Flame Princess With A Twist

3.1K 210 23
                                    

Chapter Two

"BAKIT magkasalubong na naman ang mga kilay mo, Princess Merida?" nang-aasar na bungad ng kaibigan ni Mariquit na si Emeliana.

Princess Merida ang tawag nito sa kanya dahil sa kulay pula at sabukot niyang buhok. Patabain lang daw ang mukha niya at kopyang-kopya na siya sa Disney Princess na iyon.

"Sino na naman ang nakaaway mo?" tanong nito na marahang bumangon sa kinahihigaang hospital bed. 

Kita ni Mariquit ang hirap nitong pagkilos kaya naman napamadali siya ng pasok sa silid nito para alalayan itong makaupo. Ito ang dahilan kaya nagmuntik-muntikan na siyang mategi kanina para mapuntahan ito. Bagong lipat lang siya sa tinitirhan niya kaya hindi pa saulado ang mga kalye. Sa pagmamadali niyang puntahan ang kaibigan na isinugod sa ospital ay hindi na niya napansin na ang daang nilusutan niya ay one-way pala. Mabuti na lamang at nadaan niya sa sindakan ang lalaking 'yon na may pilyong mga mata. Hindi man niya nakita ang kabuuan ng mukha niyon dahil nakasuot ng helmet ay sigurado siyang ito ay guwapo. Guwapong nuknukan ng babaero. He even flirted with her. Pero hindi umubra. She avoided them like the plague. Siya kasi ang tipo ng babaing hindi madaling humanga sa guwapong mukha. At malaking turn off sa kanya ang mga lalaking malandi. Yes, in her vocabulary hindi lang dapat babae ang tinatawag na ganoon kundi pati na rin ang lalaki.

"So, ano nga? Sino na namang lalaki ang inaway mo?" muling untag ni Emeliana nang hindi kaagad siya sumagot sa tanong nito.

"Just some random guy I accidentally bumped into on the street when I rushed here as soon as I heard the news," sagot niya. Saka ito pinahapyawan ng tingin sa paraang sinu-survey ang lahat ng pasa at ilang sariwang sugat sa mukha at ilang parte ng katawan ni Emeliana. "Mind telling me what happened? O huhulaan ko pa ba?" 

Kung ang kaibigan ay nagagawa pang ngumiti at umastang parang wala lang ang nangyari rito, si Mariquit ay hindi. Pakiramdam niya ay kumukulong lava ang dugong dumadaloy sa kanyang mga ugat dala ng matinding galit sa kaawa-awang sinapit ng matalik na kaibigan. She was literally black and blue. Pasa-pasaan at may putok pa ang mga labi na aakalain ng sino mang makakakita rito ay biktima ito ng gang rape. May bakas pa ng mga daliri sa leeg. Na obviously ay resulta ng mariing pagsakal dito. Hindi na niya kailangang manghula kung sino ang may kagagawan niyon dahil hindi naman iyon ang unang pagkakataon na nagkaganoon ito.

"It's not as bad as it looks," wika ni Emeliana na may kalakip pang ngiti.

"Anong it's not as bad as it looks? Gusto mo bang ikuha kita ng salamin para makita mo ang sarili mo? My God, Emeliana. Hanggang kelan ka ba magtitiis sa lalaking 'yon? He's not worth it."

"You don't understand, Keith. I love him."

"Love?" she almost snorted. 

Madalas ay gusto na niyang iumpog ang ulo ng kaibigan sa pader para matauhan. Ngunit sa kabilang banda ay baka naman nasobrahan na ito sa bugbog kaya pati pag-iisip ay naapektuhan na.

"No offense. Pero kung ganyan din lang ang mangyayari sa akin, I'd rather not fall in love," tahasan niyang sagot sa kaibigan.

Mahinang tumawa lang naman ito sa sinabi niya. Nakatakip pa ang likod ng palad sa bibig na tila isang mahinhing dalaga. Naparolyo ang mga mata ni Mariquit. Ininsulto na niya nang pahapyaw pero tinawanan lang siya. Hindi niya alam kung maaawa pa ba rito o maiirita. Parang masyado na itong martir. Ipabaril na kaya niya ito sa luneta? Nag-aalala siya rito dahil baka sa susunod na makita niya ito ay isa na itong malamig na bangkay.

"Ikaw lang yata ang kilala kong erotic romance author na wala man lang romantic bone sa katawan."

"Correction, ako lang ang kilala mong author."

The Untouchables Series Book 4 Ominous BurmanWhere stories live. Discover now