13

47 2 0
                                    

"Uy, gaga! Anong nangyari sayo? Ayos ka lang ba?"

Napabuntong-hininga ako sa tanong ni Anne. Sabay irap dito. Kitang nahihirapan akong maglakad tapos magtatanong pa kung ayos lang ba ako o hindi? Sipain ko kaya 'to?

Kanina pa siya tanong ng tanong. Alam ko namang alam niya ang nangyari sa akin. Hindi naman siguro siya t*nga, 'no? Siguro naman ay alam niya kapag may nawala sa isang babae, right?

Ewan ko ba. Gusto kong sampalin ang sarili ko. Gusto kong sabunutan, sampalin, suntukin, sipain at kung anu-ano pa ang posibleng gawin. Gusto kong mairita. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

Wala akong maramdaman na pagsisi. Para bang normal lang. Normal lang na gamit ang nawala sa akin. Like what the f*ck, 'di ba?

"Bakit paika-ika kang maglakad?" tanong pa ni Sami.

"'Yan daw ang uso ngayon, teh!" Natatawang sambit ni Franny.

Natawa si Layne. "Usong magpaika-ikang maglakad? Bago 'yon, ah? Magkano ba ang premyo sa sinalihan mo at ganyan ka maglakad?"

"Manahimik nga kayo! Bw*sit!" iritang anas ko. Sabay kuha ng pop corn na niluto ni Anne habang nanonood kami ng cartoons.

Ang boring nga, eh. Malalaki na kami pero ito pa rin ang pinapanood. Paladesisyon kasi si Anne, eh. Kaya 'yan ang pinili. Palibhasa kasi ay isip bata. Kaya hanggang ngayon ay hindi nagkaka-boyfriend, eh. Kasi isip bata, char!

Kahit naman ganyan 'yan si Anne. Mahal na mahal ko 'yan. Kahit siya pa ang PINAKAMADALDAL na tao sa buong mundo.

"Nawala na?"

Napakunot ang noo naming lahat ng bigla na lang nagsalita si Kai. Ang seryoso niya no'n ng sinabi niya ang 'nawala na'. Alin ang nawala? Anong pinagsasabi ng babaeng ito? May sarili yatang mundo ito, eh? Nakakagulat dahil bigla-bigla na lang siya nagsasalita.

Hindi kami nagsalitang lima dahil hindi namin alam ang tinutukoy niya. Ganyan si Kai. Minsan-misan ay nagsasalita tapos hindi pa namin maintindihan dahil pabigla-bigla niyang nagsasalita. Tapos malimit pa doon ay hindi namin alam kung ano ang sinasabi niya.

"Ha? Anong nawala?" takang tanong ni Anne ng hindi niya matiis na hindi magsalita.

I frowned when Kai's sight ay napunta sa akin. Bakit ako? Bakit sa akin ito nakatingin?

"Bakit?" taka ko ding tanong.

"Nawala na?" Ulit niya pa.

Mas lalo akong nagtaka kung ano ang pinupunto niyo. "Huh?"

"Gaga ka, teh! Gutom ka ba? Gusto mo magluto tayo?" Pang-aaya ni Sammie na akala mo ay marunong magluto. Tinuro pa nga niya ang kusina ng condo nila ni Anne.

"Gaga ka! Makaaalok ka naman akala mo ay marunong ka magkuto," natatawang sabi ni Franny. "Eh, baka nga masunog pa ang condo niyo kapag nagluto ka."

"T*ngina mo ka! Sinabi ko bang ako ang magluluto?" Tinuro niya si Anne. "Siya ang magluluto para sa atin mga g*ga!"

Napapikit na lamang ako sa sigawan nila na akala mo ay ang lalayo nila sa isa't isa. Talo pa 'yung nakalunok ng mic para maging ganyan kalakas ng boses nila. Baka nga kahit 'yung speaker ay matalo nila dahil sa lakas ng tono ng boses nila.

"Makapagsalita siya akala mo naman marunong din siya magluto," pagpaparinig ni Sami. Kaya natawa ako dahil hindi agad nakapagsalita si Franny.

"Marunong kaya ako!"

"Marunong pero hindi naman magaling," panlaban ni Sami kay Franny.

"At least marunong ako may mas igagaling pa ako dahil marunong akong magluto. Eh, ikaw? Hindi na nga marunong, hindi pa magaling," pang-aasar pa ni Franny.

Don't play with me, Captain || ONGOING (EDITING)Where stories live. Discover now