Chapter Fourteen

5 1 0
                                    

"So tell me.. iniiwasan mo ba ako?"

Tuloy tuloy ang paghakbang ko habang binibilisan ni Niccolo ang hakbang niya para mahabol ang bilis ng lakad ko. Hindi ko kayang sagutin ang tanong niya. Totoo na iniiwasan ko siya. Halos isang buwan na rin nang huli kaming nagkasama. Tila may isang malaking kasalanan akong nagawa at kinakain ako ng konsiyensya. Hindi ko kayang aminin sakaniya na totoo ang hinala nito.

Mabuti nalang ay nakasuot ako ng headset sa ulo at kaya kong magpanggap na hindi ko siya narinig.

Subalit nang maabot niya na ako ay humawak siya sa braso ko at ipinaharap sa kaniya. Wala akong choice kundi salubungin ang tingin niya. Gulong-gulo ang hitsura nito.

"Hindi tumutugtog 'yong headset mo kaya alam kong narinig mo 'ko. Bakit mo ako iniiwasan?"

"Niccolo.. I'm sorry." Ang nasabi ko pagkatapos ng ilang segundo na nag-isip ako kung ano ang sasabihin ko.

Naningkit ang mata nito. "Anong ibig mong sabihin?"

"Okay." I have to admit it to him. I have to. "Okay.. sorry for avoiding you these past few days."

"Bakit?" his eyes are so intense. Napalunok nalang ako dahil sa medyo kinakabahan ako.

Dahil nasa daanan kami ng mga empleyadong papasok ng office sa entrance ng isang E-commerce company sa ground floor ay gumilid ako. Lumapit naman sa akin si Niccolo at kinorner ako sa pader.

Nakakaramdam na ako ng inis sa nangyayari.

"Because.." sabihin mong gusto mo siyang iwasan dahil gulong-gulo ka sa nararamdaman mo. Sabihin mo. "I don't know, naguguluhan ako sa damdamin ko."

I just hope he's not going to ask further question. Luckily, he did.

Inakbayan niya ako at hinapit palapit sa kaniya.

"Normal lang 'yon. Mamaya kain tayo sa kahit saan mo gusto." nakangiti na yaya nito.

Sa totoo lang ay gusto ko ng umuwi mamayang 'tapos ng shift ko. Kaso hindi ko siya magawang tanggihan. Guilty rin ako sa ginawa kong pag-iiwas sa kaniya.

One dinner date won't hurt, isn't it?


"MASARAP naman ba ang kinain nating beef steak?" tanong ni Niccolo sa akin paglabas namin ng pares pares.

"Okay lang. Hindi sobrang sarap hindi rin pangit lasa." sagot ko naman. Sinusuot ang helmet.

"O bakit naman sinusuot mo agad helmet mo? Ayaw mo ba maglakad muna tayo diyan sa tabi-tabi?"

Nilingon ko ang daang tinuturo ng nguso nito. Ilang kilometro mula rito ay may mga tianggehan at ilang rides. Maraming tao ang naglalakad karamihan ay mga kabataan.

"Ayaw ko. Sa totoo lang, gusto ko ng umuwi eh." Pag-amin ko. Gusto ko nalang ipahinga. These past days, I get easily drained and exhausted. Hindi ko alam kung bakit. Marami lang siguro akong bagay na iniisip. Nagiging absent-minded nga din ako na napapansin ng mga kaofficemates ko. Wala akong trip na gumala pa. Kahit na naguguilt ako kay Niccolo.

Nalukot ang mukha nito.

"Alam mo nakakahalata na ako ah. Pumayag ka nga na kumain tayo 'tapos uwing uwi ka naman ngayon. 'Di ka naman ganyan noon ah?"

"Bakit bawal ba makaramdam ng drained?"

"Hindi naman. Bakit ka ba drained?"

Nagkibit-balikat ako. "Ewan."

Namagitan ang katahimikan sa pagitan namin pagkalipas ng ilang minuto. Nakasandal lang kami sa pader ng pares pares na restaurant at pinagmamasdan ang mga taong dumadaan.

The One Where stories live. Discover now