22

120 6 1
                                    


Nang makita namin ang room kung saan kami matutulog ay nagpahinga na muna kami. Nasa iisang kwarto lang kaming lahat kasama ang kaibigan ni Nath pero lima naman ang kwart nito. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa vip room siguro kami dahil sobrang ganda ng floor na ito. Lalo na kapag nakapasok ka sa isang room.

Dalawa naman ang kama namin kahit nasa iisang kwarto lang kami ni Nath. Kasama niya ang mga anak niya sa isang kama at kami naman ng kapatid ko sa isang kama. Ang lambot ng kama at medyo malaki din. Queen size ang size ng kama namin.

Hindi ako tulog pero nakapikit ang mga mata ko. Wala na dito ang mga bata dahil narinig kong lumabas sila ng kwarto. Hindi naman isla makakalabas ng room namin kaya panatag ako ng hindi sila mawawala. Si Nath ay nag-aayos ng mga gamit nila sa kabinet at mamaya ko na lang aayusin ang amin ng kapatid ko. Tinatamad pa ako at pagod sa byahe.

Pero napamulat ako ng mata ng maramdaman kong may tumabi sa akin at niyapos ako. "B-Bitaw, Nath! B-Baka makita tayo ng mga anak mo."

"Nasa labas naman sila. Kasama ang mga kaibigan ko," anas niya at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin sabay subsob ng kanyang mukha sa aking leeg. "At ano naman kung makita nila tayong ganito? Wala namang masama sa yakap, ah?"

Tama siya. Kaya bakit ko siya pinagbabawalan? Napabuntong-hininga na lang ko at hinayaan ko na lang siyang yumakap sa akin habang nakasubsob ang kanyang mukha sa aking leeg. Habang ako ay hinahaplos koo ang buhok niyang sobrang lambot.

"Hayaan mo muna akong yakapin ka. Napagod ako sa byahe natin," sabi niya at halata doon ang pagod niya.

Mahigit ba namang 12 hours ang byahe namin kaya sinong hindi ang mapapagod doon? Ang sabi ko nga sa kaniya ay mag-eroplano na lang kami pero ayaw niya dahil mas gusto daw niyang magsasakyan kami para daw makita namin ang view ng dinadaanan namin papunta dito.

Maya-maya lang ay naramdaman kong bumibigat ang paghinga niya hudyat na nakatulog na siya. Hinayaan ko lang siya. Nasa ganon kaming posisyon habang natutulog siya at ako naman ay nakapikit lang. Hindi naman ako inaantok dahil nakatulog ako sa byahe namin. Tumitigil lang kami kapag iihi kami or nagugutom tapos konting pahinga lang at byahe kami ulit. sabi ko nga salitan kami dahil marunong naman akong magmaneho pero hindi siya pumapayag.

6 am kami umalis sa Manila tapos nakarating kami dito ng 6 pm at medyo maliwanag pa naman iyon kaya nakapag-picture-picture pa kami kahit papaano.

Makalipas ang isang oras ay may kumatok sa may pinto kaya napatingin ako don at bumukas iyon at gulat na gulat si Ace ng makita kaming ganun ang posisyon ni Nath.

"P*ta! S-Sorry!" Paumanhin nito kaya naitulak ko si Nath dahilan magising si Nath dahil sa pagkakatulak ko sa kanya. "A-Akala ko natutulog kayo. Pasensya na. Aayain ko lang sana kayong kumain."

Namula ang mukha ko. Iba ang nasa isip niya. Natutulog lang naman si Nath at ako ay nakapikit lang. Hinampas ko si Nath kaya napadaing siya pero halata doon sa mukha niyang inaantok pa din siya.

"Sinabi ko sayong huwag kang yumakap, eh! Iyan tuloy iba ang iniisip ng kaibigan mo!" sigaw ko.

Ngumisi lang siya at hinalikan ako ng mabilis. "At pakialam ko naman? Maghihilamos lang ako at sabay na tayong pumuntang hapagkainan or huwag na lang kaya tayong pumunta? At gawin na lang natin ang nasa isip niya?"

"G*go!" sigaw ko dito at tinulak ko siya kaya natawa siya.

"Oh, bakit? Eh, 'yun naman na 'yung nasa isip ng kaibigan ko kaya bakit hindi na lang totohanin?" Nakangising anas niya at lumalapit na naman sa akin.

Napasigaw ako ng bigla niya akong tinulak pahiga ulit sa may kama at bigla siyang pumatong ng mabilis. Mas lalong lumawak ang ngisi niya ng makita ang pagkagulat ko. Sinapak ko siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 12, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Don't play with me, Captain || ONGOING (EDITING)Where stories live. Discover now