Destiny

2.9K 266 26
                                    

Chapter One

Present day.

TAHIMIK lang na pinanood ni Omi ang taimtim na pagdarasal ng inang si Monica pagkatapos nitong magtirik ng kandila sa harapan ng larawan ng kanyang ama. Mahigit isang dekada na ang nakalilipas magmula nang masawi ang kanyang ama sa isang brutal na paraan nang araw na iyon. Nasaksihan niya ang lahat. Nila, kabilang ang labing-isa niyang mga kaibigan. Ilan lamang silang nakaligtas nang araw na iyon. Na marahil kung hindi sa makalokohang treasure hunt na iyon na iminungkahi ni Scythe ay hindi malayong pati sila ay napasama sa madugong massacre sa training camp kasama ng kani-kanilang mga magulang.

Hindi na nila nagawang maiuwi pa ang bangkay ng kanyang ama kaya naman sa tuwing sasapit ang anibersaryo ng kamatayan nito ay tanging pagdarasal at pagtitirik na lamang ng kandila sa harapan ng larawan nito ang nagagawa ng kanyang ina. She still mourns his father's death. He does, too. But after exacting their revenge on those people who were responsible for their death, his chest felt lighter. 

His grandparents had told them that they shouldn't dwell on it so much. Parte raw iyon ng buhay na pinasok ng kanyang ama. You live by the sword, you die by the sword, 'ika pa ng kanyang Lolo. He hates his grandparents for acting like his father's life didn't matter. That whatever happened to him it was a well deserved death. After all, hindi ito naging isang huwarang mamamayan sa kanilang paningin.

Bata pa ang kanyang ina nang mabalo. Ngunit sa halip na muling mag-asawa katulad ng sulsol ng Lola at ilang tiyahin niya ay ipinokus na lamang nito ang atensyon sa pagpapalaki sa kanya. Wala na raw itong balak buksan ang puso para sa panibagong pag-ibig. James Burman will always be her one and only love. At kung mabibigyan daw ng pagkakataon ang mga ito na muling magkita sa kabilang-buhay, ito pa rin ang lalaking pipiliin ng kanyang ina.

Nang makitang nag-antada na ang ina hudyat na tapos na itong magdasal ay tumuwid na rin ng tayo si Omi mula sa pagkakasandal sa hamba ng pinto. Pasimpleng nagpahid ng luha ang kanyang ina, bagay na hindi nakaligtas sa mapang-obserbang tingin ni Omi. Nang makalapit ito sa kanya ay kinabig niya ito at hinagkan sa tuktok ng ulo saka hinagod-hagod sa likuran.

"I missed him," she sniffed.

"I missed him, too, Mama. And I'm sure nasaan man siya ngayon, he's watching over us. I bet he'll be sad knowing you always cry every time you remember him."

"Hmp, ang daya niya naman kasi. Nang-iiwan na lang siya basta. Had I known that it will be the last time I'll be seeing your father, I would have flown there with you two."

"Then he'll probably went out of his head with worry over your safety."

He witnessed his last moments. He didn't beg or cry for his life. Until the very end, he carried himself like a boss. They all do. Nakangisi pa ang kanyang ama nang tuwid na salubungin ang tingin ng taong bumaril dito. The expression on their faces said it all. They are not beneath anyone even in death. And they will never, ever bow down to anyone.

"By the way, I think it's about time you settled down. Bigyan mo na ako ng apo."

Omi froze. Kung hindi niya lang nanay ang yakap-yakap niya ay kamuntikan na niya itong maitulak. Ganoon pa man ay dahan-dahan niya itong inilayo.

"Where the deuce did it come from?"

"Aba'y matanda ka na. Nakapagtapos ka na ng pag-aaral at maituturing na isa sa pinakamatagumpay na negosyante sa bansa."

Matagumpay na negosyante. Marahil nga. He built Supremo Distileria from the ground. Dati iyong negosyo ng unang henerasyon ng pamilya ng kanyang ina. Ngunit napabayaan ng sumunod na henerasyon dahil sa mismanagement hanggang sa tuluyang malugi at magsara. Bata pa siya nang minsang mabanggit ng Papa niya na balak nitong itayo ulit ang kompanya. Sa palagay raw kasi nito ay may pag-asa pang makabangon at muling lumago ang distillery. Bago pa man siya magkolehiyo ay unti-unti na niyang pinag-aralan ang pasikot-sikot ng negosyong 'yon. He figured he could start from there. It was also some sort of a tribute to his father. 

The Untouchables Series Book 4 Ominous BurmanWhere stories live. Discover now