F0UR

10 0 0
                                    

JOEY

Ngumiti ako sa magina at pinisil pa ang matabang pisngi ng bata bago ako lumarga.

Masaya akong naglalakad sa daan habang pakanta kanta pa. Umikot ikot ako na parang tanga dahil sa kasiyahang nadarama.

Totoo ang nararamdaman kong kasiyahan sa puso ko kapag tumutulong at nakikita ang mga ngiti sa labi ng mga taong tinutulungan ko. Hindi ko rin alam. Nakakataba lang ng puso.

Nang umikot pa akong muli ay may tricycle na muntik na akong mahagip. Ngunit may kamay na mabilis na humila sa braso ko. Mariin akong napapikit nang maramdamang tumama ang likod ko sa matipunong dibdib ng taong nasa likod ko.

Dumilat ako at huminga ng malalim. Nasapo ko ang dibdib sa labis na kaba.

"Miss, are you okay?" Napalingon ako sa malalim na boses na nanggagaling sa likuran ko.

Parang slowmotion pang tinanggal niya ang shades at tumama sa akin ang pares ng itim na mga mata niya.

Ang noo, kilay, pilik at maging ang mga mata niya ay parehong pareho nung lalaki sa panaginip ko.

Is he really the Man of my Dreams?

Itinagilid ko ang ulo at pimagmasdan pa siyang mabuti habang pinagsalikop ko ang dalawang kamay.

Ang gwapo at ang bango bango niya!

Lumapit pa ako at walang hiyang sininghot ang amoy niya. Napapikit ako at mas lalong napangiti ng sumalubong sa ilong ko ang nakakahalinang amoy.

"Miss!" Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat na nagpatigil sa akin.

Nagtama ang tingin namin at nakita ko ang pagaalala sa mga mata niya.

"Are you okay? May masakit ba sa'yo? Do you want me to send you to the hospital?" Sunod sunod na tanong niya.

"Ah, hindi na po. Pasensya na po. Nakisinghot lang." Napakamot ako ng ulo at ngumiti.

Napatawa naman siya kaya lumabas ang magandang set ng puti niyang ngipin. Grabe! Meron bang mali sa lalaking ito? Napakagwapo niya at mukhang mabait din siya. Wala akong makitang kahit anong kapintasan sa kaniya.

"It's fine. Do you like my perfume?" Tanong niya na ikinagulat ko. "Wait." May kinuha siya sa loob ng kotse at pagbalik niya ay may hawak na siyang pabango. Kinuha niya ang kamay ko at inilagay doon ang bote ng pabango kasama ang isang maliit na card. "If you want to go to the hospital. Just give me a call." Ngumiti siya ng malapad na nagpatunaw sa puso ko.

"Ba-Bakit? Hindi naman po kayo ang muntik ng makatsugi sa akin."

Muli ay tumawa siya. "Don't po me, silly. Hindi pa naman ako matanda." Pinindot niya ang ilong ko dahilan para magparty ang mga bulate ko sa tyan.

"I'm Kai Sheldon Serafino by the way. Heir of Serafino Hotels around the Philippines. And you are?" Nakangiti niyang inilahad ang kamay.

Grabe pati pangalan ay ang ganda ganda at ang bango sa pandinig. Tapos tagapagmana pa siya. Ang hirap naman niyang abutin.

"Ah, Joey. Johannah Eya. Joey for short. Hehe." Agaran kong inabot ang kamay niya at natuwa nang mapagtantong napakalambot niyon.

"Pleased to meet you, Joey." Bahagya siyang nagbow sa harap ko.

Napakagentleman din niya!

"Pleased to meet you too, Sir Kai." Nahihiyang pahayag ko dahil hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko.

"Drop the formalities, Joey. Kai na lang o Sheldon. As long as comportable ka."

"Okay, Kai." Tumango ako. "Siyangapala bakit nandito ka? May hinihintay ka ba?" Panghihimasok ko.

Man of my DreamsWhere stories live. Discover now