Chapter Five

9 2 0
                                    

SA sobrang excited ko sa pagsapit ng Sabado ay naging productive ako sa trabaho. Last time I saw Conrad was 3 years ago. He went to Canada and married his love of life there. Kung mayroon mang pinaka maswerteng beks sa earth, siya 'yon.

Mabait, pogi at napaka sweet ng Canadian nitong asawa eh.

Si Conrad ang pinaka malapit kong kaibigan sa college. We went through all the hard stuffs during OJT. After graduation sa college, magkasama kaming nakipag sapalaran na humanap ng trabaho. Sadly, we parted our ways. Hindi kami natanggap sa parehong kumpanya.

As I work hard on my first job, siya rin sa trabaho niya. From time to time ay nagkukuwentuhan kami sa chat kung gaani kahirap ang mga ginagawa namin sa work. Until I open up my dating problems. Oo, problems. Puro problema kasi mga nakaka date ko noon. Nagbabaka sakali lang naman ako noon makahanap ng matinong guy para sa akin. Subalit lahat ng nakikilala ko ay hindi okay. Mayroong hindi makamove on sa ex. Mayroong may sabit pala. Mayroong obvious na fckboi. Mayroong takot sa commitment, pero gusto ng mga hangout and dates.

Sa work naman ay wala naman akong natitipuhan. Lahat kasi ng tingin kong okay na guy dito, may mga nobya na eh.
Kaya one day, Conrad introduced his friend. It was... ayoko ng pag-usapan.

"Hey! Mukhang malalim iniisip mo ah."

That voice is familiar. It was Niccolo. Bitbit pa nito ang helmet. Mukhang nagmamadali papasok ng office nito.

As much as I would like to avoid him, hindi pa magawan ng paraan ng manager ko ang pagbago ng schedule ko. Sinasabi ko na nga ba at lagi na kaming magkakasalubungan ng lalaki na 'to.

The way that he walks on his pace, he definitely wants to talk to me.

"Oo nagthothrowback kasi ako sa isipan ko. Mukhang late ka na ah." I was hoping that he's in a hurry. Para naman malubayan niya ako.

"Yeah, I am running late. Keri lang naman." anito na walang halong pagmamadali sa kilos.

"Wow. May Team Manager bang nalalate? Ikaw lang yata." I mocked him.

"Bakit ba parang ayaw mo akong makausap? Teka nga, anong oras ba uwi mo?"

Nagsalubong ang kilay ko. "Secret. Bakit mo tinatanong?"

Kung yayayain niya akong magkape or sabay umuwi, no way! Saka makikita siya ng mga kaibigan ko kung hihintayin niya ako sa labas ng building mamaya. Ano nalang ang iisipin nila? Na jowa ko 'tong si Niccolo? No way.

"Nagtataka lang ako kasi parang nung nakaraan ay nakita kita 'jan sa Coffee Beans. Ano'ng iniisip mo? Hihintayin kita umuwi para sabay tayo? Tigil tigilan mo na kakanuod ng kdrama ha. Kaya nagiging assuming kayong mga babae eh." Naiiling nitong sabi.

Nakaramdam ako ng inis. Napaka naman!

"Hindi ako nanunuod ng kdrama. Mga thriller crime tv series binibinge watch ko. Hindi na ako naniniwala sa mga romance na yan. 'Wag ka ngang feeling diyan!"

"Hindi ako feeling sa'yo. In fact, may natitipuhan akong babae sa office namin pero hindi ko mapormahan dahil tropa ko 'yung boyfriend niya. Sobrang ganda pa naman no'n, mahinhin at ang bait."

Nanahimik ako bigla. Maybe I sounded a bit of assumera there. Of course he has someone that he likes. Hindi ko alam kung retired babaero ba ito o babaero pa rin 'till now eh. Naalala ko noong college kami ay isa rin iyon sa mga kinaka turn off ko sakaniya. Pumoporma sa mga chix sa department namin.

"Ano namang pangalan nung girl?" tanong ko nalang para naman hindi maiwan sa ere 'yung pag share nito.

"Angel Anne. Pangalan palang ganda talaga eh noh. Kaso jowa ng tropa ko eh."

"Edi abangan mo kapag nagbreak sila. Kunin mo 'yung loob nung Angel Anne na iyon then kaibiganin mo then one day, when everything is perfect, ligawan mo." Tuloy tuloy na suhestyon ko.

Namalayan ko nalang nasa tapat na pala kami ng elevator at maghihiwalay na ng landas.

"Kitam. 'Yan pala ang babaeng hindi na naniniwala sa romance. Punong puno pa rin ng fantasy sa isip. See you around, Rhina. Mauna na 'ko!" ngiting ngiti na paalam ni Niccolo.

Kumaway nalang ako bago pumasok sa loob ng elevator. Nakakainis. Naisahan ako no'n ah.

PAGPASOK ko sa loob ng office ay nagtataka ako dahil nakatingin sakin sila Sasha, Ellie at Reina. Halatang may pinag uusapan tungkol sa akin. Agad naman akong nagparinig sa kanila habang nag seset up ng PC ko.

"Aga aga ako nanaman ang  pinag-chichismisan ninyo."

Lumapit si Sasha sa likuran ko. "Hoy ikwento mo sa amin 'yung pogi na kasama mo naglalakad kanina sa baba."

"Akala mo hindi namin nakita iyon ha. Huling huli ka pero hindi ka kulong." natatawang sabi naman ni Reina.

"Ano na ichika mo na 'yan sa amin!" apura naman ni Ellie.

Nagkibit balikat lang ako.

"Ay grabe, parang hindi bestie!" sabay sabay na sabi nilang tatlo.

"Wala akong machichika sa inyo kasi wala naman talaga. Kaklase ko siya nung college nakasalubong ko diyan sa baba. Okay?" paliwanag ko. Para naman hindi nila pag-isipan ng kung ano ang samahan namin ni Nicc.

"Eh pa'no kung maging close kayo at ligawan ka niya?" tanong ni Sasha.

Natawa ako bigla. "Hindi ako liligawan no'n dahil hindi ako chix. Mga chix lang ang natatype-an no'n."

"O bakit chix ka rin naman ah. Kung mas seseksihan mo nga lang ang porma mo." Komento naman ni Reina.

"Pwede ba 'wag ninyo akong asarin doon. Let me live my single life in peace." sabi ko at nagsimula ng mag focus sa task na gagawin ko.

I dismissed the conversation and it made them starts focusing on their work too.

I WOKE up late. It's supposed to be 3 pm sharp. Alas kuwatro na ng hapon. I'm just hoping Conrad won't be mad at me. Binilisan ko ang kilos ko at walang sinayang na sandali. Medyo natagalan lang ako sa pagpili ng susuotin pero pinili ko nalang iyong bagong dating na casual dress na inorder ko. Pagkatapos maligo at mag-ayos sa sarili ay lumabas na ako ng bahay. Nagbook ng grab at pasado alas singko ay nakarating na ako sa tagpuan.

Nagsorry ako kay Conrad sa chat habang nasa biyahe ako. Naiintindihan niya naman daw na puyat pa ako sa trabaho.

Pagpasok ko sa coffee shop ay agad kong hinanap si Conrad. May kasama itong tatlong babae na kakwentuhan nito sa mesa.

Hindi ko kilala ang mga iyon kaya bahagya akong nakaramdam ng pagkailang nung naupo na ako sa pwesto nila.

"Rhin! 'Buti naman at nandito ka na!" Sabik na sabik na bati ni Conrad. As always, looking fresh and blooming ang  babaita. At napansin ko ding nagbago ang fashion style nito. Mas naging stylish ito kumpara noon. He looks so expensive.

"Siyempre naman."

Isa isang pinakilala sa akin ni Conrad ang kasama nitong tatlong babae. Mga kaibigan niya daw iyon noon sa trabaho.

Maya-maya pa ay may binati ito sa likuran ko galing. May isa pang kasama?

Nilingon ko kung sino iyon.

Tila may bumarang bato sa lalamunan ko habang pinagmamasdan ang lalaking kakapasok lang sa entrance ng coffee shop.

"Kuya Migs!" Sabay-sabay na tawag ni Conrad at ng tatlong babae.

He walks casually. Looking at him now, I notice he lose some weight and he cut his long hair.

He looks so much better than the last time I saw him.

Parang hindi ko matanggap na muli ko siyang nakita ngayon na wala man lang akong glow up sa sarili.

Sana man lang napaghandaan ko.

The One Where stories live. Discover now