THR33

5 0 0
                                    

CHESTER

"Insane!" Inis kong sinipa ang nadaanang maliit na bato.

Huwag ko lang talaga siyang makikita ulit!

Nagpalaboy laboy ako sa daan. Hindi ko alam kung saang lupalop na ako ng mundo napadpad.

"Maam, Can I ask a question?" I asked a street sweeper. I covered my nose when I smell her sweat.

"Tagalog lang, iho." Napapakamot ang ulong aniya.

"Anong lugar 'to?" I directly asked. Ayaw ko ng paligoy ligoy dahil ang baho ng pawis niya.

"Calamba, Laguna."

I lightly nod before walking away. Parang nagkaroon ako ng pagasa nang pumasok sa isipan ko ang isa sa Serafino hotel na located din dito mismo. Sa Calamba, Laguna!

Dali dali kong tinakbo ang hotel. Ilang oras ring lakad takbo ang ginawa ko.

Hinihingal akong napahawak sa tuhod nang marating ang hotel. I looked at the entrance before making my way in.

Masasabi kong malawak ang garahehan pa lang ng kotse ng hotel. Marami ring halaman palibot sa isang malaking fountain sa harap na nagbibigay mismo ng mas kahali halinang itsura sa mga turista.

Sumabay ako sa karamihan ng tao habang busy ang guard sa kausap sa telepono. Nang pumasok kami ay awtomatikong bumukas ang salamin na pintuan nito.

I make my way into the hotel lobby and approached one of the receptionist.

"To Kai Sheldon Serafino, please." I said in a hurry.

"Do you have an appointment, sir?"

"Kailangan pa ba 'yun?" I asked, getting irritated.

"Sorry, sir. But if you don't have an appointment with him, we are not allowed to disturb him. Nasa manila po kasi si Sir."

"Sige na, miss. Importante lang. Just one call. Tell him that Chester is here." I begged.

She pursed her lips before surveying my body. "Uhm. Sorry but I know Sir Chester." She looked at me and shook her head.

"Just give him a one damn call!" Naiirita ng sigaw ko. "Mahirap bang gawin 'yun? I'm in a big dilemma and I need his help!" Sigaw ko pa.

"Sorry sir pero hindi po talaga pwede." Pagmamatigas niya. "Please do understand that I'm just doing my job."

"Tangina!" I cursed. Napahilamos ako ng mukha. Saka ibinagsak ang dalawang kamay sa counter top ng lobby. Tumingkayad pa ako dahil hindi ko gaanong abot.

Taas eh!

"Guard!" Tumawag na ng guard ang kasamahan niya. "May naggugulo po dito." Sumbong pa nito.

"Sir-"

"Don't touch me!" I hissed.

He gestured me to walk first, so I did. Lumabas ako ng hotel, ng bigo.

Panay ang lakad ko sa entrada ng hotel. Umaasang kahit imposible ay biglang lumitaw ang sasakyan ni Kai dito.

I need him now. Kahit minsan ay napupuno siya sa mga katarantaduhan ko ay alam kong hindi niya ako papabayaang nakalutang sa ere.

"Sir. Hindi ba kayo napapagod? Kanina pa kayo diyaan ah." The guard commented.

I looked at him and an idea suddenly flop in my mind.

"Can I borrow your phone?" Umarko naman ang kilay niya. "Damn, I'm not some kind of thief. Anong akala mo sa'kin? Just please isang tawag lang." I swallowed my pride.

Man of my DreamsWhere stories live. Discover now