Prologue

397 8 0
                                    

༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶
PROLOGUE
༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶

"Kailan balik mo?"

Napangiwi ako sa tanong niyang 'yon sa akin. Hindi pa nga ako nakakaalis pero ganito na agad ang tanong niya? Hindi man lang sabihin na mag-iingat ako doon?

"Seryoso ka? Hindi mo man lang akong sasabihan na mag-iingat ako doon?"

Natawa naman siya. "Hindi ko naman na siguro need na sabihin 'yon, 'di ba? Hindi ka naman na bata."

"Alam ko pero pwede ng magsilang ng bata," pagbibiro ko at natawa.

"Wala naman tumitira sayo kaya hindi ka makaka pagsilang ng bata," saad niya.

#savage! Parang ang sarap manaksak ng kaibigan?

Pero imbis na pansinin ang sinabi niya ay nagpatuloy na lamang ako sa pag-aayos ng mga gamit ko na dapat kong dalhin sa flight ko. Hindi pa naman ako pwedeng ma-late bukas dahil need daw ng maagang pumasok.

Sana lang talaga ay maaga akong magising bukas.

"Pag-uwi mo dalhan mo kami ng pasalubong," bungisngis niya.

"Pasa gusto niyo?"

"Pasa? O pinaasa?"

Tinignan ko siya ng masama sabay bato ng unan ko dito na ikinatawa niya. "Mananahimik ka o mananahimik ka?"

"Ganyan ba nangyayari sa mga tao kapag pinaasa?" Inosente nitong tanong sa akin.

Napairap na lamang at sabay tingin sa may salamin ng kwarto ko. Inayos ko ang sarili ko dahil kakagising ko lang pero siya agad ang bumungad. Tipong kakamulat ko lang mata ay nagulat na lang ako ng makita siyang nakahiga sa kama ko at nakayakap pa sa akin.

Kinuha ko ang suklay para ayusin ang magulo kong buhok. Sana pati yung buhay ko ay maayos din ng suklay na ito.

"Uy, ingat ka, ha? Huwag mong pababayaan ang—"

"Bhie! Ilang beses mo na 'yang inuulit na sinasabi!" Putol ko dito.

"Gaga ka! Talagang papaulit-ulitin ko! Baka kasing maging t*nga ka na naman doon," savage niyang sambit.

"Wow, ha? Parang hindi naging t*nga noon?"

Natahimik tuloy siya sa sinabi ko kaya natawa ako at 'tsaka siya niyakap patalikod. Hinalikan mo pa siya sa pisngi niya.

"Hayaan mo, love. Mag-iingat naman ako doon. Kahit hindi ka niya iningatan," nakangising sabi ko kaya nakatanggap ako ng siko mila sa kaniya.

Hindi na din naman kami nagtagal sa pamamaalam namin sa isa't isa dahil magkikita pa naman kami pagbalik ko.

"Aga natin, ah?" Bungad sa akin ni James.

"Syempre. Pangarap ko 'yung lugar na pupuntahan natin, eh," sagot ko.

"Weh? O baka naman may gusto kang makita kaya maaga?"

Pinagtaasaan ko siya ng kilay at inirapan. "Hindi kita type, James."

"Awts!"

Hindi ko na pinansin pa ang hinanakit niya dahil paalis na daw kami. Buong byahe ay wala akong ginawa kundi ang paglingkuran lamang ang mga pasahero namin. Bigay ng tubig, pagkain, at asikasuhin sila kapag may kailangang iba pa bukod sa mga paghingi ng plastic at iba pa.

"Yehey! Nandito na tayo mga meeeee!" sigaw ni Honey.

"Sa wakas! Nakapunta din," sunod pang sambit ni Trisha habang nakukuha ng video katulad ko.

Don't play with me, Captain || ONGOING (EDITING)Where stories live. Discover now