0N3

10 0 0
                                    

JOEY                       

"HAYUN siya! Mga kawal habulin ang prinsesa!" Narinig kong sigaw ng punong kawal.

"Aking ina, patnubayan niyo ako." Hagulgol ko habang panay pa rin ang mabilis na pagtakbo ng aking kabayo.

"Huwag niyo siyang hayaang makatakas!"

"Ah!" Napatili ako nang makita ang panang lumipad at tumusok ito sa nakasalubong kong puno.

Hinigpitan ko ang hawak sa tali ng aking kabayo nang ito ay tumayo at naging mailap. Tumigil ito sa gitna ng ilang.

Mariin akong napapikit nang mapagtantong malapit na sa gawi ko ang mga kawal ng aking ama.

"Ah!" Tili ko nang madulas ang kamay ko sa pagkakahawak sa kabayo.

Napalunok ako nang maramdaman ang isang matipunong bisig sa aking baywang. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata at nagimbal sa dalawang pares ng itim na mga matang nakatitig sa akin.

Mayroon siyang takip sa ibabang bahagi ng kaniyang mukha kaya hindi ko nasilayan ito ng buo.

Napatingin ako sa baba at napakurap nang mapagtantong lumulutang kami sa ere. Na tila nagsasayaw. Ang mga kawal ay nakanganga habang nakatingin sa aming direksyon.

Ibinalik kong muli ang tingin sa mga mata niya at nakita kong kumislap ito nang salubungin ang mga mata ko.

"Ligtas ka na, aking prinsesa." Sabi ng kaniyang malalim at magandang tinig.

Naramdaman ko ang marahang pagtapak namin sa lupa. Ngunit hindi niya pa rin inaalis ang kamay sa baywang ko.

Patuloy pa rin ang pagtitig niya sa akin na para bang ako ang pinakamagandang prinsesa na nakita niya sa buong buhay niya.

Napatingin ako sa mga kawal at nanlaki ang mga mata ko nang hinugot nila ang mga espada at handa nang sumugod sa amin.

"Ayan na sila!" Pumikit ako at ibinaon ang ulo sa matipunong dibdib niya.

Nang magmulat ako ay kinakalaban na niya ang mga kawal... habang hawak pa rin ang baywang ko!

Nang mapatay ang mga kawal ay agad kaming lumipad sa ere at dumiretso sa kaniyang makintab na puting kabayo.

Isinakay niya ako roon habang ang isang bisig ay pinulupot sa baywang ko, hinihila ako papalapit sa katawan niya habang ang isang kamay ang may hawak ng tali.

Nakarating kami sa isang bangin. Doon ay inihinto niya ang kabayo at inalalayan akong bumaba.

Napakaganda at ang sarap sa pakiramdam ng tanawin. Napangiti ako habang dinadama ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat.

Ang kabilang dulo nang bangin ay ang Talon ng Pagsanjan. Masaganang bumubuhos ang tubig mula rito. Napangiti ako nang tumingin sa ibaba at namalas ang kagandahan ng mabatong talon. Tila kay sarap maligo doon.

"Aking prinsesa." Nabaling muli ang atensyon ko sa magiting na kabalyerong nagligtas sa aking buhay.

"Maraming salamat. Utang ko sa iyo ang aking buhay, magiting na kabalyero." Tumingkayad ako at inabot ng labi ko ang labi niyang natatakpan ng manipis at itim na tela.

Tumugon naman siya at hinawakan ang likuran ng aking buhok.

Humiwalay ako sa labi niya at hinawakan ang likuran ng buhok niya. Kinakapa kung nasaan ang manipis na hibla na nakatali roon. Nakapa ko na ito at kinalas sa pagkakabuhol.

Sa wakas makikita ko na ang wangis niya.

"Johannah Eya Macaraeg!"

Napabalikwas ako nang bangon nang umalingawngaw sa buong bahay ang tinig ng tiyahin kong elepante este mabait.

Man of my DreamsWhere stories live. Discover now