Chapter Twelve

7 1 0
                                    

"Ano'ng magagawa ko? Ayaw mo na sa akin eh. Galit ka sa akin. Dahil sumuko ako sa'yo. Nag-give up ako sa relasyon natin. Inisip ko din na baka 'yon ang mas nakakabuti sa atin. Baka sa paglipas ng panahon na hindi tayo ay baka maging klaro ang mga bagay-bagay sa'yo. Baka mawala 'yong galit mo sa akin. At baka kapag nawala ang galit mo sa akin ay gugustuhin mong.. bumalik sa akin.

Pero hindi iyon ang nangyari.

Talagang gano'n mo ako ka-ayaw. Pati nga ang maging kaibigan ako.. ay ayaw mong tanggapin."

Natigil ang pagbubukas ko sa sasakyan ni Migs at nilingon siya.

Malungkot ang mga mata nito na nakatingin sa manibela. Tila may dinaramdam ito sa loob na hindi ko mapangalanan.

Nakaramdam ako ng awa. Wala sa loob na umusog ako palapit at niyakap siya. At sa pagyakap kong iyon ay kasabay ang hagulhol ni Migs. Gaya ng kanina ay pamilyar din iyon. Parang deja vù na nangyari na noon. Noong kami pa.

Migs is always been this crybaby. Kahit na madalas ay in default ang pagiging kalmado nito sa kahit anong sitwasyon. Except nga lang sa mga matataas na lugar, sa jumpscary na horror movies, sa mga nasaktan at namatay na aso at itong kapag nasaktan din ang feelings niya.

"Migs.." was all I could say.

I wish I could tell him how much I cared for him, how much I longed for him.

But it's too late. I would betray Niccolo if I let my emotions ruin this.

"C-can I atleast kiss you?"

Nabigla ako sa tanong niya pagkalipas ng ilang minuto ko siyang yakap-yakap. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya.

"Pero Migs.." hindi ko mawari sa sarili ko. Gusto kong tumutol pero hindi ko maiwasan na tingnan ang mga labi niya. It's hard not to look especially our distance is so close. So close I could feel his hard breath.

He moved so swiftly. Namalayan ko na lang na inaangkin niya na ang mga labi ko. For a second, I thought I had stopped breathing. All of my senses automatically focus on him -- the way his lips are moving, the way he kisses me.

Hindi ako pumalag. Tila hindi ko gustong sirain ang pagkakataon na iyon. I just think why would I not let myself feel this moment for a while? Afterall, he has been my only wish. My greatest what if.

I have always wondered what if I see him again.. what if we are together again.. what if I get to hold and kiss him..

Hinayaan ko si Migs sa gusto niyang gawin sa akin sa pagdaan ng ilang minuto. Para akong lumulutang sa alapaap dahil walang kahit na ano ang pumapasok sa isip ko. Nawawala ako sa katinuan.

Walang ibang gustong pagtuunan ang isip ko kundi suklian ng parehong intense ang paghalik niya.

Yes, I'm kissing him back.

Bumalik lang ako sa tamang huwisyo ng naramdaman ko na pumaloob na ang kamay ni Migs at kasalukuyang nakahawak sa ibabaw ng dibdib ko. Napansin ko ring nakatanggal na ang hook ng suot kong bra.

Mabilis akong lumayo sakaniya at inayos ang pagkakalock ng bra ko.

"Akala ko kiss lang. You know what, Migs? I don't think masamahan pa kita mag-lunch." Hindi ako makatingin sa kaniya.

"I'm sorry, Rhin. I got carried away."

Kahit hindi ko siya tingnan ay alam kong nakatingin siya sa akin. Binabasa ang ekspresyon sa mukha ko. Like he always does.

"Ofcourse, you would feel guilty about it. You would feel guilty because you're thinking of him. Naiintindihan ko. Pero 'wag mo naman akong itulak palayo sa'yo. Yes, I still have feelings for you. But don't shut me out."

Muli niyang pinaandar ang sasakyan at sa nadaanan naming restaurant ay doon naming napagpasiyahang kumain.

Now, it's the most awkward lunch we had.

Mas awkward pa noong una kaming nag-date.

Hindi ko siya magawang tingnan kahit na paminsan-minsan ay alam kong binabasa niya ang kung anong iniisip ko. Inabala ko nalang ang sarili ko sa kinakaing beef steak.

How could he do that? Wala ba siyang nararamdamang pagkailang sa akin pag'tapos ng nangyari?

"Stop staring at me. I'm not a book you should read." naiinis kong sabi dahil hindi ko na kayang hindi basagin ang pagkailang at katahimikan sa pagitan namin.

"I'm sorry. It's just that I used to do this to you. Pero kung naiinis ka, sige hindi na kita titingnan."

"Baka mag-grab nalang ako pauwi." sabi ko.

Mas mainam pang umiwas ako sakaniya para hindi kami malagay sa sitwasyon ng gaya kanina.

Base sa nangyari ay siguradong inisip ni Migs na may nararamdaman pa rin ako sa kaniya. I should have moved on. I already have someone. I have Niccolo waiting for my 'yes'.

"Ihahatid na kita sa inyo. Mamamasahe ka pa kung mag-gagrab ka. Kung ayaw mong tinitingnan kita, sige susubukan kong lubayan ka ng tingin." seryosong tanggi ni Migs sa kagustuhan ko paglabas namin ng restaurant.

"Hindi naman sa gano'n Migs. Baka kasi mag-away lang ulit tayo. 'Yon ang iniiwasan ko." Wala halos itong paglingon habang naglalakad patungo sa parking lot ng building.

"Oh really, Rhin? Baka iniiwasan mo lang na mangyari iyong kanina. You kissed me back."

Natameme ako saglit. Sinasabi ko na nga ba na iyon na ang iniisip niya. And he may use it against me.

"Nadala lang ako ng moment." Agad na sagot ko.

Sa gulat ko ay lumapit sa akin si Migs at sa isang iglap lang ay inaangkin nanaman ang mga labi ko. A forced kiss. One of my fantasies actually. But it's no fun. Dahil binabagabag ako ng takot. Takot na baka may pag-asang sumibol uli sa puso ko at hindi ko na dapat pa iyon maramdaman.

Migs and I are over.

Tinulak ko siya palayo. "Ano ba!"

"I can feel you're holding back, Rhin.. Samantalang kanina ay halos ipagkaloob mo uli ang sarili mo sa akin."

An anger has risen in me. "O so anong pinapalabas mo ngayon Migs?!"

"You still have feelings for me Rhin. At obvious na obvious 'yon nung nasa hiking tayo. Kitang-kita ko kung gaano ka nanlulumo noong inisip mo na nobya ko iyong kasamahan namin sa trabaho na si Janine.

You could have asked me, Rhin. You could have asked me if I still love you. I swear I wouldn't lie to you."

Pagkatapos no'n ay padabog itong sumakay sa kotse nito at agad iyong pinaandar. Nakatingin lang ako hanggang sa mawala ang pulang Chevrolet nito sa paningin ko.

Habang naiwan naman akong nag-iisa na gulong-gulo ang isipan.

The One Donde viven las historias. Descúbrelo ahora