S1X

4 0 0
                                    

CHESTER

"Napapagod na rin po ako, Anty." Tumatawang aniya bago tumakbo papasok.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa maakyat siya ng hagdan at isinara ang pinto ng kwarto niya.

What's wrong with that ugly woman? May kakaiba sa kaniya.

"Tingnan mo 'yang pinsan mo, wala talagang utang na loob!" Maam Lourdes stated in a furious voice.

"Hindi mo na kasi dapat sinabi 'yun ma! Bakit ba ang init init ng dugo mo sa kaniya!"

"Hoy, Lovely huwag mo akong pagtataasan ng boses ha!" Dinuro niya si Love.

"Tama. Lagi naman. Lagi na lang akong sunod sunuran sa'yo kahit mali ka naman talaga. Wala akong ibang pwedeng gawin kundi manahimik na lang. Wala akong karapatang sagutin ka kasi nanay kita. Pero ma, somosobra ka na eh!" Love shouted.

Isang malakas na sampal ang nagpatagilid sa kaliwang pisngi ni Love.

She holds her cheeks, looked at her mom before running upstairs.

"Hoy, Lovely bumalik ka dito huwag mo akong tatalikuran!" Pahabol ni Maam Lourdes pero hindi na siya nilingon ni Love.

I just shrugged before going inside. Wala naman akong pakialam sa kahit sino sa kanila.

I went inside my room, lay in the bed with two arms under my head, look at the ceiling and thought deeply.

What am I supposed to do?

Kung babalik ako sa hotel ay wala na akong pera para don. Sigurado naman akong hindi ako makakahiram kay Maam Lourdes dahil halata namang mukha siyang pera.

I must think aof a better plan. Isa pa, hindi rin tatagal ang halaga ng kwintas ko sa elepanteng 'yun. Hay, she's just that gold digger.

Not judging, just stating facts.

Bumangon akong muli at lumabas. Inalok ako ni Maam Lourdes na kumain kaya hindi ko na tinanggihan.

Pagkatapos ay nilakad ko na lang ang distansya ng tinutuluyan kong boarding house papunta sa hotel.

Para mabawasan na rin ang taba ko sa katawan.

Wait. Sumpa 'yung katabaan ko kaya imposible namang mababawasan,
'diba?

Putcha lang talaga!

Wala na 'yung pinahhirapan kong katawan.

"Excuse me, nandito ba 'yung guard na nakaduty kahapon?" Tanong ko sa mas batang guard na nakaduty ngayon.

He lift his head to face me. Halos mamilog ang mga mata niya nang makita ako.

"Pare, tingnan mo! Siya 'yun, 'diba?"

Tumingin sa akin ang kasama niya at agad na kinuha ang nakapulupot na bond paper.

"Oo nga, siya 'yun. Kakaalis alis lang ni boss eh. Tara, tawagan natin." He suggested.

"Hey, I didn't do wrong." I stepped backwards.

"Boss, andito po siya ngayon!" Sabi ng lalaki dahilan para mapatakbo na ako.

"Hoy! Sandali lang!" Sigaw nila at agad akong hinabol.

Habang tumatakbo ay nagawa ko pang lumingon at nakita ang hindi ko na mabilang na nakaunipormeng guard na humahabol sa akin.

Pucha! Ang dami na!

Pagharap ko ay natabig ko ang isang lalaking may buhat na balde ng mga isda sa braso niya kaya nabuwal ito at tumilapon ang lamang isda sa daan.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Feb 07, 2023 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Man of my DreamsOnde histórias criam vida. Descubra agora