2

112 2 0
                                    

"Ate ko!"

Napangiti ako ng marinig ang sigaw na iyon. Binuka ko ang dalawa kong braso para salubungin ito ng yakap na ngayon ay tumatakbo papalapit sa akin. When I woke up from my apartment, I immediately went straight to our house to see my sister. Sinadya ko talagang gumising ng maaga kahit puyat ako sa trabaho ko kaya siguradong hindi pa ako late sa pagpasok ko ng school.

"Feyfey," I smiled and kissed her sweetly on the cheek. "Good morning, bebe ko."

"Good morning din, Ate ko." Sabay halik nito sa akin sa pisngi.

Binaba ko na muna ang bag ko sa may sahig para makipagkulitan muna sa kapatid kong abala sa pagsusulat ng mga letter or alphabet. Mukhang nag-aaral siya.

"Wow! Gumagaling ka na, ah?" Papuri ko sa kapatid ko.

"Syempre, Ate. Magaling kang magturo."

I smiled at what she said so I tickled her. So she burst out laughing and I laughed too. Minsan lang kasi akong umuwi ng bahay dahil napapagod ako. My workplace is closer to the university than our house. So I chose to get an apartment. I only had free time today because I didn't have class for my two subjects this morning, kaya mamaya na ako papasok.

"Na-miss mo ba si Ate? Hmm?" tanong ko habang patuloy lang ako sa pagkikiliti sa kanya pero hininto ko ng saglit para makasagot siya.

"A-Ate, t-tama na—" Hindi niya natapos pa ang sasabihin ng kilitiin ko na naman ito. "O-Opo, Ate. M-Miss po kita."

"Yieee! Na-miss din kita, Feyfey ko," muli ko itong hinalikan sa pisngi at tinigil sa panggugulo ko sa kanya. Dahil hindi niya matapos-tapos ang ginagawa niya.

I sat next to her again. The house is not noisy so I'm sure Daddy is still asleep? Or did he not come home? Or maybe he is in another country? Ganun naman lagi ang gawain niya. Kaya hindi na ako magtataka kung mga katulong lang ang kasama ng kapatid ko at bukod sa isa pa naming kapatid. Ewan ko nga kung dapat ko ba siyang tawaging kapatid o hindi.

But in truth Freya is the only one I consider a sister who I sometimes call Feyfey rather than Fatima. Feyfey is really my real sister and not Fatima. Hindi kami magkasundo ni Fatima at hindi ko na hihilingin na sana ay magkasundo kami dahil ayaw ko sa mga babaeng mga plastic at mukhang pera. Hindi ko nga maintindihan kay Daddy kung bakit nag-asawa pa siya ng bago simula ng mawala ang Mommy namin ni Feyfey.

Naputol lang ang pag-iisip ko ng biglang magtanong sa akin si Feyfey.

"Ate, hindi ka na naman dito umuwi kagabi?"

Napaiwas ako ng tingin sa kapatid ko. Simula kasi ng mag-asawa si Daddy ng bago. Hindi ko 'yon gusto dahil sino ba naman ang matutuwa kung kakamatay lang ng Mommy mo ay mag-asawa agad ng bago ang Daddy mo?

Wala naman, 'di ba?

"I'm sorry," mahinang anas ko.

"Kailan ba kayo magkakaayos ulit ni D—"

Natawa ako ng sarkastiko sa sinabi ng kapatid ko dahilan para hindi niya matapos ang sinasabi niya. Magkakaayos? Meron ba sa aking bokabularyo ang salitang 'yon? Hmm, parang wala naman.

"Hindi na kami magkakaayos," sabi ko.

"Pero Ate—"

"Fey," seryosong sambit ko dahilan para mapanguso siya at hindi na nagsalita pa.

I sighed and hugged my sister Feyfey tightly. Even though I want to take Feyfey and we can just be together pero hindi ko pa siya kayang buhayin. Pangpaaral ko nga ay kapos pa ako. Paano pa kaya kung kunin ko na siya? Baka mamatay lang siyang gutom kapag sinama ko siya sa akin.

Don't play with me, Captain || ONGOING (EDITING)Where stories live. Discover now