17

55 1 0
                                    

"Hatid na kita."

Ang kulit naman ng lalaking ito. Kanina ko pang sinasabi na ayaw ko pero ang kulit. Hindi ko na nga mabilang kung pang-ilang beses ko ng sinabi sa kanya na hindi, na ayaw ko.

"What are you ba? A kid? Ang kulit mong punyemas ka!" sigaw ko dito. "Namin-ano a binabalawnaka ni nanangmo ken ti naalasmo!" Ilang beses ka bang iniri ng nanay mo at ang kulit-kulit mo!

Natigilan siya sa sinabi ko. Hindi niya yata maintindihan ang sinabi ko. Hindi niya yata alam kung anong probinsya ang sinasalita ko

"Ha?"

"Kinunak a naalaska," sabi ko. Ang kulit mo sabi ko.

Napakamot siya sa kanyang ulo. "I don't understand."

Hindi na namin kasama ang dalawa niyang anak dahil iniwan niya sa mama niya at ang sabi ay sasama daw siya sa akin. See? Inuna pa ang landi kaysa unahin ang mga anak niya.

"Bakit ba kasi ihahatid mo pa ako? Eh, kaya ko naman?" tanong ko. 'Tsaka hindi pa naman ako uuw dahil papasok ako sa trabaho ko.

Pasalamat nga siya at binigyan ko siya ng kaunting oras man lang, eh. Char! Kailangan ko pa ring pumasok doon dahil kapag hindi ay mawawalan ako ng trabaho.

Ayaw ko pa man ding mawalan ng trabaho doon dahil gusto ko ang role ko doon. 'Yung paghahalo ng mga drinks. Nami-miss ko na din 'yung paghagis ko sa ere ng hinahalo kong mga inumin ng mga customers ko.

"Where are you going and you don't want me to take you there?"

"Apay a nasipnget ti kudilmo?" Bakit ba ang kulit mo?

"What?"

Natawa ako ng bahagya. 'Tsaka napabuntong hininga ako. Lumapit ako sa kanya para mahalikan ko siya sa labi. Smack lang 'yung kiss.

"Kasi po papasok ako sa bar," sagot ko.

Kumunot ang noo niya. "Why do you need to work in the bar?"

"Because I need kuarta."

"What is kuarta?"

Natawa ako. Dahil ang itsura niya ang cute. Para siyang batang inosente sa isang bagay. Para siyang bagong silang.

"Kuarta means money," pagpapaliwanag ko. Sinuklayan ko ang buhok niya.

Nasa sasakyan niya pa kami until now. Nasa tapat pa din kami ng bahay ng mama niya. Ang posisyon namin ngayon ay para kaming mag-boyfriend na naglalambing sa loob ng kotse. Nakasandal siya sa akin ngayon sa may dibdib ko habang sinusuklayan ko ang buhok niya.

"Kuarta? Money? What kind of word is that?" Taka niyang tanong.

"That word is from the Isabela language," sagot ko.

"Taga-Isabela ka?"

I nodded. "Yes, ang Mommy namin ay taga doon kaya may alam akong word ng language ng Isabela."

"Woah! That's cool. Can you teach me that word?"

Umalis siya sa pagkakasandal niya sa akin at tinignan niya ako na may pagkakamangha at pagka-excite. 'Yung itsura niya ay parang batang nag-aaral pa lamang sa kindergarten at may sinabi ang isang teacher na nakaka-excite dahlia maging ganito ang mukha ng bata. Ganun na ganun ang itsura niya ngayon. Kumikislap pa nga mata ni Nath. Bata talaga.

"Pero dalawang beses ko lang ituturo sayo, ah? Kapag hindi mo pa nakuha. Bahala ka na," saad ko.

"I can do that! Mabilis lang naman akong matuto," sambit niya.

Don't play with me, Captain || ONGOING (EDITING)Where stories live. Discover now