F1V3

10 0 0
                                    

LOVE

"Ah!" Napatili kaming dalawa ni Mayu nang muntik na kaming mahagip ng humaharurot na sports car.

"Ayus ka lang?" Tanong ko habang sapo ang kaliwang dibdib.

"Hoy! Lumabas ka diyan!" Hinubad niya ang heels at pinaghahampas ang sasakyan.

Mabuti na lang at nasa gilid kami ng daan dahil kung hindi ay malaking abala.

"Labas sabi eh! Ikaw ba hari ng daan ha! Eh, kung mapatay mo kami? Kaya mong buhayin pamilya namin?" Bulalas niya

"Mayu tama na-" Napatigil ako nang mabasag ang unahang salamin ng kotse.

Nagpupuyos talaga sa galit si Mayu at ayaw magpaawat.

Kung tutuusin ay parehong pareho sila ni Joey. Pareho silang madaldal at madaming nasasabi. Kapag naghaharap talaga sila ay nagkakaworld war 3 at ako ang laging kawawa dahil ako ang nakakatanggap ng mga suntok, sabunot na para sana sa isa't isa.

Pero sa asaran ay walang nakakatalo kay Joey. Maging si Mayu ay hindi siya kaya dahil lagi lang nakangiti si Joey na waring nangaasar kahit ang totoo ay pinapatay ka na niya sa isip niya. At 'yun ang lamang niya sa lahat.

"Miss, grabe ka naman. Look, nabasag na. Tinamaan ako oh." Bumaba ang lalaki at inosenteng ipinakita ang gilid ng mukhang nadaplisan ng nabasag na salamin.

"Wala akong paki! Muntik mo na kaming mapatay ah. Saka 'yung kwek kwek ko. Wala na. Alam mo ba na twenty five pesos na isang stick ngayon." Lumapit siya at kinuwelyuhan ang inosenteng lalaki.

"Miss, hindi ka naman nasaktan. Ako nadaplisan. Isusumbong kita kay Valen at Chester. Kilala mo 'yun? Mga erps ko 'yun. Aabangan ka non." Ngumuso ito na parang bata.

"Ha! Pwes sabihin mo diyan sa Valen at Chester na 'yan na hindi ako natatakot kahit gaano pa sila kapanget!"

"Mayu, tama na." Awat ko sa kaniya.

"Sandali lang Love ha." Umatras siya nang kaunti at tumama sa dibdib ng isang matangkad na lalaking nakashades.

Hinarap niya ang lalaki pero agad siyang nawalan ng balanse kaya muntik na siyang matumba. Ngunit naging maagap ito at nahawakan ang baywang niya at hinigit siya papalapit sa katawan nito.

Napanganga naman ako at napatingin sa kalangitan dahil may nagliparang papel kung saan. Para akong nakasaksi ng live na korean novela.

Tinulak ni Mayu ang lalaki at umayos siya ng tayo.

"Watch out." Sabi ng malalim na boses nito.

"Sino ka naman, aber?" Nakapameywang na tiningala siya ni Mayu.

"I'm Valen." Pakilala nito.

Nakatalikod si Mayu sa direksyon ko pero sigurado akong nakanganga siya ngayon.

Dahan dahang tinanggal nung Valen ang shades at inilagay ito sa gitna ng dress shirt niya.

Tinitigan niya si Mayu at masuyong hinawakan ang id nito.

"Mayumi dela Paz." Nakangiting bigkas nito sa pangalan niya. "You're brave, Yumi. Pero hindi ako pumapatol sa babae. At hindi rin naman ako panget, 'diba?"

"Ang presko mo!" Singhal ni Mayu.

"Pansin mo rin? Kakashower ko lang eh." Hinawi ni Valen pataas ang buhok at namamanghang tinignan si Mayu. Itinaas baba pa nito ang kilay.

"Erp!" Singit naman nung lalaki kanina."Inaaway ako nila, erp. Upakan mo nga, erp. Tingnan mo oh. May dugo, erp." Naiiyak na pagsusumbong nito at ipinulupot ang braso kay Valen.

Man of my DreamsWhere stories live. Discover now