Chapter Nine

10 2 0
                                    

KUNG iyon na ang closure na matagal ko ng inaasam sa relasyon namin ni Migs, palagay ko lumuwag kahit papaano ang sama ng loob na kinimkim ko sa kaniya sa loob ng isang taon.

To be honest, it somehow feels better now.

Gayunman, hindi ko pa rin maiwasan hilingin na sana ako nalang uli ang nag-iisang babae na kasama niya sa lahat.

Habang naglalakad kami sa madilim na daan ay pinipigilan ko ang sarili ko na 'wag abutin ang kamay niya at hawakan iyon.

Narealize ko tuloy na mahirap pala makasama ang dating iniibig at magpanggap na parang wala kayo pinagsamahan. Hindi maiiwasan makaramdam ng pananabik at pag-asa.

Maybe I just have to admit what I feel. Hindi ko na gustong labanan ang mga nararamdaman ko na ito.

The more I am trying to pull out, the more I get closer.

Kailangan kong aminin sa sarili ko na may damdamin pa rin ako kay Migs.

Naudlot ang pag-momove on ko dahil sa biglang reunited namin na sa palagay ko hindi namin ginusto pareho. Things will never be the same. Pagbaba namin ng bundok na ito, babalik na kami sa normal naming routines. Hindi ko na uli siya makikita. Kaso 'yong damdamin na 'to ay buhay na buhay pa rin. Hindi 'yon madaling labanan.

Dalawang araw na muli kong nakita at nakasama si Migs ay katumbas ang matagal na panahon na mangungulila ako sa kaniya.

Habang ako ay namimighati at nahihirapan sa pagmomove-on, siya naman ay inlove na inlove sa ibang babae.

Life is truly unfair.

"Rhina! Kanina pa kita hinahanap!" Biglang sumulpot si Niccolo sa harap ko  at sa gulat ko ay mahigpit akong niyakap. Ni hindi 'ata nito napansin si Migs na nasa likuran ko lang.

"Ano ba---"

"Ikaw hindi mo man lang ako sinabihan na maglalakad lakad ka. Delikado pa naman na mag-isa ka! Ikaw talaga."

Hindi na ako nakapag-react dahil agad ako nitong inakbayan. Kumawala naman ako sa pag-akbay nito.

"Ang OA mo!" naiirita kong sabi kay Niccolo.

"Kasi ikaw eh! Bigla kang nawawala."

"O ano naman? Kailangan ko pa ba magpaalam sa iyo, tatay?"

Panira ng moment eh. Kung makaasta parang close na close kami.

Malakas na tumikhim si Migs sa likod. Pareho kaming napalingon ni Niccolo.

"'Buti pala nandito na 'tong manliligaw mo, Rhin. Mauna na ako sa inyo." Paalam ni Migs at iika-ikang naglakad palayo sa amin.

Nang nakalayo na si Migs sa amin ay saka ako kinausap ni Niccolo tungkol sa nakita niya.

Binigyan niya ako ng nagdududang tingin.

"Ano 'yon ha? Bakit iika-ika maglakad ang ex mo na iyon? Nag quickie kayo sa tabi tabi 'no?!"

Nakaramdam ako ng inis sa sinabi na iyon ni Niccolo. Hindi ko alam kung nagbibiro ba ito o naghihinala.

"Ang dumi ng isip mo! Nadulas iyong tao sa parang bangin." depensa ko. Ito na ngang hindi maganda nararamdaman ko, nagawa pa nitong pag-isipan ng kung ano ang nakita nito.

"Bakit kayong dalawa lang?"

"Eh nagkita kami bigla sa ilog doon banda." Hindi ko alam bakit kailangan ko pa sagutin mga tanong nito.

"Sige na nga. I accept your explanation. Nga pala, ikaw ah. Manliligaw mo na pala ako ngayon ng wala akong alam." nang-aasar ang tono ng boses ni Niccolo.

Tumigil ako sa paglalakad. Ofcourse, wala namang sikretong hindi nabubunyag. Malalaman talaga nito ang kasinungalingang sinabi ko sa harap nila Conrad at Migs.

What now? Wala namang palusot ang magandang idahilan doon.

Baka magalit si Niccolo at hindi na ako kausapin nito.

"I am sorry, Nicco. Hindi ko naman intensyon na magsinungaling eh. I was caught off guard. Wala akong maibida na lovelife sakanila. Wala akong choice kundi magbanggit ng name ng guy. Ikaw ang naisip ko." guilty na pag-amin ko. Hindi ko siya magawang tingnan sa mata dahil nahihiya ako. Ineexpect ko na na pagtatawanan niya ako o kaya magagalit siya sa ginawa ko.

Ngunit inabot niya ang kamay ko at hinawakan iyon. Puno ng pagtataka ko siyang tiningnan.

"Are you still attracted to me, Rhina?" There was something in his aura that kinda different. Tila ibang Niccolo ang nasa harapan ko ngayon. Seryoso ang tono ng pananalita nito. Ako naman ay kinakabahan.

"I'm not sure Nicco." diretsong sagot ko.

"Kasi noong college tayo, alam kong may crush ka sa akin. Kaso hindi mo magets ang mga signs na pinapakita ko sa'yo 'tapos tinuturing mo pa akong para wala lang kung minsan..

Now I see why our paths crossed again. Hindi ka makamove on sa ex mo at ako naman ay handa kang saluhin sa pagbagsak mo. Iyong mga nakita mong pagporma ko sa mga chix noon, actually pang front ko lang iyon. Siyempre deep inside, type ko iyong babae na simple at seryoso. Kakaiba sa karaniwan na katulad mo."

"Bakit mo sinasabi mga 'yan?" Hindi 'ata gaanong nagsisink-in sa isip ko ang mga sinasabi ni Niccolo sa akin ngayon. Pakiramdam ko lumulutang ang isip ko sa dami ng bagay na nalaman ko.

Marahan niyang pinisil ang palad ko. "Gusto kitang ligawan."

"Niccolo, sigurado ka ba diyan? Bakit ngayon lang? Kung totoong type mo ako, bakit hindi mo ako niligawan noong college tayo? You knew how much I adore you. Why now?" I can't believe this is happening.

"Bad timing noong college tayo. Now that I've my chance, I'm not going to missed it. Maybe there's a reason why we're here. I have always adored you too, Rhina." marubdob ang damdamin ni Niccolo.

Kitang-kita sa mga mata nito na tila wala ng babali sa desisyon nito.

Kung iisipin ay wala naman talagang mali kung bibigyan ko ng chance si Niccolo na manligaw sa akin.

Single ako, siya rin naman.

Ang lalaking inaasam kong mahalin ako uli ay may minamahal ng iba. Migs is always my first choice. At wala akong ibang gusto ngayon kundi ang pag-ibig niya. Subalit ano pa ang magagawa ko? He belongs to Janine. And I don't stand a chance.

"Sige, pinapayagan kita Niccolo. After all, totoo namang may crush ako sa iyo noon." diretso kong pag-amin.

Lumiwanag ang guwapong mukha nito. He looks like he's the happiest man alive.

"Atlast!" hiyaw nito.

The One Where stories live. Discover now