Chapter Eleven

9 1 0
                                    

KINABUKASAN ay maaga akong nagpunta sa airport para ihatid si Conrad sa flight nito pabalik ng Canada.

Pagpunta ko sa meeting place na pinag-usapan naming magkita ay sa malayo palang, natanaw ko na si Migs, kausap nito si Conrad.

Agad akong sinalakay ng kaba.

Kinalma ko muna ang sarili ko at huminga ng malalim pagkuwan ay lumapit na sa kanila.

Just the sight and presence of him are enough to make me feel uneasy.

Sinubukan kong ituon ang atensyon sa bestfriend ko.

"Conrad, naku iiwan mo nanaman kami." bungad ko paglapit sa kanila. Napansin kong si Migs lang ang kasama nito. Wala iyong ibang mga kaibigan nila na kasama namin noon sa hiking.

Mukhang nabigla si Migs sa pagdating ko dahil nakita kong bahagyang nanlaki ang singkit nitong mga mata.

"Gaga! Kailangan ako ng aking Canadian na asawa. Alam mo naman." naiiling na sagot ni Conrad.

Niyakap ko siya ng mahigpit. "I will miss you. Mag-ingat ka sa biyahe ha."

"Oo naman. Mag-video call nalang tayo ha. Tutal okay naman na kayo ni kuya Migs gagawa ako ng group chat natin para makapag-video call tayo."

Sandali akong natigilan. Hindi ko pa nireremove sa blocklist ko sa Facebook si Migs. Siguro mamaya ay tatanggalin ko na siya doon at iaadd as friend uli.

"Oo okay na kami ni Migs. Sige ako na ang gagawa ng groupchat natin pag-uwi ko." sabi ko naman.

Napansin kong tahimik si Migs na nakikinig sa amin buong mahigit isang oras na nagkukuwentuhan kami ni Conrad. Sa tuwina ay nagrereact naman ito sa mga bagay bagay pero hindi ito halos nagsasalita. Iniisip ko nalang baka wala sa mood o nalulungkot sa pag-alis ni Conrad.

Nang umalis na si Conrad sa harap namin dahil tinawag na ang flight number nito saka ko narealize na kaming dalawa lang pala ni Migs ang maiiwan na magkasama.

Siguro ay magpapalusot nalang ako na may pupuntahan para makatakas.

It feels awkward when I turn around and see Migs looking at me.

Napalunok ako. "Ahm.. may p-"

He cut me off before I even think of some excuse. "Wala ata iyong manliligaw mo?"

"Ah may pasok kasi siya ngayon." sagot ko. Nagsimula na ako maglakad. Nakasunod naman siya.

"Okay. Uuwi ka na ba? Tara let's have lunch. I'm starving." anito at sinapo pa ang tiyan.

May excuse pa ba akong tanggihan iyon?

"Sure tara."

Habang naglalakad kami palabas ng airport ay mas lalo kong naramdaman ang awkwardness sa pagitan namin. Paminsan-minsan pa ay hindi maiwasang magkadikit kami. Napapalingon ako sa mga foreigners na nakikita ko kaya napapasubsob ako sa likod niya ng hindi sinasadya.

"Sorry." paumahin ko.

"Till now hindi pa rin nagbabago 'yang ganiyan mo. Malikot pa rin paningin mo 'pag sa public place. Marami pa namang tao dito. You know what? Dikit ka na lang sa akin." Hindi na ako tumutol ng hawakan niya ako sa balikat at dinikit sakaniya.

It's weird but the awkward feeling has suddenly gone. Parang mas kumportable kapag gano'n kalapit sa kaniya.

"Felt better?" tanong ni Migs dahil hindi na ako nakapagsalita pagkatapos ng ilang sandali.

"Kinda.."

"Kamusta ka naman?"

"Okay lang. Busy sa work, then minsan lumalabas kami ng mga kaibigan ko at ni Nicco." kaswal na sagot ko. "Eh ikaw?"

The One Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt