19

50 1 0
                                    

"Ang tahimik mo yata?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Franny. Naguguluhan ako.

"Ha?"

Nandito kami sa 7/11 kung saan kami pumupunta ni Franny kapag may time kami. Dito din kami madalas na maghintayan ni Franny kapag papasok kaming dalawa sa school.

"Ang sabi ko ang tahimik mo. May problema ka ba?" tanong niya habang kumakain siya ng ice cream.

Problema? Meron. Isang malaking problema. At hindi ko na yata kayang lusutan pa. Wala akong nakikitang butas na pwedeng lusutan para makaalis sa problemang iyon.

"Woii!"

"Ahh!" Napadaing ako ng bigla akong hampasin ng malakas ni Franny sa balikat ko. Kaya sinamaan ko siya ng tingin. Grabe siya makahampas. "T*ngina mo! Masakit!"

"T*ngina mo rin! Kinakausap kasi kita tapos ayaw mo ko sagutin. Para tuloy ako kumakausap sa hangin," saad niya at inirapan ako.

“Ah, so kapag magtatanong required manghampas kapag hindi nakasagot agad?” sarkastikang anas ko habang hinihimas ng dahan-dahan ang aking balikat dahil masakit.

“Eh, ano ba kasi? Alam kong may problema ka.”

Napabuntonghininga ako. Nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba o hindi.

“Wala.”

“Ul*l ka! Huwag ako, Aaliyah. Huwag mo nga akong ganyanin. Kilala kita kapag may problema ka or may malalim na iniisip.”

Napangiwi ako ng lumakas ng kunti ang kaniyang tono ng boses kaya napatingin sa amin ang ibang mga customer. As if naman matatakasan ko ang babaeng ito kapag hindi ko sa kaniya nasabi ang iniisip ko.

“Tska ang tagal na kitang nakitang ganyan,” biglang anas na naman niya ng matahimik kaming dalawa.

Nakitang ganyan? Anong ibig niyang sabihin?

“What?” naguguluhan kong tanong dito.

“Ganyan!” She even raised her hand to point at me. “‘Yung frustrated kang tingnan at hindi alam ang gagawin sa isang bagay.”

Tama siya. Frustrated nga ako at hindi ko din alam ang gagawin ko sa mga oras na ito. T*ena. Sabi ng iiwas ako sa lalaki or akoo ‘yung maglalaro sa kanila pero mukha yatang kinakarma na ako.

“Alam mo bang una kitang nakitang ganyan ay ‘yung nawala si Tita at ang panghuli ay ‘yung nakipaghiwalay sayo ang frist boyfriend mong niloko ka ng paulit-ulit pero balik ka pa rin ng balik doon,” mahabang sabi niya.

Mas lalo akong napangiwi sa sinabi niya. Need pa ba ‘yun sabihin? Naalala ko na naman tuloy ‘yung panahon na baliw na baliw pa ako sa first love kong walang ginawa kundi ang paiyakin ako ng paulit-ulit.

“Oh my d*ck!”

“G*ga ka bunganga mo nga!” Sita ko kay Alli ng magsalita ng gano’n.

“Don’t tell me…” Pangbibitin niya.

“Huh?”

“Don’t tell me.” Ulit niya.

“Anong don’t tell me ka d’yan?”

Ang ganda talaga kausap ng babaeng ito. Lagi na lang ganito. May pabitin effect pang nalalaman. Kaya pati lovelife niya ay este sexlife niya ay laging bitin.

“I mean, don’t tell me you're in love?” Mahinang tanong ni Alli na para bang natatakot siyang may nakarinig ng ibang tao.

I swallowed. Sh*t! Pwede na siyang pumasok bilang manghuhula. Tamang-tama ang hula niya, eh.

Don't play with me, Captain || ONGOING (EDITING)Where stories live. Discover now