TW0

8 0 0
                                    

CHESTER

Huminto ako sa gasolinahan at pinakargahan ang aking blue ashton martin vulcan.

Nakatulala lang ako habang sinasalinan ang tank ng kotse ko.

Tumingin ako sa rear mirror at nadismaya nang makita ang isang hindi pamilyar na mukha na nakatingin sa akin.

Putcha, kasalanan ko ba kung honest akong tao?

Hindi ako naiintindihan ng diwata na 'yun o kung sino pa man siya. Ako ang pinarusahan ng ganito samantalang ang dami diyang iba na mas masahol pa sa akin.

I always like having fun, having girls, may kapintasan man o wala at the end of the day I always knew I was left alone.

Kasi sino nga namang magiistay sa isang gagong katulad ko hindi ba? Gago ako at aminado ako. Well sabagay ayaw ko rin namang magstay sila sa buhay ko kaya okay lang. Sanay naman ako.

"Taas mo kamay mo!" I was taken aback when a I saw a man infront of my  car. Nakatutok ang baril niya sa akin habang marahan kong itinaas ang aking kamay.

Tumingin ako sa kanan at nakitang tinutukan din nila ang mga crew.

"Ibukas mo!" Mariing utos ng isa.

Binuksan ko ang pintuan ng kotse sa shotgun seat at pumasok siya. Ang dalawa niyang kasama ay sa backseat.

"Magdrive ka! Bilis!" He shouted pointing the gun in my right temple.

"Where do you wanna go?" I calmly asked. Kanina pa ako nagmamaneho at hindi ko alam kung saan sila bababa.

"Diretso lang!" He commanded.

"Why the fuck do you need to shout? Tumatalsik laway mo eh. Kadiri." I said irritated. Inis kung pinunasan ang laway niya sa gilid ng mukha ko.

Lumingon siya sa mga kasamahan at nagtawanan sila saka niya ako dinuraan.

"Putang-"

Napatigil ako nang itutok niya sa malaki kong ilong ang baril.

"Ano ha? Lalaban ka?" Maangas na tanong niya.

I gave him a glare before looking back at the road. Pucha, kapag nahila ko 'yang baril mo ikaw talaga ang matotodas.

"Sumunod ka na lang kung ayaw mong pasabugin ko 'yang mga tigyawat mo." Nanguuyam na pahayag niya.

"Alam mo wala sa itsura mo ang magmayari ng ganito kagandang sasakyan. Ang panget mo eh." Sabi ng nasa likod "Kinarnap mo 'to ano?"

Lumipas ang ilang oras ay patuloy lang ako sa pagmamaneho habang sila ay panay ang butingting sa kotse ko. Napairap na lang ako sa kawalan.

"Dito ka na bumaba."

"Ako ang bababa eh kotse ko 'to. Hinatid ko na nga kayo." I spat.

He looked at me with amusement in his eyes before looking at his conpadre and laugh out loud like an idiot.

"Hoy taba. Alam mo ba ang ibig sabihin ng carnap?" Inakbayan niya ako.

"What?"

"Eh selponap saka walletnap? Alam mo 'yun? Kami lang nagimbento non." Nagtawanan ulit sila. "Kaya ibigay mo na sa amin ang wallet at selpon mo at makakaalis ka ng buhay." He smriked.

Sapilitan nilang kinuha ang cellphone at wallet ko pati na rin ang rolex kong relo pagkatapos ay sinipa ako palabas at nagmaneho palayo.

Kinuha ko sa ilalim ng damit ang gintong kwintas na nabigo nilang makita. Ang natitira kong pagasa.

Man of my DreamsWhere stories live. Discover now