho, brokenhearted at malungkot.

Kinaya ko 'yong mga araw na akala ko hindi ko masusurvive. You have no idea what I went through.

Mabilis kong naalala iyong mga gabi na umuuwi ako sa apartment na ito. Bagsak ang mga balikat, walang buhay ang mga mata at durog ang puso. Inaasam at umaasa na magbabago ang isip niya. Umaasa na baka namimiss niya rin ako gaya ng matinding pangungulila na nararamdaman ko sakaniya. Umasa ako no'n na babalik siya sa buhay ko. Umasa ako na pagsisisihan niya ang naging desisyon niya na sukuan ako. I waited and waited for him. But no Migs came back. The feeling was horrible.

Ilang buwan ko ring ininda ang mga pangit na pakiramdam na iyon hanggang sa dumating iyong araw na natanggap ko na wala na kami at hindi na siya babalik pa.

I accepted my single life and I built my boundaries again. I tried not to engage myself in any forms of attachment to the guys that I dated. Dating really helped me to quite forget Migs. But no one seemed to be like him. I kept comparing him to them. I realized that seeing different guys does not really works for me. So I quit dating.

I chose to spend my weekdays working overtime. Weekends with my friends.

And I learned to live my life without any regrets. I thought I have really moved on. Suddenly, he's here in front of me. I don't know what to say.

"Thanks for the concern pero okay lang ako. Hindi ko alam kung ano ba ang gusto mong mangyari Migs. But you do realize we're done, right? Kaya umuwi ka na sa inyo. Pagod ako." pagtaboy ko sakaniya para umuwi na ito at tumigil na.

"Sige Rhin. Uuwi na ako at magpahinga ka na. Maybe next time, hindi ka na masungit." ang sabi nito pagkalipas ng ilang sandaling pagtitig sa akin. Tinanguan ko lang siya.

Nakatanaw nalang ako sa likuran ni Migs habang naglalakad ito pababa ng building.

I saved my heart.

The One Where stories live. Discover now